"Anne!! Anne!!" sigaw ni Yuri sa labas ng bahay ni Calvin
"Nasaan na ba yun?" narinig ni Anne, marahil si Nicolei yun
"Aaannnee!!!" huling sigaw na narinig ni Anne bago pumasok sina Yuri sa loob
---
(Bakit ba nangyari to? Napakasaya lang ng moment kanina sabay ganito na ang nangyari) nasabi ni Anne sa sarili
Hanggang ngayon, balisa pa rin ang dalaga, tuliro sa mga nakita kanina lang.
Umiiyak...
Tumutulo ang mga luha...
Hindi alam kung anong gagawin.
Nakaupo si Anne sa likod ng kotse ni Macky.
Ilang minuto pa ang lumipas ng magpasya na siyang tumayo at maglakad na para makauwi.
---
KINABUKASAN:
Nakita agad ni Anne na may 30 missed calls at 50 messages sa cellphone niya.
Mga texts at tawag ni Macky, Ces, Yuri at Jenna.
Nagpasya ang dalaga na magpalipas ng gabi sa isang hotel na nakita niya nuong naglalakad siya habang naghahanap ng masasakyan.
Muling bumalik sa ala-ala ni Anne ang mga nangyari kagabi:
Kakasuot lang ni Pamela ng damit pang-itaas niya nuong maabutan siya nila Anne.
Hindi niya masyadong naaninag si Macky pero sigurado siya na nakahiga duon ang boyfriend niya.
---
Mabuti na lamang at bakasyon na, hindi na mahihirapan pa si Anne na ipaliwanag kila Ces ang mga nangyari.
Kaya nagpasya na siyang umuwi agad ng probinsya nuong linggong yun.
Sakto namang wala ang kasama niya sa dorm nuong araw na nag-impake siya ng gamit.
Patuloy pa rin si Macky at mga kaibigan niya sa pagtext at pagtawag sa kaniya pero ni isa wala siyang sinagot.
Gusto niyang magpahinga...
Kalimutan muna ang sakit...
Pero habang nasa biyahe ang dalaga, napag-isip isip siya.
Paano kung wala naman talagang nangyari kila Macky at Pamela?
Paano kung pakana lang o gusto lang sirain ni Pamela ang relasyon nila.
Hindi siya makapag-desisyon ng tama, marahil saka na lamang niya aaayusin ang mga problema niya pagdating sa bahay nila.
---
Pagdating ni Anne sa bahay nila:
Agad na sumalubong sa kaniya si Macky.
Nakaupo ito sa harap ng bahay nila at nakatitig lang sa kaniya, napatigil naman sa paglalakad ang dalaga ng makita ang kasintahan niya.
Tumayo si Macky pagkaraan ng ilang segundo at naglakad ng unti-unti palapit kay Anne.
Hindi pa rin magawang gumalaw ni Anne, hindi niya alam kung iiyak ba siya, ngingiti, makikipag-usap o sasampalin si Macky.
Nang makalapit na si Macky sa kaniya, nagpasya na ang dalaga:

BINABASA MO ANG
One Summer Love (On-going)
Teen FictionA love story that blossomed on a summer morning. Through hardships and trials, will it prevail?