Kahit sumasagi sa isip ni Anne ang mga sinabi ni Pamela sa kaniya nuong birthday party ni Jasper, hindi ito naging sagabal para magbago ang relasyon nila ni Macky.
Ngunit isang araw:
"Nakipag-break na ko kay Nics" sabi ni Ces ng magkita sila ni Anne sa klase
"Huh? bakit?" gulat na tanong ni Anne
"Pinagpustahan lang daw ako sabi nung kapatid ni Jasper." malungkot na paliwanag ni Ces
"Baka naman nagsisinungaling lang yun, I mean baka nagkamali lang siya" sabi ni Anne
Sobrang tamlay ni Ces ng araw na yun, halatang umiyak ng sobra dahil sa mata at wala make-up gaya ng nakasanayan niya
"Hindi ko ma-gets, napag-usapan niyo na ba yan?" sabi ni Anne
"Hindi na, nakipag-break na ako agad. Tama nga naman si Eve, bakit naman magkakagusto ang isang disenteng tao sa katulad kong kalog, walang manners, walang breeding, pranka, parang di babae kung kumilos?" sabi ni Ces na tila maiiyak na
"Grabe ka naman, hindi mo man lang siya pinagpaliwanag?" tanong ni Anne
"Hindi na." sabi ni Ces
"Mali yun" sabi ni Anne
"Hayaan mo na, ganun talaga. Kaya ikaw, mag-ingat ka kay Macky baka ganun din." sabi ni Ces sabay yuko na lang sa upuan
---
Agad na tinext ni Anne si Macky para makibalita tungkol sa break-up nila Ces at Nico, para na rin mapanatag siya sa status ng relasyon nila ng binata.
"Baby, alam mo nangyari kay Ces at Nico?" text ni Anne kay Macky
"Oo, kawawa nga si Nics eh. Nakipag-break daw si Ces ng walang dahilan" reply ni Macky
"Ipag-meet natin yung dalawa para mag-usap" sabi naman ni Anne
"Sige, sige gawan natin ng paraan yan" text naman ni Macky
"Sige, ingat. I love you" reply ni Anne
"I love you too" sabi naman ni Macky
---
Nag-decide sina Anne at Macky na sa bahay na nila Jasper mag-usap usap para na rin magpaliwanag si Eve sa mga sinabi niya kay Ces.
Ipinaalam na rin kay Jasper ang mga nangyari at pumayag naman ito at tumulong na rin.
Naunang dumating sina Macky kasama ang mga barkada niya, Bryan, Nicolei at Calvin
Pagkarating nila Anne, nagulat si Ces dahil ang pagkakaalam niya'y magpapahatid lang si Anne para sa outing nila ni Macky.
Kasama nila Anne sina Yuri at Jenna.
"Anong meron?" mahinang sabi ni Ces kila Anne
Nakaupo ang lahat sa sala
"Upo muna kayo" aya ni Jasper
Umupo naman ang magkakaibigan
"Pag-uusapan niyo ni Nico yung breakup. I mean, alam kong hindi dapat kami nakikialam pero hindi kasi klaro ang hiwalayan niyo. Just let him explain and know everything." paliwanag ni Anne kay Ces
"Parating na si Eve in just a moment" sabi ni Jasper na nagaabang sa may pintuan nila at tinitignan ang gate nila
Ilang sandali lang ay dumating na si Eve at...
Kasama si Pamela at isa pang kaibigan.
"Ano bang meron?" masungit na tanong ni Eve sa kuya niya
"You need to explain" sabi ni Jasper
"Umupo muna kayo dun" dugtong pa ni Jasper
"Okay since andito na lahat. Di na ko magpapaligoy-ligoy pa. Eve ano yung sinabi mo kay Ces?" sabi ni Jenna pagkaupo nila Eve
"Sinabi? I don't even know who that Ces is." sabi ni Eve na tumayo na rin
Nag-irapan ang dalawa
"Sinabi mo sakin na hindi magkakagusto sa isang tulad ko si Nicolei" sabi ni Ces na tumayo na rin
"Ah. So ikaw pala yun? Look at you. Mukha kang pokpok? I just told you my opinion about your relationship." paliwanag ni Eve kay Ces
"So nakipag-break ka kay Nicolei at sisisihin mo si Eve?" sabi naman ni Pamela na tumayo na rin
"And I don't get it kung bakit kailangan mag-usap lahat dahil lang sa babaeng to" dugtong pa ni Pamela na dinuro pa si Ces
"Wag mong maduro duro yung kaibigan namin" sabi naman ni Jenna
"Nasa bahay namin kayo!" sigaw ni Eve kay Jenna
"Calm down guys" sabi naman ni Bryan na lumapit na kay Jenna
"So these are all misunderstandings? Nics and Ces. Pumunta kayo sa kwarto dun at mag-usap kayo" sabi ni Jasper na tumingin kila Macky, Calvin at Bryan
Tumayo ang tatlo at dinala nga sina Nico at Ces sa kwarto, hindi naman pumalag ang dalawa.
"Wag kayong lalabas diyan hanggat hindi niyo naayos yan" sabi ni Macky sa dalawa
---
After siguro ng mga 10 minutes ay lumabas din ang dalawa.
Tahimik sila ng una pero after ng ilang segundo ay ngumiti rin at nagholding hands.
"Okay na?" sabi nila Macky
Tumango lang ang dalawa
"Okay. So yun na yun? All of you can get out here na" sabi ni Eve sabay akyat sa kwarto nito kasama sina Pamela at isa pa nilang kaibigan
"Ba't ba ganun yun?" tanong ni Jenna kay Bryan
"May gusto ata kay Nicolei" bulong naman ni Bryan
"Since okay na kayo. Why don't we celebrate?" sabi ni Yuri
"Tara" aya naman ni Calvin
Kumain ang magkakaibigan sa labas at gaya ng inaasahan, naging maayos ang lahat.
Inamin naman ni Jasper na may gusto nga kay Nicolei ang kapatid niya.
Pero kahit pa naging maayos na ang lahat, hindi pa rin mapanatag si Anne dahil alam niya isang araw mula ngayon may gagawing masama si Pamela.
---
Gaya ng lagi nilang ginagawa, laging umuuwi sina Anne at Macky sa probinsya tuwing bakasyon nila.
Lumipas ang mga araw, linggo at buwan at naging maluwag na ang pakiramdam ni Anne tungkol sa kung ano man ang maaaring gawin ni Pamela.
Panatag na ang kalooban ng dalaga dahil sa tinagal ng relasyon nila ni Macky ay naging mas matatag pa sila, masaya rin si Anne dahil hindi katulad ng ibang couple ay hindi sila nagsasawa sa isa't-isa ni Macky.
---
Sa araw ng graduation ni Macky, lumuwas ang ina niya para samahan siya. Ang kuya naman niya ay umuwi rin galing states para makita ang kapatid niya na grumaduate.
Anong kaya ang mga mangyayari?
To be continued...
BINABASA MO ANG
One Summer Love (On-going)
Подростковая литератураA love story that blossomed on a summer morning. Through hardships and trials, will it prevail?