Chapter 9

8 0 0
                                    

"Pinapunta ko nga sila dito para magkabati tayo." sabi ni Macky Nakaupo ang dalawa malapit sa dalampasigan, nakapatong ang ulo ni Anne sa balikat ni Macky.

Pinaguusapan nila kung bakit pumunta ang mga kaibigan nila sa kanila.

"Ikaw kasi eh, chicboy..." sabi ni Anne

"Aw, parang di mo alam nangyari."

sabi naman ni Macky

"Kahit na" sabi ni Anne sabay tawa ng mahina

"Bully ka talaga eh, porket mahal na mahal kita ginaganto mo ko" sabi ni Macky na nagtatampo ang boses

"Hala ka, joke lang." sabi ni Anne na tumingin kay Macky at pinisil ang ilong nito

Maya-maya pa'y nagkatitigan ang dalawa

"Yan ka na naman" sabi ni Anne na tinakpan ang mukha ni Macky

Hindi nagsalita si Macky bagkus ay kinuha niya ang kamay ni Anne at hinalikan ito

Nagulat si Anne pero sa pagkakataon yun, hindi na siya nagsalita

(Pagbigyan...) sabi ni Anne sa sarili sabay ngiti at balik sa pagkakayakap kay Macky

Tulog pa ang mga kasama nila.

---

Ilang araw din ang tinagal ng mga kaibigan nila Macky at Anne at pagkatapos ay nagsiuwian na rin sa kaniya-kaniyang probinsya at bahay.

Lumipas pa ang mga araw, gaya ng dati sweet ang dalawa sa isa't-isa.

Lagi silang tumutulong sa pagawaan ng wood at handicrafts.

Hanggang sa dumating ang araw ng birthday ni Macky

-----MAY 7, 2009-----

"Good Morning baby" text ni Anne kay Macky

Kakagising lang ng dalaga, agad niyang naalala ang birthday ni Macky

Pinaghandaan niya ang araw na ito pero sinadya niyang wag batiin hanggang mamayang gabi ang boyfriend niya

Ilang minuto pa ang tumagal ng mag-reply si Macky

"Good Morning din baby" sabi ni Macky sa text

"Kain ka ng breakfast ah. Wag mag-skip baby" reply naman ni Anne

Hindi nag-reply agad si Macky, pero after ilang minutes ay nag-reply din ito

"Wala ka ng ibang sasabihin?" tanong ni Macky

"Wala na, bakit? Ano bang meron?" sabi  ni Anne na natatawa pa habang nagrereply kay Macky

"Aw. Wala" reply ni Macky

(Nako, baka magalit tong si Mokong.) sabi  na lang ni Anne sa sarili

Umabot ng tanghalian at hindi na nagtext pa si Macky

"Baby, eat na ng lunch. I love you po" text ni Anne

Bumili ang dalaga ng couple ring ilang araw bago sila magkita nuon ni Macky sa coffee shop

Plano niyang ibigay ito mamayang gabi kung kelan akala ni Macky na hindi alam ni Anne na birthday niya ngayon

"Opo :[" reply ni Macky

"Bakit sad?" tanong ni Anne, naaawa na ang dalaga pero kailangan niya yun para maging special naman ang araw na to para sa kanila

One Summer Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon