"Ano yung sabi mo kanina?" tanong ulit ni Macky
"Huh? Ano ba yun?" umalis na sa pagkakatitig si Anne
"Diba sabi mo.." panimula ni Macky
Napatingin muli si Anne sa matalik na kaibigan
Kinakabahan ang dalaga...
Hindi siya sigurado kung nasabi niya ba kanina yung hindi dapat sabihin...
Ilang segundo pang nakatingin lang at hindi nagsasalita si Macky...
"Sabi mo kanina.. pahinga muna tayo diba?" wika ni Macky
Napabuntong hininga si Anne, para bang nabunutan ng tinik sa lalamunan
"Oh? Bakit may problema ka ba?" tanong ni Macky
"Wala!" sabi ni Anne na napangiti
"Ano kain ba muna tayo?" aya ni Macky
"Sige, ayun oh! Halo-halo." sabi ni Anne na hindi maalis ang ngiti
(Muntik na, hhhhhaaayyyy...) sabi sa sarili ng dalaga
_________________________
Pagkatapos kumain ay agad silang bumalik sa sasakyan at tumuloy na sa byahe pauwing La Union.
"Kamusta pala ang first sem mo?" biglaang tanong ni Macky
"Ok naman, wala namang nangyari masama. Marami akong naging friends saka wala akong hindi nakakasundo. Ikaw ba? Kamusta buhay?" sagot naman ni Anne, nakatingin sa bintana
"Ok lang rin. Sanay naman na ako sa Manila." sabi ni Macky
"Kamusta pala love life?" biglang dugtong ng binata
"Huh? Ah.. wala namang nanliligaw sa akin dun" sagot ni Anne
"Ikaw, malamang marami kang girlfriend dun." dugtong pa ni Anne sabay tingin kay Macky
"Ano ka.. wala no. Good boy ata tong katabi mo" natatawang sinabi ni Macky
"Weh?" wika ni Anne
"Oo nga. Kulit..." sabi ni Macky
"Malapit na pala tayo. Excited na kong makita sina mama at papa. mahinang nasabi ni Anne hanggang sa makatulog na lang ulit ng di namamalayan
_________________________
"Ughm.." nagising si Anne
"Andito na tayo tara na" narinig ng dalaga na sinabi ni Macky, nakangiti ang binata gaya ng lagi niyang ginagawa
(Bakit ba napaka-gwapo nitong lokong to. Nakakainis..) sabi ni Anne sa sarili
Lumabas na ng kotse si Macky, sumunod naman si Anne.
Kinuha ni Macky ang gamit ni Anne at bago pa man magsimulang maglakad ang dalawa ay agad silang sinalubong ng mga magulang ni Anne
"Sir, maraming salamat po sa paghatid sa anak namin." sabi ng ina ni Anne
"Gusto niyo ho ba ng maiinom man lang? Dito na rin po kayo maghapunan." tanong naman ng tatay ni Anne
"Salamat po pero baka naghihintay na si mama sa bahay. Sige po mauna na ko" paliwanag ni Macky

BINABASA MO ANG
One Summer Love (On-going)
Teen FictionA love story that blossomed on a summer morning. Through hardships and trials, will it prevail?