Chapter 1

100 3 0
                                    

 "Excuse me, kilala niyo po ba si Susan Ramirez?" tanong ng lalaki kay Anne

Nakaupo ang dalaga sa isang malaking bato sa dalampasigan. Iniisip kung bakit siya nagawang lokohin ng boyfriend niya na kung saan ay nalaman niyang pinagpustahan lang siya ng barkada nito at may iba pa itong girlfriend.

"Miss?" tanong ulit ng binata sabay kaway sa harap ng mukha ng dalaga

"Huh? Bakit po?" tanong ng dalaga ng mapansin ang binata

"Alam niyo ba kung saan yung bahay ni Susan Ramirez?" tanong ng binata

"Oo, malapit lang bahay namin dun e. Bakit po?" sagot ng dalaga

"Ah, duon kasi ako nagbabakasyon e. Naglakad-lakad lang ako tas namalayan ko di ko na alam pabalik. Pwedeng pasabay?" sabi ng binata

"Ah sige, tara na.." sabi ni Anne sabay tayo

"By the way I'm Macky" sabi ng binata sabay abot ng kamay niya na inabot rin naman ni Anne

"Anne po" sabay ngiti ng dalaga

Mahaba ang buhok ni Anne, mestiza, medyo bilugan ang mata at may mapulang labi, siguro mga 5'6 ang height sa tantiya ni Macky, maganda ang hubog ng katawan, nakakabighani..

"Kuya andito na tayo." sabi ni Anne na napansing nakatingin ang binata sa kaniya.

"Kuya?" sabi ulit ng dalaga na tinapat ang mukha niya sa mukha ni Macky

"HUH? Ah, ayun na pala. Sige salamat." sabi ng binata

"Sige, kita na lang ulit tayo" sabi ni Anne sabay naglakad na palayo

"Sige" sabi ng binata na di na maalis ang ngit

_________________________

Summer nun, duon nagsimulang maging magkaibigan ang dalawa

Kaka-graduate lang ni Anne sa high school samantalang incoming 2nd year college na si Macky na nag-aaral sa Maynila

Valedictorian si Anne sa national high school nila at napili niyang mag-aral sa Maynila

Natanggap naman ang dalaga at di nahirapan magdesisyon ang mga magulang nito dahil scholar siya

Lagi nang magkasama ang dalawa simula ng magkakilala, naliligo sa may dagat, umaakyat sa may burol na malapit sa kanilang lugar, bumibisita sa may bukid, halos parang magkasintahan na sila ngunit siguro talagang hanggang kaibigan lang ang dalawa kahit pa sobrang lapit na nila sa isa't-isa.

_________________________

"Paano na yan baka di tayo magkita pag nasa Maynila na? Medyo malayo ako sa school mo e" sabi ni Macky na nakahiga sa hita ng dalaga, nasa ilalim ng puno ang dalawa.

Nakatulala lang si Anne sa kaniya..

"Anne-ing!" sigaw ni Macky 

"Oh? Anong aning ka diyan" sabi ni Anne sabay pisil sa ilong ng binata

"Aray! Nakatulala ka kasi e" sabi ni Macky

"Ah, wala naalala ko lang yung boyrfriend ko dati." sabi ni Anne na mukhang malungkot

Umalis naman sa pagkakahiga si Macky at nagsalita

"Sus! kalimutan mo na yun. Makakahanap ka rin ng iba" sabi ni Macky

"Di ko muna iisipin yun" sabi ni Anne

"Bahala ka, baka di mo alam andiyan lang sa tabi yung nagmamahal sayo" sabi ni Macky

"Huh? Sino naman?" sabi ng dalaga

"Wala. Anne-ing!" pasigaw na sinabi ng binata sabay pisil din sa ilong ng dalaga at tumakbo palayo

"Aray! Ikaw.." hinabol naman ni Anne si Macky

_________________________

Ilang linggo nang nakakalipas ng magkakilala sila Anne at Macky, ilang linggo na rin simula ng malaman niyang niloko lang siya ng boyfriend niya, ngunit di pa rin makalimutan ni Anne ang ex dahil sa ilang buwang panliligaw nito at ilang buwang naging sila ay mahirap isipin na niloko lang siya nito.

Naging sobrang close naman sila ni Macky na naging bestfriend na rin niya.

Bago pa matapos ang summer ay nag-decide na silang pumunta ng Maynila, nag-iisang anak lang si Anne kaya't hindi mahihirapan ang magulang nito na magpadala ng pera kahit papano. May kapatid na lalaki naman si Macky na mas matanda naman sa kaniya ng isang taon na sa Maynila rin nag-aaral ngunit minsan lang dumalaw sa Ina nila sa probinsya.

_________________________

"Ihahatid muna kita sa dorm mo ah. Minsan lang pala tayo makakapagkita. Diliman ka, sa Taft naman ako. Text text na lang ah" sabi ni Macky ng mapansing tahimik si Anne

"Kinakabahan ako" sabi ng dalaga, first time niya kasing pumunta ng Manila.

"Di yan. Wala namang mayabang sa school niyo e. Puro matatalino dun, humble" nagkatinginan ang dalawa, nakangiti si Macky

"Sabi mo e" sabi naman ni Anne 

Gwapo si Macky, matangkad, 6 footer siguro sa tingin ng dalaga, mestizo, medyo chinito at maayos ang gupit ng buhok kaya maayos tignan.

"Marami na sigurong nalokong babae to" natatawang naiisip ni Anne

_________________________

Ilang oras lang ay dumating na sila sa Diliman kung saan magpapa-alam na ang dalawa sa isa't-isa

Pagkababa ni Anne sa kotse, agad na dumiretso si Macky sa likod ng kotse para kunin ang mga gamit ng dalaga.

"Hatid na kita sa loob" sabi ng binata

"Sige, tara" sabi ni Anne

Hanggang sa umabot sila sa may dorm tahimik lang..

"Okay. Dito na.." sabi ni Anne ng mapansing nasa hallway na sila ng dorm niya

"Good luck. I-text mo ko pag may kailangan ka." akmang hahalik sana si Macky sa pisngi ng dalaga ng..

_________________________

Nahalikan ni Macky si Anne sa labi.

Nagulat ang dalawa at nagkatitigan

Ngunit pagkalipas ng ilang minuto

"Ah.. sige mauna ka na" sabi ni Anne upang matigil ang awkward na eksena

"Ah.. sige. Ingat ah" pinilit ngumiti ni Macky sabay naglakad palayo na napakamot pa sa ulo

pakiramdam ni Anne, kakainin na siya ng lupa.

Di akalain na mangyayari yun sa kanila.

Hanggang sa lumipas ang ilang araw na di sila nakapagcommunicate.

Malapit na rin ang start ng pasukan..

Habang nakahiga sa kama niya..

Napaisip ang dalaga..

"May gusto kaya ako kay Macky?"

To be continued...

One Summer Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon