Chapter 14

4 0 0
                                    

Sa araw ng graduation ni Macky:

Halos sabay lang na dumating si Anne pati ang kuya ni Macky na si Alvin.

Nung una, hindi yun napansin ng dalaga pero nung makita na niya kung nasan si Macky at mama nito.

Nagkabanggaan ang dalawa, nagulat silang pareho.

"Ah... Anne" sabi ni Alvin

"Alvin?" gulat naman na sinabi ni Anne

"Kamusta na?" tanong ni Alvin habang naglalakad sila palapit kila Macky

Malapit nang magsimula ang graduation.

"Okay lang, ikaw?" sabi naman ni Anne

"Ayos lang rin naman." sagot ni Alvin

Nang makaabot na ang dalawa, binati agad nila si Macky.

Nagkamustahan naman sina Alvin at ang ina nito.

MEDYO AWKWARD ANG EKSENA...

  ---  


Pagkatapos ng graduation, agad tumungo sila Macky sa bahay ng lolo't lola niya.

Duon niya lang naalala na ipapakilala niya nga pala si Anne sa mga ito.

Naruon din ang iba nilang kamag-anak sa father's side niya, tamang tama para ipakilala niya ang girlfriend niya.

Agad silang sinalubong ng mga tito't tita niya, kinongratulate si Macky at kinamusta naman si Alvin.

Pinakilala agad ni Macky si Anne sa mga ito:

"Eto nga po pala ang girlfriend ko, si Anne." panimula ni Macky

"Anne, mga tito't tita ko" dugtong pa ni Macky

Nakipag-kamayan naman si Anne sa mga ito at nagpa-kilala na rin.

"Nasaan nga pala sina lola?" tanong naman ni Alvin

"Andun sa loob kasama yung mga pinsan niyo" paliwanag ng isa nilang tito

"Sige, papasok na muna kami sa loob" paalam naman ng mama nila Macky

  ---  


Pagkakita nila Macky at Alvin sa lolo't lola nila ay nagmano agad ang mga ito.

Siyempre, agad namang ipinakilala ni Macky si Anne pagkatapos ng kamustahan.

Pinakilala rin ni Macky si Anne sa mga pinsan niya.

Pagkatapos ng ilang minuto ay pumasok na muna ang lahat dahil ipinatawag sila ng lola't lolo ni Macky:

Nag-speech ng konti ang lolo niya habang ang nagtapos naman ay ang lola niya.

Pagkatapos ng pagcongratulate ay nagpatuloy na sila sa party.

"Baby, punta pala tayo mamaya sa party nila Calvin" paalam ni Macky habang kumakain sila

"Ah sige." sabi naman ni Anne na nakangiti

"Pupunta rin ata yung mga kaibigan mo" biglang sambit ni Macky

"Sina Ces?" tanong ni Anne

"Oo" sagot ni Macky

"Ano na palang balak mo?" tuloy ni Anne sa usapan

"Balak?" sabi ni Macky na nakangiti

One Summer Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon