Nanatiling nakatayo si Alvin sa tapat ng bahay nila Anne, hinihintay na makalapit ang dalaga na ngayon ay naglalakad papunta sa kinatatayuan niya.
"Alvin? Anong ginagawa mo dito?" bungad ni Anne sa binata
"Anne" sambit ni Alvin sabay ngiti
"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" tanong ni Anne
"Nahirapan nga kong hanapin ka pero eto" paliwanag ni Alvin
"Ba't ka pala napapunta dito? May kelangan ka?" sunod na tanong ni Anne
"Wala naman, gusto ko lang makibalita" sagot ng binata sabay ngiti nito
(Macky) naisip ni Anne bigla ang ex niya, EX
"Sige, tara sa loob" aya ni Anne sabay lakad papasok ng bahay nila
---
Agad na nakita ng ina ni Anne si Alvin:
"Alvin?" gulat ng ina
"Ma, nangungumusta lang daw." paliwanag ni Anne sabay paupo kay Alvin
"Mukhang okay po itong business niyo tita ah" sabi ni Alvin
"Oo nga eh. Maganda ang kita, maayos naman ang lahat. Kamusta na sa inyo?" tanong ni Maria
"Okay lang naman po, nagkaroon ulit kami ng expansion sa Davao at pasay" sagot ni Alvin
"Ah, Alvin. Anong gusto mong inumin? May juice kami, softdrinks, kape.." biglang singit ni Anne sa usapan
"Ah, kahit ano okay lang" sagot ni Alvin nang biglang lumapit si Ces na kanina'y busy sa panonood ng TV
"Uy, baka gusto mo akong ipakilala bestie" sabi ni Ces
Pinakilala naman ni Anne si Cecile kay Alvin
"Oo nga no, medyo hawig kayo ni Macky" sabi ni Ces sabay tingin kay Anne
"Ah, teka kukuha lang ako ng maiinom mo" sabi ni Anne sabay alis
Ilang sandali pa'y bumalik naman ang ina ni Anne at hinandaan ng makakain si Alvin, sumunod naman si Anne na dala ang juice.
Nag-usisa agad agad si Ces sa binata hanggang sa matapos itong kumain.
---
"Nako bestie tama na yan, baka ma-late pa tayo sa klase" sabi ni Anne pagkababa niya galing kwarto
"Hatid ko na kayo" aya ni Alvin na tumayo na at nagpasalamat sa ina ni Anne
"Okay lang kami Alvin, ilang minutong lakad lang naman ang layo nito University" paliwanag ni Anne
"Sige na bestie, nagma-magandang loob na nga yung tao e" singit ni Ces na hinila pa si Anne para lumabas na
"Okay" sagot ni Anne
Hinatid nga sila ng binata.
Pagkarating sa unibersidad ay nagpaalam na agad si Anne ng makababa sila pero:
"Anong oras pala uwi mo? Pwedeng mag-usap tayo mamaya." sabi ni Alvin na nagmadaling bumaba ng kotse pagkababa nila Anne
Binigay naman ng dalaga ang number niya para ma-contact na lang siya sa cellphone dahil male-late na sila sa klase.
BINABASA MO ANG
One Summer Love (On-going)
Novela JuvenilA love story that blossomed on a summer morning. Through hardships and trials, will it prevail?