Chapter 8

10 0 0
                                    

Nanatiling nakatayo si Anne dahil sa pagkagulat sa nakikita niya ngayon...

May humahalik na babae sa labi ni Macky na nagulat rin ng makitang naruon sa may pintuan ng coffee shop si Anne.

Tinulak agad ni Macky ang babae at...

"Aray, choosy ka pa?"

sabi ng babae hanggang sa mapansin nito na nakatingin si Macky kay Anne

"Ba... by..." mabagal na nasambit ni Macky

Ilang segundo ang tumagal hanggang sa makita na lang ni Macky na may tumutulong luha sa mga mata ni Anne.

Napailing na lang ang dalaga at dahan dahang lumabas ng coffee shop.

Hinabol agad siya ni Macky...

"Anne! Sandali lang." sigaw ni Macky

Hindi naman tumigil si Anne sa paglalakad pero naabutan pa rin siya ng binata

"Let me explain, I..." hindi na natapos pa ni Macky ang sasabihin dahil akmang sasampalin sana siya ni Anne pero hindi ito tinuloy ng dalaga

Napaupo na lang si Anne at nagpatuloy sa pagiyak...

Umupo na rin si Macky at sinusubukang patahanin ang kaniyang girlfriend.

"That was my ex, sinabi ko na parating ka na and I was about to..." hindi na natapos muli ni Macky ang nasabi dahil bigla tumayo si Anne

"Uuwi ako mag-isa" sabi ni Anne sabay lakad palayo

"No, I won't allow that. Sabay na tayo" sabi ni Macky sabay hawak sa kamay ni Anne

"Please, let go of my hand" sabi ni Anne na di pa tumitigil sa pagiyak

Hindi na nagsalita pa si Macky at hinila si Anne at niyakap.

Niyakap ng sobrang higpit ng...

"What is this? Sino ba yang babaeng yan?" sambit ng babaeng humahalik kay Macky kanina

Nakapamewang pa ito habang nakatingin sa magkayap na Macky at Anne

"Will you just go?" sabi ni Macky

"Bakit? Sino nga yan?" sabi pa ng babae na nakapamewang

"She's my girlfriend, so Pamela just go!" sigaw ni Macky

"Girlfriend? Yan?" sabi ni Pamela

Maganda si Pamela, halos magkasingtangkad lang sila ni Anne siguro 5'6 rin ang height nito. Mahaba ang buhok at rebonded, maganda ang mata mukhang may contact lens pa. Naka-high heels, makinis ang balat, meztisa, at sossy kung tignan. Matangos ang ilong at maganda ang labing may pink lipstick, sexy ang postura.

"Macky" madiin na sinabi ni Anne na tinatanggal ang  pagkakayakap ni Macky sa kaniya

"Let's go" sabi ni Macky sabay hila kay Anne papuntang kotse

"Wait, iiwanan mo ko?" sigaw ni Pamela kay Macky

_________________________

Pagkasakay nina Macky at Anne sa kotse.

Tahimik lang silang pareho.

"Let me explain." pagbasag ni Macky sa katahimikan

Hindi na umiiyak si Anne, nagpunas na siya ng mata at nag-ayos ng sarili.

Nakataas ang mga kilay at tila ayaw makinig dahil nakatingin lang ito sa may bintana.

One Summer Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon