Chapter 6

12 0 0
                                    

Kinabukasan:

Nagising si Anne ng maaga, ganoon pa rin gaya ng kinasanayan niya

Nakaupo sa labas ng bahay nila at nakatulala

Inaalala kung ano nga ba yung nangyari  kahapon sa kanilang dalawa ng best friend niyang si Macky

Pabalik na ng loob ng bahay si Anne ng makitang naglalakad si Macky papunta sa kanila kaya't nagmadali itong pumasok at nagtago sa kwarto

"Nay! Pag hinanap ako ni Macky sabihin mo nasa pagawaan ako ah" sabi ni Anne

"Huh? Bakit? Paalis na ako anak bahala ka diyan" sabi ng nanay ni Anne

"Nako nay, bilis na ah. Geh good luck sa pag-acting, ingat din pakisabi kay papa" sabi ni Anne sabay sarado ng kwarto niya

_________________________

Maya-maya pa ay narinig na ni Anne na hinahanap siya ni Macky, at agad na pumunta sa may bintana para silipin kung anong nangyayari

"Naku, nasa pagawaan na ata iho. Hindi ko rin alam kung nasaan na ba ang batang yun, simula nang dumating yan parang nagbago na nang husto. Hindi ko maintindihan" paliwanag ng nanay ni Anne kay Macky

"Ah, sige po. Pakisabi na lang na pumunta siya sa bahay mamayang gabi" sagot naman ni Macky

"Oo nga pala, birthday ni senyora. Sige" sabi ng nanay ni Anne

"Oh, paano ba? Mauuna na kami." paalam ng tatay ni Anne

Bago pa man makalayo ang dalawa narinig ni Macky na...

"Diba nasa loob naman siya?" sabi ng tatay ni Anne

Napatingin naman agad si Macky sa bahay nila Anne 

_________________________

MACKY's POV

(Nasaan na kaya yun?) sabi niya sa sarili na nakatingin sa bahay nila Anne

Maya-maya pa ay nagsimula na itong lumakad palayo sa bahay nila Anne at nakasimangot na umalis

Naglakad papunta sa burol kung saan sila laging tumatambay

(Ano ba kasing problema nun? Bigla na lang magiiba yung mood wala naman akong ginagawa) sabi ni Macky sa sarili saka naalala na ano mang oras ngayon ay darating na ang kuya niya

Kaya agad na bumalik ang binata sa mansyon at sakto naman dahil pagkarating nito sa bahay nila ay nakaupo sa sala ang nakatatandang kapatid niya

Busy naman lahat sa may garden at pool area nila dahil duon gaganapin ang birthday celebration ng ina nila mamayang gabi

Hindi siya napansin nito nung una pero ng makalapit na si Macky ay agad na tumayo ang kuya niya at sinalubong siya

"Tol! Kamusta na?" bati ng kuya niya sabay akap sa kapatid, tinapik pa yung likod niya

"Okay lang kuya, ikaw ba?" sabi ni Macky

"Ayos lang rin" sagot naman ng kuya niya sabay upo ng dalawa

"Di rin ako magtatagal, siguro isang linggo lang ako dito." wika ng kuya ni Macky

Mas mataas ng kaunti ang kuya ni Macky sa kaniya, mga 6'1 siguro ang height, mas matikas, mas malaki ang built ng katawan dahil madalas rin ito sa gym, halos parehas lang sila ng features ng mukha, matangos ang ilong, mapupulang labi, mapungay na matang medyo singkit, at meztisuhin din ang kuya niya

One Summer Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon