Bago pa man maka-graduate si Anne, mayroon na ring ilang mga company na nag-alok sa kaniya ng trabaho.
Ang napili niya'y isang accounting firm since graduate siya ng business management.
Sa may Ayala, Makati ang office nila.
Siguro isang linggo rin ang lumipas bago siya nagsimulang magtrabaho.
Kahit na assistant pa lang ang trabaho ng dalaga na na-assign sa financing department ay nakitaan na agad siya ng potensyal ng head niya dahil isang buwan pa lang ay tumaas na ang posisyon niya.
Nag-abroad naman si Yuri na nakipag-break kay Calvin bago pa man siya grumaduate dahil na rin sa ayaw ng dalaga ang long distance relationship at di rin niya gustong mahirapan pa si Calvin.
Naging magkatrabaho naman si Jenna at Bryan, samantalang si Cecile na ang isa sa head ng advertising company nila.
---
"Bestie, sasama ka ba sa lakad ng barkada mamaya?" text ni Cecile kay Anne
"Sakto bestie! Pa-out na ko maya-maya e" reply naman ni Anne
"Sige, tapusin ko lang report kong to kaloka tas sunduin kita" sagot naman ni Ces
"Sige, bilisan mo baka 1 hr ka na naman late" sabi naman ni Anne
"Oo na nga, eto na. Binigay ko na sa secretary ko tutal aayusin na lang yun andun na lahat" reply ni Ces
"Sige. 20 mins na lang out ko na, may meeting na lang para sa isang project." sagot naman ni Anne
After almost an hour:
Naghintay si Anne sa isang fast food chain na malapit sa kanila.
"Antagal mo ah, sabi ko na nga ba" sabi ni Anne pagkaupo ni Ces
"Traffic kaya" palusot ni Cecile
"Joke lang kakarating ko lang, anong gusto mong kainin?" sabi ni Anne na nilabas na ang wallet at patayo na
"Kaw na bahala" sagot ni Ces
Pagkatapos umorder ni Anne, agad nilang pinag-usapan kung bakit magkakaroon ng lakad ang barkada nila mamaya:
"Kasi nga ano..." panimula ni Ces
"Ano?" tanong ni Anne
"Yung kila... ano alam mo na yun.." sagot ni Ces na di matuloy-tuloy ang sinasabi
"Ano nga?!" sabi ni Anne na tila natatawa
"Sila Macky, papakilala yung anak nila ni Pamela" sagot ni Ces
"Ah... yun lang pala di mo pa sinabi agad." pahina na sinabi ni Anne sabay tuloy sa pagkain
"Ano ba to?!" sabi ni Ces na tinapik ang kamay ni Anne
"Bakit?" sabi ni Anne na nakangiti o pilit na ngumingiti
"Baka di okay sayo? Wag na tayo pumunta?" tanong ni Ces na nakatitig ng seryoso sa best friend
"Huh? Pupunta ako no!" sabi ni Anne
"Okay. Magpaganda ka mamaya. Tignan mo naka-eye glass ka na naman sabi ko mag contact lens ka. Tas dapat taasan mo naman high heels mo. Tas mag..." paliwanag ni Ces na hindi na natapos pakinggan ni Anne dahil napatulala na lang ito tila sa kawalan
BINABASA MO ANG
One Summer Love (On-going)
Teen FictionA love story that blossomed on a summer morning. Through hardships and trials, will it prevail?