Nung umpisahan kong po sulatin ang Ms. Bitter meets Mr. Forever sobrang iniisip ko kung ano ang plot ng story na to. Sa totoo lang ay talagang na adik po ako sa pagbabasa ng wattpad at sobrang thumbs up po ako sa mga magagaling na writer ng kada story na nababasa ko. Kaya na challenge akong magsulat.
Inumpisahan ko po sa mga iilang chapters. At masasabi kong hindi po talaga ako magaling magsulat. Hahaha. Ewan ko ba feeling ko ang jeje ng kada chapters pero sabi ko sa sarili ko okay lang yun trial lang naman. Umabot po ako ng 17 chapters sa umpisa at hindi ko natapos dahil nandoon na po ako sa romantic part ng story. Ewan ko po kung bakit hirap na hirap akonv tapusin ang mga love story na ginawa ko. Yung iba ngang inumpisahan ko ay dinelete ko. Ang natira nalang ay yung bago kong gawa na one shot at ang part 2 nitong naka On-hold at Lovers of Sadness na iniisip ko kung paano ko siya uumpisahan ulit.
Konektado po ito sa story ni Annabelle Romualdez THE GREAT LOVE ADVICER pero this story can stand itself :).
1 year po!. Isang taon po ako na writer's block at kung di pa dahil sa crush ko. Hahaha. Ang tanda ko na pero crush pa rin pero malaki pa rin ang tulong na yun.
Ngayon po ay natapos ko na ang Ms. Bitter meets Mr. Forever sobrang proud ko po sa sarili ko dahil nalampasan ko magulong plot ng story na to!. Mamiss ko po ang kabitteran ni Lirah! :) at ang gwapong isip bata na si Gavin. Pero huwag po kayong mag-alala makikisawsaw din po sila sa story ni Beatrice at Lorenzo. Yes! Tama po kayo ng rinig may story po si Trice and Enzo entitled Under ni Ms. Sweet si Mr. Cassanova pero ipupublish ko po siya on July 26, 2016. Sana po ay subaybayan niyo po siya parehas ng pagsubaysubay niyo kay Lirah at Gavin.
Pero bago po ako mamaalam salamat po sa mga nagbasa ng story na ito. Sa pinsan kong si Rozel at sa kaibigan kong si Cris na naiwan ko sa maynila (babae po siya) na ginagawa kong critique bago ko ipublish. Sa mga kaibigan ko na pinapabayaan lang akong magsulat na magsulat :) 3 B's natapos ko na talaga siya!. Silent readers salamat sa inyo!.
Sa mga nagvote! Salamat po!. Sa inspiration ko! Waaah! Pasensya p! Hahaha. Kinikilig po kase ako. Nasa 1st stage palang po ako!. Basta po salamat kay crush!. Hahaha.Salamat din po kay God sa pagbibigay ng ganitong talent sa akin!. :)
Sige at haggang dito nalang po. At magkitakita ulit tayo sa susunod.
Nagpapasalamat,
❤itsmeFAYEfheii❤
![](https://img.wattpad.com/cover/42702507-288-k881624.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. BITTER meets Mr. FOREVER [ Completed ]
Teen Fictiondoes Forever really do exist? HER : No! It doesn't. HIM : Yes! It does. So prove it to me. First story of The Trio and The Bachelors Stories. Lets meet Lirah and Gavin