Prologue

147 4 0
                                    

Hinahabol na tayo nang oras, maraming nakaraan ang naiwanan nito. Lahat nga ba ng bagay ay may katapusan? O sadyang natatapos lamang ito para sa panibagong magaganap.

"Malapit na ang nakatakdang oras mo sa pagpunta sa mundo ng mga mortal. Ihanda mo na ang iyong sarili para sa iyong misyon".

"Naihanda ko na ang aking sarili sa inihanda ninyong misyon sa akin"

"Wendy,ang iyong magiging pangalan sa mundo nang mga mortal, at iyong pakatatandaan na hindi maaaring mahulog ang loob mo sa isang mortal. Alam mo naman siguro ang kaparusahan sa kung sino man ang lalabag sa kautusan ko"

"Naiitindihan ko"

Binasbasan si Wendy ng kanilang reyna bago ang nakatakdang oras.

Napapalibutan ng iba't ibang klaseng bulaklak ang kapaligiran ng kaharian ng mga diwata umaagos ang tubig sa loob ng tinatawag nilang "river dust" habang hinahagisan ito ng mga diwata ng pinitas na dilaw,pula at asul na bulaklak na nagsisilbi nilang alay sa pasasalamat nila sa kapangyarihang iginagawad sa kanilang mga diwata.

Halos lahat ng mga diwata sa kaharian ay magaganda na napapalibutan ng mga tala, may makinang na pakpak sa kanilang likuran at lahat ay may masasayang mukha habang lumilipad at naglalaro.

Mula sa isang pintuan na may kumikinang na liwanag,tinawag si wendy ng dalawang diwata na nakaabang sa kaniya

"Oras na para sa iyong misyon Wendy"

"Kumikinang na ang pintuan,maaari ka nang pumasok dito."

Pinaghalong saya at kaba ang nararamdaman ngayon ni wendy dahil ito pa lang ang unang pagkakataon na siya ay pupunta sa mundo ng mga mortal.

Lumapit si Wendy at kaniyang dahandahang hinawakan ang liwanag na kumikinang sa kaniyang harapan. Mainit ang pakiramdam nito at bigla nalang umihip ang malamig na hangin at lalo pang lumakas nang kinang ng liwanag.

Sa sobrang lakas ng kinang ng liwanag ay hindi na niya makita kung ano na ang nangyayari sa kapaligiran niya, kahit na ang boses niya habang humihingi siya ng tulong ay hindi niya marinig, palakas ng palakas ang kinang ng liwanag, sumasakit na din ang tenga ni Wendy sa matinis na tunog mula sa liwanag, hindi na niya alam kung nasa kaharian pa ba siya at kung ano ba ang nangyayari sa kaniya.

Isang imahe nang bulaklak na asul ang bigla niyang nakita at nagdilim ang lahat at dito nawalan na siya nang malay.

Ps. Nasa taas po *multimedia* yung itsura ng tinatawag na "river dust" ng mga diwata o fairy.

My Fairy Tale Lover "The Three Wishes" [On Hold]Where stories live. Discover now