Chapter 16

21 2 1
                                    

"Woot woot yeah yeah yeah!!!"

Masayang pumapalakpak si Wendy habang akala niya ay sumasayaw ang nangigisay na maliit na nurse sa loob ng elevator.

Ting!

Nakarating sa 4th floor si Wendy.

"Ay bumukas na"

Nadismayang sinabi ni Wendy habang dahandahang tumatayo ang nanginginig na nurse.

"Ahhhmm sige labas na ko ha!"

Kumaway si Wendy sa maliit na nurse habang sumasara ang elevator.

"CHHEEE!!! Buwisit ka!!!" galit na isinagot ng nurse kay Wendy at nagsara ang elevator.

"Saan naman kaya ako pupunta nito?"

Nabaling ang tingin ni Wendy sa isang kwarto kung saan naririnig niya ang isang sigaw ng babae.

"Ahhhhh!!! Ahhhhhh!!!"

Hinanap ni Wendy ang pinagmumulan ng sigaw at natagpuan niya ito.

"D...EL...IVE...RY ROOM?"

Kumatok si Wendy mula sa pintuan ng delivery room..

Tok! Tok! Tok!

Ngunit walang nakakarinig ng katok niya dahil sa ingay sa loob nag kwarto. Sinilip niya ang isang bilog na bintana mula sa pintuan .

"Wooah. Ano yun?"

Nakita ni Wendy ang isang babaeng nakahiga habang may isang nurse na nasa minamasahe ang ulo ng babaeng nakahiga at isang doktor na sumisigaw ng

"1...2...3...push"

"AHHHH!!!"

Nanatiling nanuod lang si Wendy sa bintana at nakita niya ang isang maliit na sanggol na hawak ng doktor.

"Saan nanggaling yun?" nagtatakang tanong ni Wendy.

"Okay successful ang delivery, babae ang anak ninyo" sinabi ng doktor sa babaeng nakahiga.

"Ibalik ninyo na siya sa kwarto niya upang makapagrelax siya"

Tumabi si Wendy mula sa pintuan, nagtungo ito sa kasunod na kwarto upang magtago, naglabasan ang ilang mga nurse, ang doktor at ang babae kasama ang sanggol na nakahiga sa kama na itinutulak ng isang nurse palayo sa delivery room.

Nang mawalan ng tao sa delivery room ay nagtungo si Wendy sa loob ng delivery room.

Nagmasid ito na parang may hinahanap.

"Saan kaya lumabas ung maliit na mortal na iyon?"

Sa ilalim ng mesa, cabinet at upuan naghanap si Wendy ngunit nabigo ito.

"Paano nangyari yun?"

Naghanap lang si Wendy at kinapa niya ang bawat paligid ng kuwarto. Nakita niya ang isang nakadisplay.

"Ang ganda naman nito!"

Binukasan ni Wendy ang salamin at kinuha niya ang nakadisplay na kalansay ng tao.

"Iuuwi ko to!"

-------------------------------------------------------------

Iniabot ng nurse ang hospital bill kay Mrs. Kines.

"Mam ito na po ang bill niyo"

"Ahh okay thank you" kinuha ni Mrs. Kines ang bill sa nurse.

"Hindi mo ba napansin si Wendy nay?" tanong ni Wade kay Mrs. Kines.

"Kanina lumabas siya habang kinukuhanan ka ng statement ng mga pulis, baka naman kasi nainip kaya naglibot muna siya diyan" tumayo si Mrs. Kines.

"Pupunta na ko ng lobby at babayaran ko itong bill para makalabas ka na"

"Ahh sige hahanapin ko lang si Wendy"

Sabay na lumabas ng kuwarto si Wade at Mrs. Kines.

"Wag kang magtatagal ha" sabi ni Mrs. Kines kay Wade.

"Okay hanapin ko siya" at sabay na lumakad ang dalawa sa magkabilang direksyon.

My Fairy Tale Lover "The Three Wishes" [On Hold]Where stories live. Discover now