Chapter 10

24 2 2
                                    

Habang naglalakad sila Wade at Wendy patungo ng repair shop ay may naapakan si Wendy.

"Ay! ano ba ito?"

"Aaysss. Ano yan.."

Tinignan ni Wendy ang naapakan niya sa daanan.

"Ang baho!"

"Palagay ko kaylangan mo ng linisin yan"

"Ano ba ito?"

"Ehh madumi yan"

Habang tinitignan ni Wendy kung ano ang naapakan niya ay dinakot niya at hinawakan niya ito.

"Hoy! Bakit mo hinawakan!"

"Para siyang Amber Persica, ito ung malambot na prutas sa Pomona na kapag piniga mo, may lalabas na katas katulad nito! Siguro ganun din ang lasa nito."

Nakatingin ang mga tao kay Wendy at nagbubulungan ang mga ito.

"Ano ba yan!. Kadiri naman ng babaeng yan."

"Ganda pa naman kaso baliw"

Habang namumula na si Wade sa kahihiyan ay nag akmang kakainin ni Wendy ang nasa kamay niya.

"Matikman nga! aaaaaa..."

Nabitawan ni Wade ang hawak niyang cpu at kaagad na hinawakan ni Wade ang kamay ni Wendy upang pigilan ito sa kaniyang balak.

"Ano ka ba? Dumi ng hayop yan!"

"Dumi?.. Kalat?"

Nagkataon naman na may nakita silang aso sa may damuhan at kaagad ito itinuro ni Wade kay Wendy.

"Ayun tignan mo ang gagawin ng asong iyon"

"Aso? Anong aso?"

Hinawakan ni Wade ang ulo ni Wendy at iniharap ito sa aso sa damuhan

"Panuorin mo"

Nakita nilang dalawa ang ginawa ng aso, umupo ito at dahandahang may lumalabas sa likuran ng aso. napahiyaw si Wendy sa nakita niya.

"Ahhh!. Ang galing!"

Sinampal ni Wade ang mukha niya dahil sa hindi pa rin naintindihan ni Wendy ang ibig niyang iparating sa kaniya.

"Halika na nga may gripo sa may poste doon at linisin natin yang nasa kamay mo."

Hinablot ni Wade ang kamay ni Wendy.

"Teka lang yung nilabas nung aso gusto kong tikman!"

Nagtatawanan ang mga tao kela Wade at Wendy.

"Hahaha ang lupit ng girlfriend mo bro!"

"Oo nga masyado mo atang ginugutom yan pati dumi ng aso tinitira ahahaha!"

Namumula sa kahihiyan si Wade nilapitan nila ang gripo at hinugasan ang kamay at paa ni Wendy.

Nakasimangot si Wendy na nagtanong kay Wade.

"gusto ko lang naman tikman yung prutas na yun eh. Bakit mo naman ako pinigilan?"

"Ano ka ba? hindi kinakain yun at saka. Tsskk tignan mo yung mga tao oh. Nakakahiya"

"Ang saya nga nila eh, parang gusto rin nila nung prutas na inilabas nung aso ba yung tawag mo dun?"

"Hay naku po..."

Nang nalinis na ni Wade ang kamay at paa ni Wendy ay pinagsabihan niya ito.

"Okay. Ganito kapag sinabi kong hindi pwede hindi mo dapat gawin, kapag pwede sige gawin mo, wag ka naman makulit"

Nakangiting sumagot si Wendy.

"Sige!"

"Ito ang basahan magpunas ka muna"

Iniabot ni Wade ang basahan kay Wendy, isang matandang babae ang tumawag kay Wade.

"hoy iho may kumuha nung gamit mo!"

Nilingon ni Wade ang itinuro ng matanda sa kaniya, itinakbo na pala ang cpu niya ng isang lalaki.

"Hoy tigil!"

Ngunit hindi tumigil ang lalaki at patuloy itong tumatakbo palayo sa kanila.

"Wendy dito ka lang, hindi ka pwedeng umalis diyan ha!"

"Okay!"

Kumaripas ng takbo si Wade upang habulin ang lalaking kumuha ng cpu niya. Mabilis na lumiko ang lalaki sa may pedestrian kung saan madaming taong tumatawid, hinabol lamang ito ni Wade at dahil sa dami ng tao ay nawala sa kanyang paningin ang lalaki, huminto si Wade sa isang poste ng street light para maghabol ng hininga, at muli niyang nakita ang lalaki, tumatakbo patungo ng bus stop.

"Hoy tigil!"

Muling tumakbo ng mabilis si Wade, may nadaan namang basurahan ang lalaki at sinipa niya ito, hindi napansin ni Wade ang basurahan at napatid ito, bumagsak si Wade habang pinapanood niya ang lalaki na sumakay ng bus dala ang cpu niya.

"Ahh aray"

Tinulungan naman siya ng mga taong nasa paligid niya.

"Ayos ka lang ba?"

Tinulungan siyang itayo ng mga tao.

"Ano bang nangyari?"

Nakatingin lamang si Wade sa bus na malayo na sa kanila.

"Yung bus, yung cpu ko".

Hinawakan ni Wade ang kaniyang likuran sa sakit ng pagbagsak niya.

"Awww!"

"Gusto mo tulungan ka naming dalin ka namin sa clinic?

"Hindi na okay na ko"

Umalis si Wade sa nakakumpol na mga tao sa paligid niya, habang naglalakad si Wade ay napaisip ito.

"Napakaswerte ko naman, nawalan na nga ako ng wallet, nawalan pa ng cpu"

Nag ring ang cellphone ni Wade , kinuha niya ito sa kaniyang bulsa, tinignan ang caller i.d nito.

"Walang pangalan? , sino naman kaya ito?"

sinagot ni Wade ang phone niya.

"Hello?"

"Ito ba si Wade Kines?"

"Oo ako nga sino sila?"

"Si Vic Dixon ito natatandaan mo ba ko?"

"Vic...Dixon? hindi ko yata maalala"

"Vic Dixon...ako yung may ari ng isang maliit na book publishing"

"Naalala ko na ikaw nga Vic, napatawag ka yata"

"Pwede ka bang magpunta ngayon dito sa lugar ko?"

"Bakit?"

"Gusto kasi kitang maging business partner"

"Business partner?"

"Dito nalang natin pagusapan iyan okay? Magugustuhan mo ang offer ko sayo"

Nagisip si Wade sa sinabi ni Vic sa kaniya, dahil nangangailangan naman ito ng trabaho ay nagdesisyon itong mag tungo sa lugar ni Vic.

"Okay sige Vic pupunta ako ngayon diyan"

"Okay maayos ang usapan hihintayin kita, sige Wade bye"

"Okay sige bye"

Naglakad si Wade ng may konting ngiti sa kaniyang mga labi.

" Hay mabuti naman at may tunay na swerte pa din na dumapo sa akin"

Tumungo si Wade papunta sa lugar ni Vic.

My Fairy Tale Lover "The Three Wishes" [On Hold]Where stories live. Discover now