Chapter 20

32 2 2
                                    

Bumukas ang pintuan kung saan nakaaabang si Wade..nakita niya na lumalabas si Wendy, nakasuot na ang damit na ibinigay ng nanay niya kay Wendy sa isip ni Wade "maganda talaga ito kahit anong damit ang isuot"

Nakangiti lamang si Wendy habang naghihintay na may sabihin si Wade.

Pumasok na si Wade sa kaniyang kwarto "Dumiresto ka na doon sa kusina at nakahain na ang almusal mo"

"Haaa may pagkain na! sige!" tuloy tuloy si Wendy na nagmamadaling makapunta sa kusina.

Isinara ni Wade ang pintuan ng kuwarto niya.Muli ay nakita niya ang kalansay na dala ni Wendy kagabi at naalala niya na nahalikan niya si Wendy sa labi "Alam kaya niya yung nangyari kagabi sa amin?"

Tinakpan ni Wade ang buong kalansay ng kumot "Tulog naman kasi siya palagay ko hindi alam ni Wendy ang nangyari"

Kumuha si Wade ng kaniyang isusuot na damit, at pagkakuha ay tumungo ito sa kanyang washroom upang maligo.

Pagkapasok ni Wade sa loob ng washroom ay nadulas ito.

Ssswwwweeep Boom!

Swerte naman na napahawak si Wade sa doorknob ng pintuan niya at kung hindi ay tumama na ang ulo niya sa sahig sa washroom at nakita niya ang salarin ng pagkakadulas niya. "Bakit nagkalat ang laman ng toothpaste ko?"

Naalala niya si Wendy "Yung babaeng yun!"

Tumayo si Wade habang pinaputok niya ang kaniyang likod sa pagkakadulas KRACK!

"Wow! hay naku ang hirap iwanan mag isa ni Wendy" nagbuntong hininga si Wade at nagtanggal muna ito ng damit at naligo.

Habang naliligo si Wade ay naalala niya na kaylangan pa niyang gawain ang kanyang librong The Blue flower "naiwan ko si Vic kagabi doon..Sana naayos niya yung gawa ko dahil hindi ko maalala kung na-isave ko yung mga gawa ko"

At ang isa pang pumasok sa isipan niya ay ang tatlong kahilingan kay Wendy "Ang hirap naman magisip kung ano ang unang ihihiling ko"

Isinara na ni Wade ang shower at kinuha nito ang kanyang towel. Dumiretso ito sa salamin at hinanap kung may natira pa itong tooth paste.."Ah eto mayroon pa kong nakareserve" kinuha ni Wade ang toothbrush niya at nilagyan ito ng toothpaste.

Habang ikinikiskis ni Wade ang toothbrush niya sa kanyang bibig ay naramdaman na niyang parang basa ito at may gumamit na.

Inamoy ito ni Wade "Bakit ang baho amoy....hummm hummm!!! amoy bowl?"

Tinignan ni Wade ang kanyang bowl at nakita niya ang takip ng toothbrush niya na lumulutang pa sa bowl..Kaagad naman idinura ni Wade ang toothpaste sa loob ng bibig niya "Wendy!..."

Binanlawan ni Wade ang bibig niya at kinuha niya ang mouthwash para siguraduhing mamatay ang mga bacteria na pumasok sa bibig niya mula sa bowl.

Ininom ni Wade ang mouth wash.."garlgarlgarlgarl" habang nagmumumog si Wade ay bigla na lamang bumula ang bibig niya at binuga niya ang ininom niya mula sa mouthwash.."pwe pwe !..bakit bumula at ang pwe pwe ! ang pait!"
Habang dinudura ni Wade ang nainom niya mula sa mouth wash ay nakita niya ang isang takip "Teka takip to ng...." at sinilip niya ang toilet cleaner niya sa ilalim ng sink
"Haaa!..si Wendy nanaman tiyak ang may gawa nito".

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


"Yummm yummm"

Kinain ni Wendy ang mga pagkaing inihanda sa kaniya, donuts at gatas
"Haaa! ang sarap nito"

Dumating si Mrs. Kines at nakitang si Wendy na masayang kinakain ang kanyang donut.

"Oh Wendy nagustuhan mo ba iyan?" tanong ni Mrs. Kines na may hawak na news paper at umupo sa tapat ni Wendy.

"Sobra Mrs. Kines!" sabi ni Wendy habang nilalagyan niya ng laman ang kanyang baso ng gatas.

"May tanong lang ako sayo Wendy?

Napahinto si Wendy sa kaniyang ginagawa at tumingin ito kay Mrs. Kines "Ahmmm?"

"Naalala mo ba yung nangyari sa inyo ni Wade kagabi?" tanong ni Mrs. Kines at lumapit ito ng bahagya sa lamesa habang hinihintay niya ang isasagot ni Wendy.

"Ahh nangyari? wala akong matandaan?" nagtatakang sagot ni Wendy.

"Ahahaha, hinalikan ka ni Wade kagabi sa labi!" nakangiting sabi ni Mrs. Kines

Namula si Wendy sa sinabi ni Mrs. Kines sa kaniya "Hinalikan?"

"Oo nakayakap ka pa nga kay Wade eh..ayaw mo pa ngang bitawan si Wade at ang tagal na magkahalik ang mga labi niyong dalawa" sabay kindat ni Mrs. Kines kay Wendy.

Napaisip si Wendy dahil hindi niya alam ang mga nangyari sa kaniya kagabi.."Hinalikan ko si Wade?? nakahalik ako ng mortal??"

"O Wendy bakit ka namula?" tanong ni Mrs. Kines kay Wendy na namumula ito.

Hindi naman maipaliwanag ni Wendy ang nangyayari sa kaniya "nanaa...mumula?"

Tumayo na si Mrs. Kines.."O sige ayan na si Wade naririnig ko na siyang bumababa bahala na kayo ha" pabulong na sinabi ni Mrs. Kines kay Wendy.

"Bakit ako nakaramdam ng ganito? ngayon lang nangyari ito ah?"

My Fairy Tale Lover "The Three Wishes" [On Hold]Where stories live. Discover now