Chapter 15

24 2 0
                                    

"Dr. Emily ,eto na po ang x-ray ng pasyente"

Habang ibinibigay kay Wendy ang x-ray film, ang ibang nurse ay sinusuotan siya ng white coat, face mask, surgical hair net at gloves.

"Ha?. Ano bang pinagsasasabi mo at saka ano ba ito?"

Nagtaka ang nurse sa sinabi ni Wendy.

"Umm Dr. Emily iyon pong....."

Sumabat ang isang nurse sa usapan nila Wendy.

"Palagay ko ang sinasabi ni Dr. Emily ay kaylangan muna niya ng vital index bago niya hawakan ang pasyente"

"Pasensya na Dr. Emily one week palang po akong nagsisimula dito"

Sabi ng nurse na nag abot ng x-ray film kay Wendy.

"Vital? Index? Ano ba pinagsasasabi niyo?" tanong ni Wendy na naguguluhan sa mga nurse.

Nagtinginan sa isa't isa ang mga nurse na nasa loob ng operating room na nagtataka kay Wendy, tumunog ang Cardiotography, senyales na hindi na humihinga ang pasenyte.

"Dr. Emily ang pasiyente po, huminto ang paghinga niya!"

"Ahh ehh. Ang dibdib niya paluin niyo?" sagot ni Wendy na hindi naman alam ang gagawin.

"Kuhanin niyo na ang Defribillation!"
Sigaw ng isang nurse, itinulak ng isang nurse si Wendy papalapit sa pasyente at ipinahawak kay Wendy ang makina pang buhay sa pasyente.

"Ano ito?" tanong ni Wendy, ngunit walang nakakarinig sa kaniya dahil ang lahat ay abala sa pag set up sa makina.

"Ahhh ano kaya ito?"

Pinihit ni Wendy ang makina.

"Whooo! parang may kakaiba ha" at itinapat ni Wendy ang hawak nitong makina sa likod ng nurse..

Nanginig ang nurse ng itinapat ni Wendy ang makina sa likod ng niya.

"Wwrwrwrwrwr....wawawawawa"

Pumutok ang makina at nawalan ng ilaw sa loob ng operating room.

"Naku..anong nangyari? ang dilim dito makaalis na nga"

Gumapang si Wendy habang may nakapa itong isang mahabang bagay.

Tick

"Ha?"

Nagsisigawan ang mga nurse na humihingi ng tulong.

"Tulong may nakuryente dito!"

"Dr. Emily nasan kayo!".

"Hanapin niyo si Dr. Emily baka kung napaano na!"

Kinuha ni Wendy ang nakapa niya at mabilis itong lumabas ng operating room.

Umuusok ang loob ng operating room, nakalabas naman kaagad ng operating room si Wendy habang walang nakakapansin sa kaniya. Nakasuot padin ang gamit pang operation kay Wendy.

"Haaayyy! wala namang ice cream sa loob..waaahhh ang lungkot naman!"

Ting!

Tumunog ang elevator na nasa harap niya.

"Whoaaah ang galing naman nito"

Nakita ni Wendy ang isang nurse at pasyenteng nasa wheel chair na lumalabas sa elevator.

Tinaggal ni Wendy ang nakasuot na surgical mask sa mukha niya dahil sa sobrang namangha ito sa nakita niya

"WOOOOOOW!" humiyaw ito at nagulat ang ilang nurse sa paligid at ang nurse kanina sa entrance na sinabihan niya ng.

"Yung Duwende!!! ohhhhh?"

"Hoy! ano ba papasok ka ba sa elevator o hindi kaylangan kong pumanik sa 4th floor?"

Pumasok sa elevator si Wendy habang namangha ito sa maliit na nurse na katabi niya sa elevator na napagkamalan niyang isang duwende.

Pinindot ng maliit na nurse ang number 4, at nagsara ang elevator.

"Totoo pala kayong mga duwende"

Kinapakapa ni Wendy ang mukha ng maliit na nurse habang namamangha ito.

"Ano ba? ang kulit mo naman?"

Sa sobrang inis ng maliit na nurse kay Wendy itinulak niya ito palayo sa kanya.

"Wahahahah ang cute niyo!" umalog bigla ang elevator at napahawak ang mga kamay ni Wendy sa mukha ng nurse.

"Teka ano to?" tanong ng nurse ng may biglang tumusok sa mukha nito.

"Haaa! Injection! anong laman?"

Biglang namanhid ang buong katawan ng maliit na nurse at nangisay ito dahil sa anesthetic na naitusok ni Wendy sa mukha ng nurse.

Pumapalakpak sa tuwa si Wendy sa ginagawa ng maliit na nurse.

"Yeaaah ang galing mong sumayaw ginoong dewende woooooh.!"

-------------------------------------------------------------

"Maraming salamat sa buong detalye na ibinigay mo sa amin Mr. Wade" sabay tayo ng pulis at nakipagkamay kay Wade at Mrs. Kines

Lumabas na na kwarto ang dalawang pulis at ang natira nalang ay si Wade at Mrs. Kines.

"Wade may masakit pa ba sa iyo?" nagaalalang tanong ni Mrs. Kines kay Wade.

"Okay na ko, haayy oo nga pala may business partner akong nakausap kanina at bukas mag start akong magtrabaho sa kaniya kaya baka gabi na kong uuwi nito" sabi ni Wade kay Mrs. Kines habang may iniinda pa itong kaunting sakit sa katawan.

Natuwa si Mrs. Kines sa narinig niyang magandang balita kay Wade.

"Mabuti Wade at saka kung gabi ka din lang naman makakauwi ay isama mo na si Wendy at baka mainip lang yun sa bahay natin"

Nagmasid sa paligid si Wade "si Wendy?"

My Fairy Tale Lover "The Three Wishes" [On Hold]Where stories live. Discover now