Chapter 28

20 2 0
                                    

Mula sa kaharian ng Pomona.

Masayang lumilipad ang mga fairies, Sabay sabay itong sumasayaw sa ere at ang iba ay kumakain ng iba't ibang klase ng prutas.

Sa lugar ng mga Fairy of Hearts ay may ginagamot si Althea na isang Fairy na nasugatan ang mga braso at tuhod dahil sa pagkakadapa nito habang buhat ang nga nakuha nitong mga prutas.

"Ahh! aray.." ani ng isang fairy habang ginagamot ni Althea.

"Malapit ng matapos" Binudburan ni Althea ng dinurog na red flower ang mga sugat ng fairy.

"Okay ayan magaling na siya" biglang nawala ang sugat ng fairy sa mga braso at tuhod nito.

"Haaay magaling nako salamat ng marami Althea!" natuwa ang fairy na ginamot ni Althea at lumisan na ito sa Sparkel Port.

Habang iniaayos niya ang mga ginamit niya sa pang gagamot sa fairy, nakarinig siya ng tumatakbo papalapit sa kaniya.

"Oh! Penelope at bakit ka may kasamang Fairy Knight?" napatigil ito sa kaniyang ginagawa dahil sa biglang pagdating ni Penelope at ng isang Fairy Knight.

"Althea" hinihingal na sinabi ni Penelope.

"Sandali lang at huminga ka muna" Nagtungo si Althea sa pintuan at isinara niya ito. Ang natira na lamang sa loob ng kuwarto ay ang tatlong fairies.

"Ako nga pala si Nilus, ako ang naatasan na magbantay kay Wendy sa mundo ng mga mortal" sinabi ni Nilus sa nag aantay na Si Althea

"Althea...si Wendy...mukhang hindi niya kakayanin ang utos ng ating reyna" tugon ni Penelope habang natataranta ito.

"Uminahon ka nga muna Penelope, Nilus ano na ang balita tungkol sa kapatid namin sa mundo ng mga mortal? kamusta ang misyon niya?" tanong ni Althea kay Nilus.

"Maayos naman si Wendy sa mundo ng mga mortal at mabait ang mortal na misyon niya ngunit..." napahinto si Nilus dahil hindi niya kayang sabihin ang totoo.

"Dahil ano?" nagaabang na sinabi ni Althea at lumingon ito kay Penelope. "Ano ang nangyayari sa kapatid natin ha Penelope?"

"Nahulog ang loob ni Wendy sa mortal ni misyon niya"malungkot na isinagot ni Penelope kay Althea.

Nanlumo si Althea ng malaman niya ang masamang balita kay Penelope.

"Papaano na kapag nalaman ito ng ating reyna?.." Tanong ni Althea sa kaniyang sarili.

"Kaya kaagad na binalita ko sa inyo ang nangyayari kay Wendy dahil baka may ibang makakita sa kaniyang Fairy Knights. Hindi ko muna ito ipinarating sa ating reyna at sa inyo ko muna ibinalita ito at baka sakaling matulungan ninyo si Wendy" sinabi ni Nilus sa dalawang fairies.

Nagiisip ang dalawa kung ano na ang kanilang gagawin kay Wendy.

"Hindi maganda ito Althea, mabigat na parusa ang pwedeng ihatol sa ating kapatid kapag nalaman ito ng ating reyna" Nagaalalang sinabi ni Penelope kay Althea.

"Maari ba kaming magtungo sa mundo ng mga mortal Nilus?" tanong ni Althea

"Tanging mga Fairy Knights lamang ang maaring maglabas pasok sa ating kaharian pero sa inyong mga fairy ay hindi, kailangan muna ng permiso mula sa ating reyna bago kayo magtungo sa mundo ng mga mortal" sagot ni Nilus at malungkot na yumuko si Althea

"Pero may iba pang paraan Nilus!" sagot ni Penelope at tumingin sa kaniya ang dalawang fairy.

"Maari akong magpanggap na isang hayop o insekto para makarating ako sa mundo ng mga mortal" sagot ni Penelope.

"Maari kaya iyon?" tanong ni Althea kay Nilus

"Maari iyon ngunit, mahabang oras ang paglalakbayan , matagal na oras ang iintayin bago makarating ang isang fairy na magpapanggap na hayop sa mundo ng mga mortal" sagot ni Nilus sa dalawang fairies.

"Susubukan ko dahil ayaw kong may masamang mangyari sa kapatid namin" sagot ni Penelope na parang handa na itong lumisan.

"Pero kung hihiling si Wendy gamit ang tatlong kahilingan na iginawad sa kaniya ng ating reyna ay maari kayong makarating sa mundo ng mga mortal" sinabi ni Nilus.

"Papaano naman? parang imposible naman yata iyon..hindi maaring humiling si Wendy para sa sarili niya dahil para sa mga mortal lamang ang kahilingan hindi ba?"
sinabi ni Althea kay Nilus.

"Tama ka nga para lang sa mga mortal ang kahilingan pero halimbawa na kapag humiling ang mortal na pagalingin siya mula sa isang karamdaman ay, ikaw na Fairy of Hearts ang ipadadala sa mundo ng mga mortal kaagad"

"Maari ba iyon? pero kung ihihiling ng mortal na pagalingin siya o pagalingin ang isang taong ihiniling niyang pagalingin sa Fairy..ibig sabihin maghihintay pa tayo kung meron nga na may sakit na gusto niyang mapagaling gamit ang fairy..matagal tayong maghihintay" Ani ni Penelope

"Ang pagpipilian nalang natin ay ang maglakbay ka Penelope pero kaya mo ba? kayo lang ang may kakayahan na makapaglakbay sa labas ng pomona pero ang katulad kong Fairy of Hearts ay...."

Pinutol ni Penelope ang pagsasalita ni Althea "gagawin ko talaga Althea para sa kapatid natin"

Lumakad palapit si Althea kay penelope at niyakap niya ito ng mahigpit "Ikaw na ang bahala kay Wendy, ayokong maparusahan siya"

"Ako ng bahala Althea" sagot ni Penelope.

"Ituturo ko na sayo ang proseso sa paglalakbay mo" lumakad si Nilus patungo sa pintuan.

"Sige Althea, maglalakbay muna ko para sa kapatid natin" at lumakad palabas si Nilus at Penelope.

"Wendy, Penelope, magiingat kayo mga kapatid ko" lumuluha na sinabi ni Althea.

My Fairy Tale Lover "The Three Wishes" [On Hold]Where stories live. Discover now