Chapter 29

15 2 0
                                    

"Okay 50 copies na lahat..Wade tapos na ko ilalabas ko na ang natirang mga libro diyan!" sigaw ni Vic habang papalabas mula sa book binding room papuntang bookstore.

"Ahahaha sana makabenta tayo....."

Nanlaki ang mga mata ni Vic sa nakita niya. Punong puno ng mga tao ang kanyang book store. nakatulala lamang si Wade sa sunod-sunod na pagdating ng mga tao para bilhin ang ginawa niyang libro.

"Papaano nangyari?...bakit ang bilis naman yata? hindi ko pa naman sinasabi kay Wendy ang una kong kahilingan ah?" tanong ni Wade sa sarili niya habang may lumalapit sa kanyang isang customer.

"Wala na ba kayong stock ng The Blue Flower? naubos na kasi doon sa book shelf eh?" tanong ng isang customer kay Wade.

Lumapit si Vic kay Wade "Ang bilis naman, may bumili kaagad ng mga libro mo Wade ahahaha!" ibinigay ni Vic ang mga libro niyang hawak kay Wade,"Ikaw na ang bahala magdisplay niyan Wade mag pri-print ulit ako ng panibagong stock ahahaha!"

"Hoy Wade bakit ba naka tayo ka lang diyan?" tanong ni Wendy sa hindi na makapaniwala na si Wade.

Naalala ni Wade ang mga sinabi niya habang nagaaayos sila ng libro sa book shelves "hiniling ko na sana makabenta kami at...."

Tumingin siya kay Wendy "ikaw ba ang may gawa nito Wendy?"

"Oo iyan na ang una mong kahilingan!" masayang isinagot ni Wendy kay Wade.

Sunod-sunod ang pagdating ng mga tao sa loob ng book store. nakapila ang mga tao para makabili ng libro ni Wade.

"Oh ano pa ang ginagawa mo? naghihintay sila?" ani ni Wendy

"Ahh sige sige.." sinabi ni Wade at kaagad nagtungo na ito sa counter kasama si Wendy.

"Ikaw ang magbigay sa kanila isa-isa nitong mga libro, ako na ang bahala sa mga bayad nila" nagmamadali si Wade at Wendy sa pagkilos upang magpagbilhan ang napakadaming customer sa loob ng bookstore.

"Wade!" hinihingal na lumapit si Vic kay Wade "Ito pa ang ilang libro at..." Huminga muna ito ng malalim.. "Tignan mo yung balita sa T.V."

Nagulat ang mga tao sa loob ng book store sa narinig nila kay Vic, "Ahhh ikaw si Wade Kines!"

"Ah eh ako nga si Wade Kines" sagot ni Wade sa mga tao at binuksan niya ang T.V.

Nakita niya ang nagsasalitang reporter "Magandang umaga nandito kami ngayon at live na nakukuhanan ng ating kamera ang isang book store kung saan nagkakaroon ng isang shopping spree dahil sa dinumog ng mga tao ang binebentang librong pinamagatang The Blue Flower na isinulat ni Mr. Wade Kines...."

"Ha!?" nagulat si Wade sa nakita at narinig niya sa T.V.

Lalomg nagkagulo ang mga tao sa loob at labas ng bookstore para makabili ng libro ni Wade.
"Ahahaha umayos lang kayo ng pila at lahat kayo ay makakakuha ng libro ni Mr. Wade Kines okay!" sigaw ni Vic sa mga taong patuloy na dinadagsa ang kanyang book store.

"Ang bilis naman ng mga pangyayari ito..hindi ko inaasahan na ganitong kadaming tao na tatangkilik sa libro ko" Masayang sinabi ni Wade sa sarili niya.

"Masaya ka na Wade? di ba ang husay natin" sinabi ni Wendy habang iniaabot niya ang mga libro sa customer at magtutungo naman kay Wade upang magbayad.

Napangiti si Wade kay Wendy "oo Wendy tinulungan mo ko..mahusay ka talaga!" sinabi ni Wade kay Wendy.

"Pero sana sa pagsikat mo dito sa mundo ng mga mortal ay hindi mo ako makalimutan.. kasi mahal kita Wade" pabulong na sinabi ni Wendy.

"Mahal? ang alin?" tanong ni Wade kay Wendy dahil hindi naman niya narinig ang mga sinabi nito.

"Ah..wala" ani ni Wendy habang nagaabot ito ng mga libro.

Sa isip ni Wade "tama ba yung narinig ko? may gusto si Wendy sa akin?"

---------------------------------------------------------

Mula sa bahay nila Wade ay napapanuod ni Mrs. Kines mula sa T.V. si Wade.

"Ang anak ko..aba..sumisikat na!" Masayang tugon ni Mrs. Kines

Biglang nanakit ang tiyan ni Mrs. Kines "ahhhh!" at sumuka ito.

Hinawakan niya ang kanyang bibig habang sumusuka at ng tinignan niya ito "dugo...bwisit naman"

"Paano na ang gagawin ko, ayokong maging sagabal kay Wade na ngayon ay gumagawa na ng kaniyang sariling pangalan."

Nakita niya ang mukha ni Wade sa harap ng T.V. na masaya ang mukha nito at nakangiti.

"Wade, patawarin mo sana ako"

My Fairy Tale Lover "The Three Wishes" [On Hold]Where stories live. Discover now