Chapter 27

12 2 0
                                    

"Ano na Vic?" Tanong ni Wade habang habang hinihintay nito si Vic sa ilalim ng printing press.

"Okay na Wade!" Sigaw ni Vic habang tumatayo ito. "Pakipindot nga Wendy yung kulay dilaw na iyan sa gilid mo"

"Okay!"

Pinindot ito ni Wendy at may narinig ang tatlo sa loob ng printing room. "Ahahaha gumana na ang printing press ko! sige ibigay mo na sakin ang copy para magawa na natin Wade"
Iniabot ni Wade ang copies kay Vic. "Mag produce muna siguro tayo ng 50 copies nito Wade"

"Ikaw ang bahala" sagot ni Wade habang nagiisip ito ng design para sa book cover.

Habang abala si Vic sa pag gawa ng mga copies, lumapit si Wendy kay w
Wade at sinilip nito ang ginagawa ni Wade "Mmmm ano yan?"

"Sa palagay mo okay ito?" Tanong ni Wade kay Wendy habang nakatingin ito sa design ni Wade

"Mmmm asul na bulaklak ang naka lagay diyan?"

"Tama lang ito dahil ang title ng libro ko ay The Blue Flower"

"Ahhh pwede na yang design na iyan Wade!" ngiting sagot ni Wendy kay Wade.

"Hahaha okay sige sabi mo eh"

Mabilis ang paglabas ng mga copies mula sa makina ni Vic, nabibilib namang nanunuod si Wendy dahil sa sunod sunod ang iniluluwa ng makina "Whoooah!"

"Ahahaha malapit na ito" sabat ni Vic at natapos ang mga copies sa pag print.

"i-check natin Vic lahat" Habang nag iniaayos nila Wade at Vic ang mga pages ay napansin ni Wendy ang isang lumang kahon.

"Ok...420 pages at saktong 50 books...Vic sa bookbind mo na ito dalhin, at ireready ko na yung pang cover natin" Mabilis na kumilos ang dalawa papuntang book binding room habang binuklat naman ni Wendy ang lumang kahon "Ano kaya ang laman nito?"

Nakuha ni Wendy ang isang librong puno ng alikabok, pinagpagan niya ito at binasa ang nasa harapan. "The...Ta..le..of...th..e..Po.. ha? Pomona? K..ing..dom? pomona kingdom?? bakit may pomona dito?"

Nagulat si Wendy sa nabasa niya sa lumang libro na ang pamagat ay The Tale of the Pomona Kingdom..at napansin ni Wendy ang maliit na nakasulat sa ilalim ng libro "By: Vic Dixon..."

Narinig niya na pabalik na ang dalawa sa printing room, kaagad na itinago ni Wendy ang libro sa kaniyang likod "ahahaha oh Wendy ito na ang mga libro" Iniaabot sa kaniya ni Vic ang limang libro na natapos nila ni Wade

"Wow!" pinagmasadan niya ang libro na may imahe ng asul na bulaklak.

"Eto pa Vic ang another...10copies. Kami na bahala ni Wendy na i-display ito sa labas" sabi ni Wade kay Vic.

"Ahahaha sige sige ako na maglalabas sa inyo" Bumalik ulit ng book binding room si Vic upang tapusing ang natitirang pang mga libro.

"Halika na Wendy" niyaya ni Wade si Wendy papuntang book store.

Iniayos ng dalawa ang libro sa bakanteng book shelf na tinaggalan ng laman nila Vic at Wade, "Hay..natapos din, hiling ko lang na sana..makabenta kami ngayon at makilala ang pangalan namin ni Vic" sinabi ni Wade habang nakatingin ito sa isa sa ginawa niyang mga libro.

Sa isip ni Wendy "haaaaa! iyon na siguro ang unang kahilingan ni Wade!" natarantang nag paikot-ikot si Wendy mula sa kinatatayuan niya.

Napalingon si Wade kay Wendy "Anong ginagawa mo ha?"

"Okay!" Inikot ni Wendy ang kanyang mga daliri pataas.

At sinabi ni Wendy sa sarili niya "Ayan na ang una mong kahilingan!"

My Fairy Tale Lover "The Three Wishes" [On Hold]Where stories live. Discover now