Chapter 19

29 2 1
                                    

Kring Kring Kring!

"aaaahhhh ano ba yun?"

Nagising si Wendy sa ingay ng alarm clock ni Wade. "Ano ba itong maingay na to?"

Hinawakan ni Wendy ang alarm clock ni Wade, Tinitignan niya ang bawat bahagi nito. "Paano kaya ito titigil?"

Ibinato ni Wendy ang alarm clock ni Wade sa bintana,nabasag ang bintana at lumusot ang alarm clock papuntang ibaba. "Ayan okay na". Muling nahiga si Wendy sa kama.

Nagising si Wade sa ingay na nagmula sa itaas "Ano yung nabasag na iyon?"

Tumayo si Wade mula sa kinahihigaan niya at nagtungo ito sa labas ng kanilang bahay dahil sa ingay na narinig niya. Nakita niya ang nadurog niyang alarm clock na nakahandusay sa daan. Nilapitan ni Wade ang kanyang sirang alarm clock. "Bakit ka napuntan diyan?" Tumingala si Wade at nakita niya mula sa binatana ng kuwarto niya ang nabasag na salamin sa bintana niya. "Ha!. anong nangyari sa bintana ko?"

Kaagad namang pumasok si Wade sa loob ng bahay nila at mabilis na nagtungo ito sa kwarto niya, nadatnan niyang nakahiga pa si Wendy yakap ang kanyang kalansay. nilapitan naman ni wade ang kaniyang bintana at tumingin ito sa nakahiga na si Wendy.
"Hoy Wendy!"

"Waaahhaaaay! ha! Wade!" umupo si Wendy habang nag inat ito mula sa pagkakahiga.

Ipinakita ni Wade ang kaniyang nadurog na alarm clock kay Wendy. "Ikaw ba ang may gawa nito?"

"Malay ko bang gumawa niyang maingay na bagay na yan" Biglang lihis ng tingin si wendy kay Wade.

Itinuro ni Wade ang nabasag niyang bintana "Eh itong bintana ko na ito?"

"Ala iyan ba, ahahah...eh kasi naman ang ingay niyang bagay na yan, hindi ko naman alam kung paano gagawin ko kaya ibinato ko nalang diyan sa bintana mo" malungkot na isinagot ni wendy kay wade na parang nagpapaawa ito na patawarin niya.

Inalala ni Wade ang mga nangyari sa hospital sa kaniya kagabi. "Natatandaan mo ba ang mga ginawa mo kagabi doon sa hospital?"

Itinapat ni wendy ang kaniyang daliri sa ibaba ng kaniyang labi na parang nagiisip ito."Ahh kagabi oo naman syempre ang saya nga eh hahaha!"

Pinutol ni Wade ang pagsasaya ni Wendy ng ibinaba ni Wade ng malakas ang durog niyang alarm clock sa table niya

Bang!

Natahimik si Wendy at tinuwid nito ang kaniyang pagkakaupo na parang isang sundalong kagagalitan..

Huminahon si Wade at dahandahan niyang sinabihan si Wendy "Kagabi nanloko ka ng mga nurse, muntik ka pang makapatay at yung maliit na nurse na ininsulto mo eh napakalaki ng galit sa atin ngayon"

"Whoooah yung dewende!" Biglang naalala ni Wendy ang mga ginawa ng maliit na nurse kagabi.

Napailing nalang si Wade "Sasama ka sakin ngayon at hindi ka pwedeng umalis sa tabi ko hangga't wala akong sinasabi malinaw ba?"

Ngumiting sumagot si Wendy "Okay!"

"Magaayos ka na diyan" Iniabot ni Wade ang damit na inihanda ni Mrs. Kines kagabi kay Wendy "Hihintayin kita sa ibaba.

Lumabas si Wade ng kuwarto at isinara ang pintuan.

"Haaayy...sabi niya may ice cream daw ako pero wala naman siyang binibigay" Tumayo na si Wendy mula sa kama at hawak niya ang damit na ibinigay ni Wade sa kaniya.

Nakakita siya ng isang pintuan. "May isa pa palang pintuan dito" ,dahan dahan niyang tinulak ang pintuan upang bumukas "Ang liit na lugar nito ah"

Tumambad kay Wendy ang mga gamit sa washroom ni Wade "Ano ano naman kaya ang mga.....?"

Napatingin si Wendy sa salamin na nakasabit "Wah!" nakikita niya ang reflection niya mula sa salamin "Ako to ah!" Hinawakan ni Wendy ang kanyang mga tenga at dumila sa harap ng salamin "ble ble ble ahahaha!" Nahulog ang mga damit ni wendy sa sahig at pinulot niya ito at may nakita siyang isang bote.,kinuha niya ito , "TO..ILET...CLEA...N...E...R.?"

Kinamot ni Wendy ang ulo niya dahil hindi niya alam ang ibig sabihin noon. Ipinatong niya ang toilet cleaner sa ibabaw ng sink kasama ang mga damit niya, at nagandahan siyang bigla sa isang bote na nasa harapan niya "Wooow kulay asul na tubig?"

Kinuha niya ito "MO...UTH ..WASH..kakaiba to ah? mabuksan nga at.... "

Nang binubuksan na ni Wendy ang bote ay aksidenteng dumulas ang bote ng mouth wash sa kamay niya at tumapon ang laman sa sink.."Naku lagot ako kay wade, tumapon ang laman!"

Nagkaroon ng ideya si Wendy para magkaroon ulit ng laman ang bote ng mouth wash "Ha! alam ko na!"

Kinuha niya ang bote ng toilet cleaner at binuksan niya ito dahandahan..sinilip niya ang loob nito "Ayos kulay asul din ito !"

Sinalinan ni Wendy ang bote ng mouth wash ng toilet cleaner hanggang sa mangahalahati ang laman nito "Ayan! haaaay okay na din"

Ibinalik na ni Wendy ang mouth wash sa lalagyanan at aksidente naman itong may tinamaan..

Pok!

Nalaglag ang toothbrush ni Wade sa loob ng bowl..kinuha kaagad naman ito ni Wendy at ibinalik sa lalagyanan.

"Hooo! kakaiba talaga ang mundong ito" sinabi ni Wendy habang kinuha na nito ang damit at ibinalik ang toilet cleaner sa ilalim ng sink.

Bago siya makalabas sa washroom ni wade ay may nakita ulit itong isang mahabang bagay. kinuha niya ito "TO..OTH...P..ASTE" tinignan niya ang ilang bahagi nito at may inikot siyang isang maliit na takip mula sa ulo ng toothpaste.

Pinaga niya ang tube ng tooth paste "Wahaha may lumalabas!" Tinikman niya ang laman ng toothpaste "Hmmm ang tamis nito!"

Sa sobrang natuwa si Wendy sa toothpaste ay napiga niya ito ng todo at tumalsik ang laman ng toothpaste sa buong washroom "Ay! tumapon..."

Inihagis ni Wendy ang wala ng laman na toothpaste sa binatana na nabasag niya.

Knock Knock Knock!

"Wendy tapos ka na ba? bilisan mo at mag aayos din ako diyan!"sigaw ni Wade mula sa labas ng kuwarto niya.

"Ok sandali lang!" sigaw ni Wendy habang nagmadali ng magayos ng sarili niya.

My Fairy Tale Lover "The Three Wishes" [On Hold]Where stories live. Discover now