Chapter 13

20 2 0
                                    

"Waaade!"

BANG!

Dito na ba magtatapos ang kwento ko?.

"Liwanag?. Ang sakit naman sa mata"

"Wade!"

"Nakakasilaw naman ang liwanag na nakakikita ko"

"Wade!"

"Ito na pala yung sinasabi nilang liwanag kapag mamatay ka na"

"Wade!"

"Ang ganda naman ng langit, may pangarap pa ko pero tinatawag na ko ng liwanag"

"Wade!"

Pak Pak Pak Pak!!!

"ARAY!!!"

Idinilat ni Wade ang kaniyang mga mata dahil sa lakas ng mga sampal sa mukha niya.

"Wade. Gising ka na!"

Hiyaw ni Wendy.

"Wendy?, Anong nangyari?"

Tumayo si Wade at umupo, ininda niya ang sakit ng katawan niya.

Lumingon siya sa paligid at nakita niya na napakadaming tao, nakahiga na ang lalaking may hawak ng baril malapit sa kaniya at wala ng buhay.

"Ha?"

Tulala na iniisip ni Wade kung ano talaga ang nangyari.

"May dumating na mga lalaki na may hawak din nung bagay na nakatutok sayo, at maya maya lang ay may malakas na tunog na BANG! Bumagsak nalang yung lalaki sa harap mo"

Nakita din ni Wade ang dalawa pang mga lalaki na naka-posas at isinasakay na sa sasakyan.

"Mga pulis. Hay naku buhay pa ko!"

"Pwede bang sumama kayong dalawa  upang makuhanan kayo ng statement kung bakit dapat mauwi sa papatayin ka ng lalaking ito"

Sabi ng isang pulis kila Wade at Wendy.

May isang babae na dumating at lumapit kila Wade at Wendy.

"Teka lang!"

"Mrs. Kines!" sigaw ni Wendy ng makita niya tumatakbo palapit sa kanila si Mrs Kines.

"Naku ang anak ko!. May mga dugo at pasa ka!"

Nagaalalang sabi ni Mrs. Kines kay Wade.

"Mamang pulis baka pwedeng sa hospital niyo na makuhanan ng statement ang anak ko at ang kasama niya? Masakit ang katawan ng anak ko sige na."

Hiling ni Mrs. Kines sa pulis.

Pumayag ang pulis, sabay na tinulungang itayo ni Mrs. Kines At Wendy si Wade.

"Aray aray..dahan dahan lang"

Ngumiti si Wendy kay Wade habang naglalakad sila papuntang sasakyan.

"Hoy salamat ha"

"Wala yun. Pero dapat umuwi ka nalang sana nung hindi pa ko nakakabalik para sunduin ka dito."

"Hindi ba sabi mo huwag akong aalis hanggang wala kang sinasabi na pwede na?"

Napangiti si Wade, sumakay ang tatlo papuntang hospital upang gamutin si Wade.

My Fairy Tale Lover "The Three Wishes" [On Hold]Where stories live. Discover now