Chapter 4

36 2 2
                                    





Sa isang lugar na nababalot ng kadiliman, naroon si Wade sa hindi niya kilalang lugar, punong puno ito ng mga bungo ng tao na nakatusok sa kahoy, mga patay na halaman at puno, napapaligiran ng usok na hindi malaman kung saan nanggagaling, mga ingay ng mga uwak na mistulang ano mang oras ay pwede siyang atakihin nito.

"Nasaan ako? Hello? May tao ba dito?"

Umaalingaw-ngaw lang ang boses ni Wade sa napakalaking kadiliman. Nang walang sumasagot sa kaniyang tawag. Kumaluskos ang tubig, anim na talampakan ang layo mula kay Wade, nilapitan niya ito.

"Hello?"

Tinignan ni Wade ang tubig, nagkulay pula ang tubig habang ito ay kumukulo, at may biglang lumabas na kamay mula sa kumukulong tubig na sumakal sa leeg ni Wade.

"Ahhrrggg!! tulong!!"

Hindi makapalag si Wade sa kamay na sumasakal sa kaniya hanggang sa hilahin siya nito sa tubig. Ipinikit nita ang mga mata niya habang humihingi ng tulong.

"Ahhrrrgggg! Tulungan niyo ako!"

Muling iminulat ni Wade ang kaniyang mata, nakakita ng liwanag ng buwan si Wade, nananaginip lang pala siya, ngunit tila hindi pa din siya makahinga at mistulang may nakasakal pa din sa kaniya.

"Aahhhrrggg! Ahhhhhh!! Hindi ako makahinga tulong!"

Tinignan niya mula sa itaas, si Wendy na pala na hinihila siya gamit ang kaniyang bag na nakatali sa leeg niya.

"Teka lang ahhrrrgg!"
___

"Wahh! Gising ka na pala. Iuuwi na sana kita sa inyo kaso."

Binitawan ni Wendy ang bag ni Wade na nakatali sa leeg ni Wade.

"Papatayin mo ba ko?"

"Ha? Iniligtas na nga kita kanina kasi sabi mo nalulunod ka. Tapos ikaw pa ang galit sa akin"

Tinignan ni Wade ang kaniyang mickey mouse na relo.

"Bwisit 7:55pm na"

Nagmadaling tumayo si Wade at kinuha ang kaniyang brown na leather slim bag. Biglang naalala ni Wade ang mga pangyayari bago siya nawalan ng malay. Tumingin siya kay Wendy na nakasimangot na mistulang hindi nagustuhan ang inasta ni Wade sa kaniya.

"Ikaw kung saan ka man nanggaling, bumalik ka na at huwag ka ng susunod sa akin"

Galit na sinagot ni Wade si Wendy. Muling ngumiti si Wendy kay Wade.

"Sige!"

Tila nagustuhan ni Wade ang sagot ni Wendy sa kaniya.

"Talaga! Huwag kang susunod"

Tumango lang si Wendy. Tumalikod na si Wade at naglakad palayo kay Wendy. Muling sinilip ni Wade ang kaniyang mickey mouse na relo.

"Ah 8:00pm na! , tiyak naghihintay na si Nanay"

Habang nagmamadali si Wade pauwi ay nilingon niya ang kaniyang likuran at napansin niyang wala ng sumusunod sa kaniya.

"Hay mabuti naman wala ng sumusunod sa akin diwata? Di kaya na-nuno ako doon sa bakanteng lote kanina?"

Natanaw na ni Wade ang kanilang bahay, naglakad ito ng mabilis hanggang sa makarating siya sa pintuan ng kanilang bahay.

"Nay nakauwi na ko!"

"Tumuloy ka na Wade at kumain na tayo, kanina pa kita inaantay"

Binuksan niya ang pintuan at nagtungo ng mabilis sa kusina nila.

"Pasensya na kasi may makulit na."

Natulala, napanganga, at mistulang naging tuod si Wade sa nakita niya sa kasamang kumakain ng nanay niya.

"Ano ka ba naman Wade bakit mo iniwan nalang basta ang kaibigan mo diyan sa labas"

Tinuro ni Wade ang katabi ng nanay niya sa mesa.

"Anong ginaga....paano? ha? saan ka?"

Muling nakangiti si Wendy kay Wade habang hindi ito makapaniwala sa nakita.

My Fairy Tale Lover "The Three Wishes" [On Hold]Where stories live. Discover now