Chapter 6

24 2 1
                                    

"Ha? Ako?"

Nagulat si Wade sa sinabi sa kaniya ni Wendy na siya ang misyon nito.

"Iyon ang pinakita sa akin ng liwanag imahe mo na natutulog sa ilalim ng puno ikaw nga iyon"

Biglang naalala ni Wade ang mga pangyayari sa bakanteng lote. Natutulog nga siya doon at na
gising na lamang siya na may nakahigang babae doon na walang malay.

"Ako ang misyon mo pero hindi ko maintindihan?"

"Ang sabi ko kanina, ang mga fairy ay ipinapadala sa mundo ng mga mortal upang ibigay ang kahilingan ng naatasang fairy para sa isang mortal o sa madaling salita lahat ng mga kahilingan mo, tutuparin ko"

Huminga ng malalim si Wade sa mga sinabi ni Wendy sa kaniya, tila hindi ito makapaniwala sa kanyang mga narinig na sinabi ni Wendy.

"Kahilingan? ka-kahit anong kahilingan?"

Nakangiting sinagot ni Wendy si Wade. "Oo,kahit anong kahilingan ang hingin mo sa akin"

Napakagat ng kuko si Wade habang nagiisip. "Kahit anong hilingin ko, ayos to."

Pinutol ni Wendy ang pagiisip ni Wade mula sa isang paalala. " Ngunit Wade, tandaan mo na hanggang tatlong kahilingan lamang ang pwede mong hingin, kaya pagisipan mo muna bago ka humiling sa akin".

"Ha? hindi unli?

"Anong unli?"

Muling napaisip si Wade kaya nagdesisyon muna ito. "Sige, tumuloy ka muna dito sa amin hanggang pinagiisipan ko ang tatlong kahilingan ko okay ba?"

Ngumiting sumagot si Wendy "Okay!"


Ps. To be clear po sa lahat ang salitang *Mortal* po ay isang malalim na term para sa salitang *Tao*

My Fairy Tale Lover "The Three Wishes" [On Hold]Where stories live. Discover now