Chapter 11

24 2 3
                                    

Narating ni Wade ang lugar kung saan siya unang nagpasa ng copy ng mga libro niya.

"Ano naman kaya ang pumasok sa isip nun at tinawagan nalang ako at gusto daw niyang maging business partner?

Kumatok si Wade sa pintuan ng bahay kung saan nakatira si Vic.

Tok! Tok! Tok!

Nagbukas ang pinto at bumungad sa kaniya ang nakakalbong buhok, may salamin sa mata, naka suot ng sando na malaki ang tiyan at nakaboxer shorts.

"Wade?"

"Mmm Vic?"

"Ahahaha Wade!"

Niyakap ni Vic si Wade na parang kakauwi lang ni wade galing ng ibang bansa.

"Ah ah.. Hindi ako makahinga."

"Ahahaha pasensya na at nasabik lang ako sa pagdating mo"

"Okay."

"Oh oh..Tumuloy ka muna sa loob, halika pumasok ka."

Pumasok si Wade sa loob, kita niya ang mga kalat na balat ng saging sa sofa, bote ng beer sa sahig, mga tissue, mga nilalangaw na tinapay, at mga damit.

"Ahahaha pasensya ka na sa mga kalat sa bahay,"

"Okay lang "

"Dito tayo sa lamesa, maupo ka na at kukuha lang ako ng maiinom"

Nakita ni Wade ang isang bill sa upuan niya, tinignan niya ito.

"Vic, ang laki nang bill mo ng kuryente ah"

Lumapit si Vic kay Wade na may dalang dalawang beer.

"Ahaha, oo nga 2 months ko na yang hindi nababayaran, ito ang sayo"

Iniabot ni Vic ang isang can beer kay Wade.

"Ahmm okay salamat"

"Tungkol nga pala sa sinabi ko sayo kanina sa phone.

Tumungga muna ito ng beer.

"Interesado ka ba na magtrabaho sa akin?"

"Ah siguro linawin mo muna sakin bago ko sumagot ng oo"

"Ahahah sige sige.

" Tumungga ito ng beer.

"medyo humina kasi ang dating ng mga book writers sa akin ng mga storya nila, alam mo kasi na hindi na uso ang mga horror stories, ang gusto naman nila ay ang mga love stories pero walang dumating sa akin ng mga writer ng love story kahit isa"

Uminom ulit ito ng beer.

"Wala ngang nagpapasa sa akin ng mga writers at doon yata sila sa victorious nagpapasa ng mga kwento nila"

Iinom sana ulit ng beer si Vic ngunit ubos na pala ang hawak niya. Iniabot ni Wade ang kaniya na hindi naman nagalaw.

"Ahaha salamat"

"Eh ano naman ang gusto mong mangyari ngayon?"

Tanong ni Wade.

Binuksan ni Vic ang beer at ininom niya ito.

"Gusto ko sana na magsulat ka para sa akin"

"Ha? Pero"

"Yung ipinasa mo saakin na storya na The Blue Flower? Gusto ko yun"

"Pero love story yun., mahirap kung tayo lang ang mag-publish nito, malaking company ang victorious malabong matapatan natin sila"

"Pero Wade hindi pa natin nasusubukan, susuko ka na agad?"

"Imposible Vic, masasayang lang ang panahon natin"

"Wade parang awa mo na, pumayag ka na na magsulat at maging business partner ko"

"Masyadong mahirap ang gagawin natin Vic, dalawa lang tayo, imposible."

"Alam kong wala kang mapasukang publishing house ngayon, madami ng sumisikat na writers na saakin din naman nagsimula, kung papayag ka mapapalago natin ulit itong publishing house ko dahil sa libro na gagawin mo"

Nagiisip si Wade kung papayag ba siya o hindi, nakatingin lamang si Vic habang nagiisip ito ng mamalilim.

"Posible kaya? madami namang nahawakang baguhang writer si Vic na ngayon ay mga tanyag na."

"Ano Wade? pumayag ka na"

Tumingin si Wade kay Vic.

"Okay sige pero sa isang kundisyon"

"Ano?"

"Pahiramin mo ko ng pc mo o laptop mo, wala akong gagamitin"

Ininom lahat ni Vic ang beer na hawak niya hanggang sa maubos ito.

"Ahhhhhh. Sige! Kukuhanin ko lang sa kwarto ko yung laptop at iuwi mo na"

Naging masaya si Wade sa desisyon niya at sa bagong oportunidad na dumating sa kaniya.

Lumabas si Vic dala ang laptop niya.

"O ito na, kung gusto mo magsimula ka na ngayon"

"Ahhh... na sa iyo pa ba ung mga 5 pages na sinend ko?"

"Nandiyan yan naka-save"

Binuksan ni Wade ang laptop at hinanap niya ang files na sinend niya kay Vic.

"Okay ito na. May ibang lines pa naman akong naalala may lugar ka ba na pwede kong paggawaan?"

"Ahahaha dito sa book store halika"

Katabi lamang ng bahay ni Vic ang book store kung saan si Vic din mismo ang may ari ng books store.

Pumasok ang dalawa dito at binuksan ni Vic ang ilaw, tumambad kay Wade ang napakadaming libro na puno ng alikabok.

"Hindi mo ba binubuksan itong book store mo?"

"Hay. Dahil nga sawa na sa mga horror stories ang mga tao eh wala na ring bumibili ng mga libro dito, mga dalawamg buwan ko na ding hindi binubuksan ito"

Nakakita ng maayos na pwesto si Wade, sa may counter kung saan nagbabayad ang mga customer para sa librong bibilhin nila.

"Okay na ko dito Vic, magsisimula na ko"

"Ahhahaha sige sige Wade lilinisin ko lang ang loob ng bahay ko at napakadumi na nito ahahaha"

Sa isip ni Wade.

"Dapat lang"

-------------------------------------------------------------



Madami ng nai-type si Wade sa laptop at sinilip niya ang kaniyang mickey mouse na relo.

"6:48pm na pala ang tagal ko na pala dito, hindi ko namalayan"

Tumayo si Wade mula sa pagkakaupo niya ng mahabang oras.

Nakita niya ang napakagandang decoration na nakasabit sa may pintuan ng book store ni Vic.

"Ang cute na anghel nun, paano kaya sila nakakalipad habang may hawak na malaking gitara?"

Biglang may pumitik sa isipan ni Wade na nawala sa isipan niya ng mahabang oras din, pumasok si Vic upang pagdalhan ng makakain si Wade.

"Ahahah kumain ka muna Wade at....."

"Haaa! si Wendy!"

"Sinong Wendy?"

Kumaripas ng takbo si Wade.

"May nakalimutan ako Vic, ikaw na muna bahala diyan babalik ako bukas!!"

Napakamot si Vic sa biglang pagmamadali ni Wade "Hay naku, palagi nalang ako naiiwan mag-isa"

Mabilis na tumakbo si Wade sa lugar kung saan niya huling iniwan si Wendy "Naku naman, patay!"

My Fairy Tale Lover "The Three Wishes" [On Hold]Where stories live. Discover now