Chapter 24

21 2 0
                                    

Sinilip ni Wade ang kanyang mickey mouse na relo "12:30pm".

"Ahahaha!"

Tinignan ni Wade si Vic na masayang nakikipagwentuhan kay Wendy habang tinatanggal nila ang mga libro sa isang book shelf.

"Ano naman ang ginagamit na sandata ng mga fairy knights?" tanong ni Vic habang inilalagay ni Wendy ang mga librong hawak niya sa kahon.

"Mga ocarina ang gamit nilang sandata."

"Wow, eh ano paano nila ginagamit yung ocarina?" tanong ni Vic mula sa itaas ng hagdan habang iniaabot nito ang mga libro kay Wendy.

"Ang ocarina ay ginagamit ng mga fairy knights pang depensa lamang nila sa mga fairy na lumalabag sa utos ng reyna, may 12 itong butas at hinihipan nila ito at ang kung sino man ang makarinig ng tunog ng ocarina ay mawawalan ito ng malay o minsan ginagamit din ito para kumontrol ng isipan."

"Ahahaha ang galing naman ng kaharian ninyo Wendy!" iniabot ni Vic ang huling libro kay Wendy.

"Haay....nagustuhan ko ang mga kinwento mo sa akin Wendy" bumaba si Vic mula sa hagdan "Maghahanda lamang ako ng makakain natin ha! ahahahah!"

Tumingin mula sa bintana ng bookstore si Wendy at inalala niya ang mga kaganapan bago siya ipadala sa mundo ng mga mortal.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bago ang nakatakdang oras ni Wendy sa pagpunta sa mundo ng mga mortal,

Mula sa kaharian ng Pomona, "Althea hoy!" sigaw ni Wendy habang umiika papalapit kay Althea.

Hinihingal na nakalapit si Wendy kay Althea "oh? ano bang nangyari sayo at umiika ka ha?" sagot ni Althea habang may dinudurog itong dahon gamit ang isang makapal na sanga ng puno.

"Ang sakit ng paa ko at hindi ko maigalaw ang mga pak pak ko..Hindi na yata ako makakalipad Althea!" sinabi ni Wendy habang umiiyak ito.

"Tssk tssk tssk...Siguro umakyat ka na naman sa puno ng amber persica noh?" tanong ni Althea habang may ipinapatak itong kulay dilaw na tubig sa dinurog niyang dahon.

"Ahh kasi naman nagugutom na ko eh!" galit na sinabi ni Wendy na habang namamalipit ito sa sakit.

"Nasaan ba si Penelope at bakit hindi ka niya binabantayan?" lumapit ito kay Wendy habang tinignan nito ang paa ni Wendy.

"Ayan tignan mo ang nangyari, namamaga siya tuloy" nagtungo si Althea sa isang malaking cabinet.

Binuksan ito ni Althea at bumungad sa mga mata ni Wendy ang iba't ibang klaseng bulaklak na nasa loob ng garapon.

"Hmmm, nasaan kaya yun....aha!" kinuha ni Althea ang kulay green na bulaklak na nasa loob ng garapon.

"Ano yan ha?" tanong ni Wendy habang kinakapa nito ang masakit niyang paa.

"Basta manood ka nalang" binukasan ni Althea ang garapon at kinuha niya ang nasa loob. ibinaba niya ang garapon at binuksan niya ang kanang palad at ipinatong niya ang kulay green na bulalak.

Inilapit niya ang green na bulaklak sa namamagang paa ni Wendy, hinipan ni Althea ang bulaklak
"hoooooooooo...." at nag ning-ning ang hinipan nitong bulaklak na dumapo sa namamagang paa ni Wendy.

"whhooa!" namanghang sinabi ni Wendy at nakikita niya na nawawala na ang pamamaga paa niya.

"Ang galing! paano mo nagawa yon?!" bilib na tanong ni Wendy kay Althea

"Ang sabi ko naman sayo na ako ang pinakamagaling na fairy of hearts sa buong sparkel port di ba?" taas noong isinagot ni Althea kay Wendy habang itinuloy nito ang kaniyang ginawa

"Pero ang pakpak ko?"

Dinakot ni Althea ang ginagawa niya at pumunta ito sa likuran ni Wendy "Ito ang bagong ginawa kong pang gamo para diyan sa mga pakpak, panoorin mo"

Ibinudbod ni Althea ang nasa kamay niya sa mga pakpak ni Wendy. at lumiwanag ang mga pakpak ni Wendy at kumislap ito ng kulay dilaw.

Huminto ang pagkislap sa pakpak ni Wendy "Subukan mo ng gamitin ang mga pakpak mo" sabi ni Althea at umatras ito bahagya upang bigyan ng lugar si Wendy upang subukang muling makalipad.

"whoaaahh!!!" lumutang si Wendy at nagpaikot ikot ito sa loob ng sparkle port "Nakakalipad na ko Althea ulit haaaa!!"

"Hahahaha...Kaya Wendy sa susunod magiingat ka ha"

"Ikaw na nga ang pinakamagaling na fairy of hearts sa buong kaharian!" masayang sinabi ni Wendy habang paikot ikot itong lumilipad sa loob ng sparkle port.

Sa isip ni Althea ay nagalalala ito "Malapit na ang nakatakdang oras mo Wendy kaya magiingat ka."


My Fairy Tale Lover "The Three Wishes" [On Hold]Where stories live. Discover now