Chapter 7

29 2 0
                                    

Naghugas ng kanilang pinagkainan si Wade. Habang paikot ikot si Wendy sa loob ng kusina, pinagmamasadan niya ang kagamitan.

Lumapit si Wendy sa refrigerator.
"Ano kaya itong malaking kahon na to?"

Binuksan ni Wendy ang pintuan ng ref at tumambad sakaniya ang liwanag na nagmula dito.

"Haaa Wade ang daan mula sa aming kaharian!. Mayroon pala kayong pintuan tungo sa Pomona!"

Tinignan ni Wade si Wendy at natawa na lamang ito sa ginagawa ng fairy.

Hinahawakan ni Wendy ang paligid ng ref.

"Ang lamig at basa? bakit ano ba itong mga nakaharang na ito?"

Kinuha ni Wendy mula sa ref ang isang supot na may lamang isda, hinawakan niya ito at inamoy.

"Waahhh ang baho naman nito. Ano ba ito?"

Natapos si Wade sa kaniyang ginagawa at pinunasan niya ang kaniyang basang kamay.

"Isda ang tawag namin diyan, isang klase iyan ng pagkain ng mga mortal"

"Parang beef steak?"

"Ahh parang ganun na nga"

Natakam si Wendy sa mga sinabi ni Wade kaya kinagat niya ang bahagi ng isda.

"Ang tigas naman nito at saka ang alat naman!"

Kaagad lumapit si Wade kay Wendy upang kuhanin ang isda kay dito.

"Hindi kasi ito nakaayos kaya hindi pa masarap"

Muling tumingin si Wendy sa loob ng ref.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina na may daan pala kayo patungo ng Pomona?"

Nangiti si Wade sa tanong ng fairy sa kaniya.

"Hindi ito pintuan patungo sa lugar ninyo, ang tawag namin dito ay refrigirator, dito namin iniimbak ang mga pagkain namin upang hindi ito mabulok o masira"

"Pero may liwanag sa loob ano iyon?"

"Ahh ilaw iyon para makita mo ang loob ng ref"

Ibinalik na ni Wade ang isdang kinuha ni Wendy sa ref at kinuha niya ang isang kulay dilaw na garapon.

"O ito nalang ang kainin mo"

Nanlaki ang mga mata ni Wendy sa nakita niya "Anong klaseng prutas yan. Kakaiba ang hugis niyan"

Kumuha ng kutsara si Wade at ibinigay niya ito kay Wendy.

"Teka ito ung kakaibang pagkain ninyo ah. Kanina lang binigyan ako ng ganito ni Mrs. Kines pero nung kinagat ko ang tigas"

Kumuha na rin ng sariling kustara si Wade upang ipakita kay Wendy ang tamang paggamit nito. Nagtungo ang dalawa sa sala kung saan naupo ang dalawa at binuksan niya ang takip ng garapon.

"Woohhh ano yan?"

"Ang tawag namin dito ice cream"

"Ice cream?"

Ginamit ni Wade ang hawak niyang kutsara at sumandok ito ng ice cream sa garapon. Kinain niya ito habang nakatingin si Wendy sa kaniya.

"Sige gayahin mo yung ginawa ko"

Hinawakan ni wendy ang kutsara niya at sumandok ng ice cream. Sinubo niya ito at bigla nalang "Ggrrrrrr. Ang lamig sa ulo"

Habang nilalasahan ni Wendy ang ang ice cream ay natawa si Wade sa reaksyon niya.

"Ano masarap ba?"

"Ahhh ang sarap. Ngayon lang ako nakakain ng ganito"

Ibinigay ni Wade ang buong garapon ng ice cream kay Wendy. Sumandok ng malaking tipak si Wendy ng ice cream at sinubo ito.

"Ggrrrrrrrr ahhh. Ang sarap!"

Nanginginig na sabi ni Wendy na natawa naman si Wade sa mga pinagagagawa ng fairy.

Tinignan ni Wade ang kaniyang mickey mouse na relo "Tsskk 9:50pm na. Yung mga copies ko kaylangan i-send ko ulit"

Agad na binitawan ni Wade ang kaniyang kutsarang hawak at nagtungo sa kusina upang kuhanin ang kaniyang brown leather slim bag, bumalik siya sa sala.

"Wendy may aayusin lang ako sandali, babalik ako maya maya, diyan ka lang"

Tuloy pa din sa pagkain ng ice cream si Wendy at ngumiting sumagot ito kay wade. "Okay!"

Nagtungo si Wade sa kaniyang kuwarto. Ibinaba niya ang kaniyang bag sa table. Nagpalit siya ng damit. Orange na t-shirt at black na shorts.

"Maihanap na nga muna ng damit si Wendy kay nanay, kakaiba kasi ang suot niya baka kung anong sabihin ng mga tao sa kaniya"

Nagtungo siya sa kwarto ng ni Mrs. Kines upang maghanap ng damit. Mahimbing na natutulog si Mrs. Kines mula sa kaniyang kama.

Dahandahang nagtungo si Wade sa wardrobe ni Mrs. Kines upang kumuha ng damit."Pwede na siguro to, red na t-shirt at black na shorts"

Dahan dahan lumabas ng kwarto si Wade. Muli siyang bumalik sa kaniyang kwarto upang buksan ang computer. Ngunit. bago pa umilaw ang monitor ng computer ni Wade ay umamoy ang isang mabahong nasusunog na wire. Umuusok na pala ang loob ng cpu ni Wade.Kaagad naman niya itong binunot.

"Naku naman ang mga copies ko bakit ngayon pa"

 Nadismaya si Wade sa nangyari sa computer niya.

"Ano na ang gagawin ko, nanduon lahat ang mga nakasave kong copies"

Lumakad si Wade sa harap ng kaniyang bintana. Nakatingin sa langit at nagiisip kung ano na ang kaniyang gagawin.

Ps. To be clear po sa lahat ang salitang *Mortal* po ay isang malalim na term para sa salitang *Tao*

My Fairy Tale Lover "The Three Wishes" [On Hold]Where stories live. Discover now