Chapter 8

35 2 0
                                    

Lumabas si Wade ng kaniyang kwarto dala ang mga damit na ibibigay kay Wendy, nagtungo ito sa sala "Magpalit ka muna ng damit mo Wendy ito nakakuha ako kay nanay"

Walang sumasagot sa kaniya at nilapitan niya si Wendy.

"Hoy Wendy"

Nakapikit ito habang nakasubo ang kutsara sa bibig ni Wendy.
"Haha. Nakatulog ka na pala.."

Kinuha niya ang kutsara sa bibig ni Wendy. Inihiga niya ito sa sofa ng maayos at kinumutan ito
nagtungo si Wade sa kusina upang hugasan ang pinagkainan nilang dalawa. "Paano na yung copies ko?. ang hirap pa naman gumawa ng story"

Natapos si Wade ng maghugas. At muli itong nagtungo sa sala at naupo sa sofa sa tapat ni Wendy.

Pinagmasdan niya ang mukha ng fairy.

"Kahit pala puno ng ice cream ang mukha nito maganda parin siya"

Kaagad kumuha ng pamunas si Wade at ipinahid ito sa mukha ni Wendy upang linisin ang ice cream sa mukha nito.

"Ganito pala ang mga istura ng mga fairy. Akala ko kwento lang sila"

Nang nayari sa ginagawa si Wade ay muli itong bumalik sa sofa.

"Palagay ko madala sa repair shop bukas ang computer ko baka sakaling maayos pa nila iyon"

Muling pinagmasdan ni Wade si Wendy, "Fairy? Mukhang magandang igawa ng kwento tungkol sa mga fairy"

Mula sa isang gabing tahimik, tinamaan ng antok si Wade mula sa kaniyang inuupuan at nakatulog ito.

My Fairy Tale Lover "The Three Wishes" [On Hold]Where stories live. Discover now