Chapter 9

37 2 1
                                    


Nasinagan ng araw ang buong kapaligiran. Tila sumasayaw ang mga halaman sa bagong araw na dumaan.

Nagbukahan ang mga magagandang bulaklak, nagbunga ang mga prutas sa puno, at mga taong nagsisipaghanda para sa panibagong umagang kanilang haharapin,

Mahimbing na natutulog pa si Wade sa kaniyang sofa, naghahanda si Mrs. Kines ng almusal sa kusina, mainit na tinapay, mayonnaise at gatas.

Nagising si Wade sa ingay na narinig niya, nag inat siya ng katawan at tumingin sa katabing sofa "Nasaan si Wendy?"

Bakante ang sofa na hinigan ni Wendy, kaagad na tumayo si Wade at inaayos ang kanyang tinulugan, pati na din ang kay Wendy, nabaling ang tingin niya mula sa itaas patungo sa kaniyang kwarto at nakita niya si Wendy, suot ang damit na kinuha niya kagabi sa wardrobe ni Mrs. Kines. Kulay pulang t-shirt at black shorts na ayos lamang tignan kay Wendy.

Nabighani si Wade kay Wendy dahil sa kahit simple lamang ang suotin nito ay diyosa pa din itong tignan.

"Wade may narinig akong ingay doon sa may kwarto ano yun?"

Nakatingin pa din ito kay Wendy at tila parang walang narinig sa tanong ni Wendy sa kaniya.

"Wade?"

"Ahhh..Ano yun?"

"Doon sa isang kwarto may naririnig akong tunog di ko alam kung ano iyon"

"Baka yung cellphone ko yon"

Kaagad nagtungo si Wade sa kanyang kwarto, at nakita niya na ang kanyang alarm clock lang pala ang tumutunog.

Pinatay niya ito nakasunod sa kanya si Wendy at pumasok sa loob ng kwarto ni Wade.

"Woohhh ano ito?"

"Ito ang kwarto ko, dito ako nagpapahinga"

"Ahhh.."

Lumapit si Wendy sa computer ni Wade at hinawakan niya ito
"Ano itong kahon na to?"

Biglang naalala ni Wade na kailangan pa niyang ipaayos ang computer niya sa repair shop.

"Computer ang tawag namin diyan, ginagamit namin iyan para makapagtrabaho kami, at mas mapadali ang pamumuhay namin"

Habang pinagmamasdan ni Wendy ang computer ay kinuha ni Wade ang isa niyang journal mula sa bookshelf.

"Ano naman yan?"

Pinunasan ni Wade ang journal na puno ng alikabok, pinakita niya ito kay Wendy.

"Ito yung journal kung saan isinusulat ko ang mga kwento ko"

"Manghuhula ka?"

"Hindi ako manghuhula, isa akong writer,gumagawa ako ng kwento para maibahagi ko sa ibang mahilig magbasa ng libro"

Hinawakan ni wendy ang journal ni Wade at may napansin siya sa cover nito.

"Asul na bulaklak?"

"Iyang ang title ng librong ibabahagi ko sana..(The Blue Flower), kaso minalas ako kahapon."

Napaisip si Wendy sa mga imaheng nakita niya bago siya nakarating sa mundo ng mga mortal.

"Asul na bulakalak? ito yung imahe na nakikita ko. Ano kaya ang ibig sabihin nito?"

Tinignan ni Wade ang kaniyang mickey mouse na relo 7:55am.

"Mamaya dadalhin ko sa pagawaan itong computer ko, sumama ka sa akin"

Hindi sumasagot si Wendy at nakatingin lamang ito sa larawan na gumugulo sa isipan niya.
"Wendy, kukuha kita ng ice cream"

Ngumiti si Wendy sa narinig niya.

"Okay sige"

Mula sa ibaba ay tinawag ni Mrs. Kines ang dalawa "Wade! Wendy! halina kayo at mag almusal muna kayo!"

Ibinaba ni Wendy ang journal sa table at sabay na nagtungo ang dalawa sa kusina kung saan nakita nang dalawa ang masarap na tinapay na inihanda sa kanila ni Mrs. Kines

"Maupo na kayo diyan
tulungan niyo na ang sarili ninyo, at siya nga pala Wade aalis lang ako at may lakad kami ng tita mo ngayon"

"Ah ganun ba, nay wala ka bang extra diyan paayos ko sana yung computer ko nasira kasi kagabi"

"Wala ka na bang pera Wade?"

"Kahapon kasi nadukutan ako ng wallet lahat ng pera ko nandoon"

"Ay naku o sige eto"

Iniabot ni Mrs.Kines kay Wade ang pera.

"Ikaw na ang bahala sa bisita mo ha mauna na ko, Wendy kumain ka lang ha"

"Salamat Mrs. Kines!"

Lumabas ng bahay si Mrs. Kines at amg natira na lamang sa loob ay si Wade at Wendy,

Habang kinakain ni Wendy ang tinapay niya ay nagtanong si Wade tungkol sa mga kahilingan.

"Wendy may tanong lang ako"

"Hmm?"

"Kahit anong kahilingan ibibigay mo sa akin hindi ba?"

"Kahit ano ibibigay ko, naisip muna ba ang una mong hihilingin?"

"Ang una ko sanang kahilingan eh bigyan mo pa ko nang tatlong pang kahilingan bale. 5 na lahat. Okay ba?"

Nabulunan si Wendy sa kinakain niya at kaagad naman pinainom ng gatas ni Wade upang matanggal ang bara sa lalamunan.

"Hindi maari yun, pandaraya na iyon"

"Sabi mo kahit ano naman ha?"

"Pero ang sabi ko sa iyo na hanggang tatlong kahilingan lamang ang maibibigay ko hindi na pwedeng sumobra sa tatlo, kahit ano wag lang iyon"

Nadismaya si Wade ng hindi pwede ang una niyang kahilingan habang tinuloy ni Wendy ang pagkain niya.

"Tanong ko lang may lalaki bang fairy?"

Napatingin si Wendy sa kakaibang tanong ni Wade.

"Lalaki?"

"Oo meron ba?"

"Hmmm, maraming klaseng fairy kasi, ganito, kami yung mga tinatawag na fairy of wishes kung saan tinutupad namin ang mga kahilingan ng nga nangangailangan, sunod ang mga fairy of hearts, sila yung mga fairy na nagbabantay at nagpapagaling sa may mga sakit, at fairy knights sila yung mga lalakeng fairy na nagproprotekta sa aming kaharian"

Naging interesado si Wade sa mga sinabi ni Wendy tungkol sa kaharian nila.

Lalong lumaki ang ideya ni Wade sa kung paano niya sisimulan ang storya na naiisip niya tungkol sa mga fairy. natapos ng kumain si Wendy at dumighay ito.

"Burrppp.. Ha!! ang sarap talaga ng pagkain niyo dito"

"Halika na at sumama ka sa akin lumabas"

"Okay sige!"

Kinuha ni Wade ang kaniyang cpu mula sa kwarto at pinuntahan ni Wade si Wendy na naghihintay sa kaniya mula sa pintuan.

"Sabi mo may ice cream ako"

"Hindi ka pa nabusog? Ikaw na nga kumain pati nung akin eh"

Ngumiti si Wendy at sabay na lumabas ng bahay ang dalawa mula sa napakagandang sinag ng araw ay sabay naglakad ang dalawa.

My Fairy Tale Lover "The Three Wishes" [On Hold]Where stories live. Discover now