Chapter 12

18 2 2
                                    

Mabilis na tumakbo si Wade kung saan niya huling iniwan si Wendy.

"Sa dami ng pwedeng makalimutan ko siya pa, masyado akong nakatutok sa ginagawa ko"

Lumiko si Wade sa kanto, kung saan ang lugar na huli silang nagkita ni Wendy.

Nakita ni Wade mula sa malayo.

"Ha! Si Wendy!"

Nandoon pa din si Wendy sa tabi ng gripo kung saan hinugasan ni Wade ang kamay at paa ni Wendy, ngunit may ibang kasama si Wendy, tatlong mga kalalakihan ang nakapaligid kay Wendy.

"Sino yung mga iyon?"

Nagmadaling tumakbo papalapit si Wade sa kinaroroonan ni Wendy, ng makalapit na si Wade ay naririnig niya ang isang lalaki na kinakausap si Wendy.

"Halika ka na sumama ka na sa amin"

"Pero hindi ako pinayagan ni Wade, ang sabi niya dito lang ako at huwag akong aalis hanggang wala pa siya" sagot ni Wendy sa isang lalaki.

Ibinato ng isang lalaki ang hawak niyang bote malapit kay Wendy.

Pak!

"Ano ka ba? Sino ba yang Wade na yan ha? Kung ayaw mong sumama, bibitbitin ka nalang namin hahaha!"

Hinawakan ng isa lang lalaki si Wendy sa ulo at tangkang susuntukin ito sa tiyan.Tumalon si Wade sa harapan ng lalaking nakahawak sa ulo ni Wendy. Tumumba ang dalawa hanggang pumaibabaw si Wade sa lalaki, sinuntok ito ni Wade sa mukha, dumugo ang ilong ng lalaki.

"Ahhh tulong!"

Hinawakan si Wade ng dalawang lalaki, inialis nila si Wade sa kasamahan nilang nakahiga, sinuntok ng isang lalaki si Wade sa dibdib at ang isa naman ay sinipa ito hanggang sa tumumba si Wade sa daan.

Nagulat si Wendy sa mga nakita niya.

"Wade?"

Itinayo ng dalawang lalaki ang nakahiga nilang kaibigan.

"Hindi ako makakapayag, lintik lang ang walang ganti!"

Itinayo ng isang lalaki si Wade, ang isa naman ay pinuntahan si Wendy, naglabas ng panyo ang lalaki at itinali ito sa bibig ni Wendy.

"Hhuummm!!!!"

"Wendy!"

Gustong tulungan ni Wade si Wendy ngunit malakas ang pagkakahawak sa kaniya ng isang lalaki.

Nakita ni Wade na may binubunot ang lalaking sinuntok niya sa mukha sa may likod nito, laking gulat niya na isang baril ang hawak ng lalaki

"Ang yabang mo ha? tignan natin ang galing mo ngayon"

Nakatingin lang si Wade kay Wendy na natatakot sa kung ano ang mangayayari sa kaniya.

"Tulong!..."

Tinakpan ng lalaking nakahawak kay Wade ang bibig niya upang hindi ito makahingi ng tulong. Habang papalapit ang baril sa ulo niya, hindi na alam ni Wade ang gagawin niya.

"Mamatay na ko!"

Nakadikit na ang baril sa ulo ni Wade, nakangiti ang mga lalaki habang nasasabik sa mga magaganap.

"Mayabang ka hayop ka!"

Kinalabit ng lalaki ang kaniyang baril.

BANG!!!



My Fairy Tale Lover "The Three Wishes" [On Hold]Where stories live. Discover now