Chapter 31

14 1 1
                                    


Napakalamig ng hangin na umihip mula sa napakagandang kalangitan na nababalutan ng mga butuin at maliwanag na buwan.

"Inlove ka sa akin?" ano ang ibig sabihin noon Wade?" tanong ni Wendy habang nakahawak ang kamay niya sa kaliwang dibdib ni Wade.

"Hahaha hindi mo ba alam ang ibig sabihin noon?"

"Ummm hindi!" masayang isinagot ni Wendy habang tumalikod ito at nahihiya kay Wade.

"Kunwari ka pa Wendy hahaha!" natawa si Wade habang namamalipit si Wendy sa kilig nito.

"Ano ang gusto mong kainin? alam kong nagugutom ka na" nakangiting sinabi ni Wade at lumingon si Wendy kumapit sa parehong balikat ni Wade.

"Yung ice cream ko! iyon nalang ha pwede?" sinabi ni Wendy sa harap ni Wade habang nakakapit ito sa balikat.

"Hmmm sandali..."sinilip ni Wade ang kanyang mickey mouse na relo. "7:05pm...okay sige bukas pa siguro ung convinience store diyan lang sa malapit"

Nagtatatalon sa tuwa si Wendy "Yehey ahahaha ice cream!"

"Halika ka na Wendy"

"Hmmm nanghihina ako buhatin mo ulit ako" umupo si Wendy sa daan at umarte itong nanghihina.

Lumapit si Wade kay Wendy "O sige na nga." muling binuhat ni Wade si Wendy "Tara na?" tanong ni Wade kay Wendy na buhat niya.

"Tara na yahoooo!" itinaas ni Wendy ang mga kamay niya sa tuwa at nagtungo ang dalawa sa convinience store.

Nakarating sila Wade at wendy sa convinience store, "Oh Wendy ibababa na kita ha?"

"Okay!"

Ibinaba ni Wade si Wendy at sabay itong pumasok ng convinience store. "Good evening sir and mam tuloy po kayo!" masayang tugon ng Lady Guard na nag open ng pintuan ng convinience store.

Sabay na nakapasok ang dalawa sa loob. "Whooaah!" sigaw ni Wendy ng makita niya ang mga laman ng convinience store "Ang dami nito wah!"

"Ssshhhh wag kang maingay Wendy paano pa kapag nakita mo na ang mga ice cream" binulong ni Wade kay Wendy na namangha ito sa mga nakita niya.

Biscuits, junk foods, candies, peanuts, chocolates at iba't ibang klase ng drinks ang tumambad sa mga mata ni Wendy "Gusto ko silang kainin lahat Wade" sinabi ni Wendy habang pinipisil nito ang isang chocolate bar.

Tumungo si Wade sa freezer "Wendy halika dito bilis" tawag ni Wade at mabilis namang nagtungo si Wendy sa lugar ni Wade.

"Oh silipin mo" itinuro ni Wade ang laman ng freezer.

"SUS MARYOSEEEP WOOOOW!" humiyaw si Wendy sa nakita niya sa loob ng freezer na punong puno ito ng iba't ibang flavors ng ice cream.

"Huy relax ka lang" sinabi naman ni Wade sa nakatulala na si wendy sa harap ng freezer.

Lumapit sa kanila ang isang staff ng convinience store. "Good evening sir may problema po ba?"

"Ahahaha okay lang kami, na excite lang itong kasama ko dahil sa sobrang gutom nito hehehe" nahihiyang sagot ni Wade sa staff.

"Okay po sir, good evening po ulit" umalis na ang staff ng convinience, "Wendy...hoy Wendy.." inaalog na ni Wade ang balikat ni Wendy na nakatulala pa din sa harap ng freezer "ang....daming....ice cream" naglalaway na sinabi ni Wendy.

"Naku dapat pala kumuha nalang ako kanina kesa pinapunta pa kita dito"nagsising sinabi ni Wade sa sarili.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mula sa kaharian malayo sa mundo ng mga mortal, ang kaharian ng Pomona.

"Nilus malayo pa ba tayo?" tanong ni Penelope habang sabay itong naglalakad sa isang mahabang daan na napapalibutan ng mga patay na puno.

"Malapit na tayo Penelope." sagot naman ni Nilus.

"nakakatakot naman dito" nanginginig na sinabi ni penelope habang yakap nito ang sarili niyang mga braso.

"Hindi ba pwede na lumipad nalang tayo?" tanong ni Penelope kay Nilus.

"Hindi maari Penelope, ang lugar na ito ay sakop pa ng kaharian ng pomona ngunit, hindi naman kontrol ng ating mahal na reyna ang lugar na ito kaya maari na mapahamak tayo o maligaw tayo kapag lumipad tayo" sagot ni Nilus.

"Hindi kontrol?..bakit? kaynino ba ang lugar na ito upang hindi ito pwedeng galawin ng ating reyna?"

Napahinto saglit si Nilus upang siguraduhin na tama ang daan na tinatahak nila. "Dito tayo sa kaliwa"

Lumakad sa kaliwa sina Nilus at Penelope. "Penelope ang lugar na ito ay hindi maaring galawin ng ating reyna, sasabihin ko sa iyo ngunit huwag kang maingay sa iba?"

"Okay nangagako ako" sagot ni Penelope at lumapit ito ng bahagya kay Nilus upang mapakinggan ang mga sasabihin nito.

"Ang lugar na ito ay pinamumunuan ng isang fairy."

"Ha? isang fairy? pero bakit dapat katakutan ito ng iba?"

"Penelope ang lugar na ito ay pinamumunuan ng unang fairy na umibig sa mortal, ang kapatid ng ating mahal na reyna"

Napahinto si Penelope sa paglalakad "Kapatid ng ating mahal na reyna?"

My Fairy Tale Lover "The Three Wishes" [On Hold]Where stories live. Discover now