Chapter 3

47 2 1
                                    




"Whoooshhh...Boom!"

Nagising bigla si Wade sa isang ingay na nanggaling mula sa likuran ng puno na pinagtutulugan niya. Tinignan niya ang kaniyang mickey mouse na relo "Ah. 4:23pm na pala! Ang tagal kong nakatulog hindi ko na namalayan."

Kaagad tumayo si Wade at iniayos niya ang kaniyang sarili, pinagpagan ang kaniyang suot na damit na napuno ng dahon na nalaglag mula sa puno. Iniayos din ni Wade ang mga gamit niyang dala mula sa brown na leather slim bag upang siguraduhing kumpleto ang gamit niya bago umuwi,ngunit may isang bagay ang hindi niya makita sa loob ng bag maliban sa nawala niyang wallet, "Yung journal ko, saan ka naman kaya napunta?"

Hinanap niya ang kaniyang journal hanggang sa may napansin siya sa likod ng puno na kinalalagyan niya.

Pinuntahan ito ni Wade at nanlaki bigla ang kaniyang mga mata ng makita niya ang isang babaeng nakahiga, walang malay at may sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan. Dahan dahang nilapitan ni Wade ang babaeng walang malay, pinulsuhan niya ito sa leeg upang kumpirmahin na buhay pa ang babaeng iyon. Tinapik ni Wade sa braso ang babae, "Hello buhay ka pa ba? Gising ayos ka lang ba?"

Ngunit hindi sumasagot ang babae at wala pa din itong malay, pinagmasdan ni Wade ang mukha ng babae, natulala siya dahil kabigha-bighani nitong kagandahan,mestisa ito, mapula ang mga labi, matangos ang ilong at magaganda ang haba ng pilik mata.Hindi maialis ni Wade ang kaniyang mga mata sa babaeng walang malay. Tulala pa din ito, at ng mas lalo pa niyang makita ang mukha ng babae ay inilapit niya ang mukha sa kaakit-akit na mukha ng babaeng walang malay. "Grabe para siyang diyosa, ano kaya ang nangyari sa kaniya?"

Umihip ang malamig na hangin, dumampi ito kay Wade, at nahawi ang buhok ng babae na humarang naman sa mukha nito. Nang hahawiin na ni Wade ang buhok ng babae mula sa kanyang mukha ay bigla na lamang itong nagising "Aaaahhhhh!"

Nagulat si Wade sa hiyaw ng babae na bigla na lamang nagkamalay. Napahiyaw si Wade sa gulat "Waaahhhh!" at sa gulat ay tumumba ito at nauntog ang ulo sa puno "A-aray"

Tinignan ni Wade ang babae, bumangon ito, nagmamasid sa paligid at sabay tumingin sa kaniya, tinignan siya nito ng matagal na parang ngayon lang nakakita ng tao. Kinausap ito ni Wade, "Ayos ka lang? ang dami mong sugat sa katawan, ano bang nangyari sa iyo?"

Ngunit hindi sumasagot ang babae habang nakatingin ito sa kaniya. Umihip ang malamig na hangin at dito na nagsalita ang babae, "Nasaan ako?, ito na ba ang mundo ng mga mortal?"

Nagtaka si Wade sa itinanong ng babae, "Mundo ng mga mortal? palagay ko nakainom ang babaeng ito."

Nagmasid muli ang babae habang tumatayo si Wade at hinihimas ang kaniyang ulo dahil sa sakit ng pagkakauntog nito sa puno, muling nagtanong si Wade,"Ano bang nangyari sa iyo?, kung gusto mo tutulungan na kitang makauwi sa inyo?"

"Ito na ba ang mundo ng mga mortal?"

Napakamot na lamang si Wade sa ka-weirduhan ng babae, sinakyan na lamang niya kung ano man ang tanong ng babae sa kaniya, "Ahh eh. Oo ito na nga ang mundo ng mga mortal"

Parang nabuhay ang dugo ng babae ng marinig niya ang sagot mula kay Wade na siya ay ligtas na nakarating sa mundo ng mga mortal. Tumayo ito ng masigla na parang walang nangyari. Pinagpagan niya ang dumi na dumikit sa kaniya mula sa pagkakahiga niya at sabay tingin kay Wade at ngumiti ng matagal sa kaniya. Nagtaka ng husto si Wade kung lasing pa din ba ang babaeng ito dahil nakangiti pa din ito sa kaniya ng matagal, "Ahhmm, palagay ko ihahatid na kita pauwi sa inyo."

Ngunit hindi sumasagot ang babae sa kaniyang tanong sa halip nakatingin pa din sa kaniya at nakangiti lamang. Napapaisip si Wade kung ano na nga ba ang gagawin niya, iwanan nalang ba niya ang babae dito o tulungan niya ito at maihatid din kung saan man nakatira ang babae. Habang nag iisip si Wade kung ano ang gagawin niya ay bigla na lang nagsalita ang babae. "Ako nga pala si Wendy, mula ako sa kaharian ng Pomona, at isa akong diwata"

Napanganga si Wade sa isinagot ng babae sa kaniya at nakapagpasya na si Wade, "Uuwi na lang ako, ang lakas ng tama nitong babaeng ito"

Tumalikod na lamang si Wade at sabay naglakad palabas ng bakanteng lote, habang naglalakad si Wade pauwi sa kanila ay nilingon niya ang kaniyang likod at nakita niya na nakasunod sa kaniya si Wendy na nakangiti at patalon talon pa na parang batang naibili ng bagong laruan, ng lumiko na si Wade sa kanto, ilang metro na lamang ang lapit mula sa kanilang bahay ay huminto siya at nilingon si Wendy na nakasunod sa kaniya. Nakangiti pa din ito na parang hindi nangangawit ang panga.

"Teka lang" sabay huminto si Wendy.

Nakangiti pa din ito at nakatingin sa kaniya. Huminga ng malalim si Wade habang inihahanda ang sarili sa mga sasabihin kay Wendy. Ngunit ng magsasalita na si Wade ay nagtaka siya na bakit wala na ang mga sugat ni Wendy sa katawan,"Kanina lang may mga sugat ka anong nangya..."

"Isa nga akong diwata, may kakayahan kami na pagalingin ang sarili naming mga sugat sa maikling oras lamang"

Lalong sumakit ang ulo ni Wade sa tuwing naririnig niya ang mga kakaibang isinasagot sa kaniya ni Wendy.

"Ano ba talaga ang nangyari sa iyo? Eto kanina lang nakita kitang nakahiga doon sa likod ng puno sa may bakanteng lote, napakadami mong sugat, tapos tinatapik kita kung buhay ka pa, maya maya lang ay humiyaw ka na at nagsasabi ka pa ng mga kakaibang mga bagay na Pomona at diwata, nakainom ka ba?"

Nakangiti pa din si Wendy kay Wade, habang hinihintay ni Wade ang sagot mula kay Wendy, "Hindi ka ba naniniwala sa mga diwata?"

"Ha? Diwata? Anong kalokohan iyan?"

"Alam ko ang mundo ng mga mortal at naniniwala sa mga diwata, ang iba pa nga ay ginagawan ito ng kwento at ipinapasa sa iba"

"Nakainom ka nga, diwata o fairy, kwentong pasa pasahan lamang iyan upang mapalawak ang imahinasyon ng mga tao, pero hindi sila tunay"

Nakangiti pa din si Wendy kahit hindi kumbinsido si Wade sa mga sinasabi ni Wendy.

"Gusto mo bang patunayan ko sa iyo?"

"Na ano?"

"Na totoo kami?"

"Totoong alin?"

"Kaming mga diwata o fairy kung tawagin ninyo?"

Tinignan ni Wade si Wendy ng matagal at muli, sinakyan niya ang kalokohan ni Wendy.

"Okay sige patunayan mo"

Pumikit si Wendy at itinaas niya ang kaniyang mga kamay na parang iwinawagayway sa hangin, lumakas ang ihip ng hangin at maya ay lumutang na lamang si Wendy sa ere.

"Ano naniniwala ka na?"

Natulala at namutla si Wade sa nakita niya, hindi na makapagsalita si Wade sa natunghayan niya at bigla na lamang siyang hinimatay.

Ps. Ang "Mortal" ay nangangahulugang "Tao"

My Fairy Tale Lover "The Three Wishes" [On Hold]Where stories live. Discover now