....
SL 2:
Miguel
"Are you sure iha?" hindi makapaniwala ang kanyang ama sa kanyang pinagtapat. Alam ni Miguel na hati ang damdamin nito sa kanyang sinabi. She confessed that she wanted to enter the military. Pinaliwanag niya na hindi sa kanyang henerasyon matatapos ang dugo ng sundalo sa kanyang pamilya. Feeling niya tuloy siya si Vice Ganda doon sa movie nito na Praybet Benjamin, she googled that movie since Phytos kept on teasing her. Ang kaibahan nga lamang nila ni Vice, tutol ito sa ideya, samantalang siya gusto niyang maging sundalo. Hindi lamang mapapasaya ng desisyon na ito ang kanyang ama , kung hindi para na rin naman sa kanyang sarili. Patutunayan niya na hindi kakulangan ang kanyang pagiging babae. Ang lalaki dapat na kanyang panganay na kapatid ay namatay sa isang sakita, isang linggo pa lamang mula ng ito'y ipinapanganak. Sobrang kalungkutan ang nadama ng kanyang buong pamilya dahil doon. Limang taon ba bago siya dumating sa buhay ng kanyang mga magulang, yun nga lamang babae siya.
Hindi naman pinaparamdam siya kanya na mayroon siyang pagkukulang, pero kapag naririnig niya ang kwentuhan ng kanyang mga angkan habang pinagmamalaki ang kanyang mga pinsan na papasok din sa army ay hindi niya maiwasang malungkot para sa kanyang daddy. Tahimik ito at walang maipagmalaki.
Minsan nga niloko niya ang kanyang daddy kung may kapatid siya sa labas lalo na lalaki, sinabi niya na hindi naman siya magagalit kung ganoon man. She love her parents so much. Pero sa halip nagalit ito sa kanya at pinagdududahan niya daw ang pagmamahal nito sa kanyang mommy.
She never doubted that at first but she started to, she was just a kid then hearing a lot of stories from broken families straight from her classmates mouth. Saan -saan kasi napupunta ang kanyang ama para ma-assign, kagaya ng kaklase niya rin na may sundalo na ama. She confessed that her mother had two kabit. Hindi lang isa kung hindi dalawa, her classmate confessed that she often heard her parents fought that left her motehr crying inside her parents room.
Takot si Miguel na dumating sa punto na yun kaya naman tinanong niya mismo ang kanyang ama. Her mother loves her father so much, ang pangalan niya na Miguel ay dapat sa kanyang kuya, yet it was the same name given to her. Parang dalawang bata sa isang tao. She didn't mind it actually. She loves her name, she loves her older brother wherever he is. Too bad he is not around, nakikita niya pa naman na magkakaroon sila ng magandang sibling relationship. Sayang.
"I am more than sure dad. I will finished my IT course first , tapos magpapa enlist ako."
"Alam na ba ng mommy mo ang plano mo?" mabilis siyang umiling.
"No. Ikaw po ang unang nakakaalam, aside from my friends of course, but they thought I was joking , definitely not." Napahilot ang kanyang ama sa sentido nito. Marahil kita nito ang kaseryosohan sa kanyang mga mata at ang katotohanan na aayawan iyon ng kanyang mommy.
"Your mother will not like this." Her father hissed. She's seventeen now and she needs to have a solid plans for her future.
"You will help me right?" sumilay na ang ngiti sa kanyang labi, lumapit na siya sa kanyang ama at mimamasahe ang sumasakit na ulo nito na siya ang dahilan.
"You're mother will hate me. Aakalain niya na pinilit kita na sumuong sa panganib."
"Dad, desisyon ko to..saka may five years pa naman, hindi pa naman ako magsusundalo agad agad. Sinasabi ko lamang ang plano ko as early as now para hindi kayo mabigla.
Sa ganoong tagpo pumasok ang kanyang mommy. The woman gave them a questioning look. Alam na alam na may niluluto silang bagay na hindi nito magugustuhan.
BINABASA MO ANG
Sonic Love
RomanceSome people are stuck in an unrequited love, some are in a painful point of a love triangle, While some are running around inside a messy love square...