EPILOGUE

11.7K 343 32
                                    


      A/N:  SALAMAT SA PAGBABASA :)

                                               EPILOGUE: an end to begin with



St. Anne Church

Phytos

Malaking ngiti agad ang nakahanda sa kanyang labi pag-kakita sa kanyang pinakapaboritong bata sa buong mundo, iyon nga lamang hindi niya maiwasang medyo mainis sa kasama nito.

"Sielle, si ninong Phytos, bless ka."

"Bless po ninong." Inabot niya naman ang kanyang kamay sa magandang bata na nasa kanyang harapan. Sobrang cute nito sa suot na light blue na dress, naka blue rin na headband at kahit pa bungi ang isa nitong ngipin sa harapan ay hindi mababawasan ang ka-cute tan nito.

"Huwag kang maniniwala diyan sa loka mong mommy." Bulong niya sa tainga ng bata, tikom ang bibig nito at tatawa- tawang umiling sa kanya. Bakit kasi sa dami pa ng mamanahin, iyong toyo pa sa utak ng nanay nito?

Buhay nga naman talaga.

"Sielle?" he said with a warning tone, kiniliti niya ito kaya natawa ng malakas. Tawa lamang nito napapawi ang kanyang pagod. He came directly from the airport, lagot siya sa mag-asawa kapag hindi siya nakarating sa binyag ng pangalawang anak ng mga ito, ninong pa rin siya. Lagi na lamang siyang ninong, kaya itong sarili niyang anak, ninong din ang tawag sa kanya. Kasalanan talaga ng mommy nito, ang tigas ng puso kahit araw-araw naman niyang pinagsisihan lahat ng kagaguhang nagawa niya noon.

Hindi naman niya sinasadya na talikuran ang dalawa, hindi rin niya sinasadya na sabihin ang mga bagay na nakasakit kay SM noon, tao lamang siya at nabulag sa matagal na pagmamahal na akala niyang mayroon pa. Pero, matagal na palang napalitan si Aki sa puso niya. Kaya ng malaman ng magulang niya ang mga nagawa niya kay SM at sa pagtalikod niya sa responsibilidad, nakatikim siya ng matindi, lalo na sa kamay ng kanyang daddy.

Pero mas matindi pala ang harapin ang magulang ni SM, nakilala niya ang pinakanakakatakot na tao sa mundo, isang taon na hindi niya nakita ang kanyang anak. Sa picture lamang at videos na pinapakita ng mga kamag-anak niya sa kanya, ilang beses na rin siyang napasok sa kulungan at naghimas ng rehas dahil sa kagustuhan niyang makita ang kanyaang mag-ina. Ang kapal kasi ng kanyang mukha.

Awa ng Diyos, nalamapasan niya rin ang malulungkot na panahon na iyon ng kanyang buhay. Heto siya ngayon, sumusubok muli, pinapatunayang nagbago na siya.

"Tawagin mo na ako sa ayaw ipatawag ng mommy mo sa akin, marami kang gift doon sa car." Suhol niya pa rin sa anak.

"Really ninong?" Napangiwi na naman siya. Bakit kasi naman ng kanyang anak ang kalokohan ng mommy nito? Iba talaga kapag doon lumaki at hindi sa kanya.

"Sielle, baba ka na sa ninong mo. Come here." Nagpababa si Sielle sa kanya ay lumapit kay SM, nandoon na naman ang mapang-asar nitong mukha. Libangan na talaga nito ang asarin siya, magkakasakit yata ito kapag hindi sya nabiwist. Anim na taon na ang nakalipas pero malalim pa rin ang galit nito.

"May regalo ka rin kahit inaaway mo ako." Nakapamulsa siyang lumapit dito.

"Hindi naman ako nagpabili ah. Gumastos ka pa." SM smirk, alam naman nito na kahit hindi ito magpabili gagastos pa rin siya. Para saan pa at nagtatrabaho siya ng mahusay kung hindi para sa mga ito.

"Mommy, nagulo ang headband ko." Reklamo ng kanyang anak.

"Okay, aayusin ko." Umupo si SM para mapantayan ang anak, saka lamang niya napansin na parehas ang suot ng dalawa, parehas sa kulay , design at suot na sapatos. Malayo sa dating SM na halos jeans lagi ang suot. Kinuha niya ang phone sa kanyang bulsa para kuhanan ang dalawa.

Sonic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon