3/18/2018
...
SL 14:
Hyne
She travelled.
When things went bad and hazy, she always finds a way to escape. She always believes that she needs to clear her mind first. Dapat kasi okay lamang siya, pero habang nasa malayo ay hindi naman mawala sa isip niya si Rojan.
Hindi siya sapat kalimutan nito. Na-realize niya kung gaano siya katanga, hindi lamang pala tanga na stage one, umabot sa stage four ang kanyang pagiging tanga. She's old enough but not that old to realize her own feelings. And now that it slipped from her hold, she badly wants it back, kaya ang anim na buwan sanang pagkawala ay bumaba sa isang buwan mahigit. Siya ngayon ang manunuyo, she will do everything to win him back, bahala na si SM. She gave her time, pero kung sa huli ito ang piliin ni Rojan, she will be sport enough to give way. It's her fucking fault in the first place.
"Glad you're back." Bati sa kanya ng kanyang ate Ran, dala nya kasi ang mga pasalubong niya kay Precious.
"Thanks ate, si kuya?" it was Sunday so she was looking for her pamangkin, pero since matanda naman ang edad nito, nagpractice siya na tawagin na lamang itong kuya.
"Nandoon sila sa entertainment room ni Precious." Nakangiting sabi nito. Masaya niyang nilalabas ang kanyang mga pasalubong nang mapansin niya ang kakaibang tingin ng babaeng kaharap.
"Why? May dumi ba ako sa mukha?" she asked troubled.
"Wala naman, I just guessed they contacted you, to be their maid of honor perhaps." She's confuse, wala namang tumatawag sa kanya.
"Wala naman ate, bakit sinong ikakasal?" excited niyang tanong, being someone's maid of honor is a big pleasure.
"Well, SM and Rojan, kakagulat nga rin but they will get married a month from now. It's time for him to settle down too, don't you think." Hinihingi pa nito ang kanyang opinyon. It was a big blow to her that's why she can't answer instantly. Blame her for preventing herself from hearing news when she's away. Hindi niya inaasahan na may ganitong ganap sa kanyang pagbabalik.
"How, I mean how did it happened?" she stuttered while throwing curious questions. Nagkibik balikat naman ang kanyang ate Ran.
"Well, according to mom and dad, SM pregnant that's why they're rushing the wedding. Nag-usap na rin sila at nagkasundo. Both parties agreed."
"Really, alam na ba ni Phytos?" pumasok agad sa isipan niya ang isa nilang kaibigan, he needs know too.
"Nasa galaan din yata, but he should know, after all he will be Rojan's best man." Napangiti pa ito sa kanya, napatingin ito sa pinto. "Speaking of." Siya din ay napalingon, pumasok doon si Rojan na may dalang paper bag.
"What's that?" tumayo si Ran para salubungin ang kapatid.
"Mom's caldereta, hatiran ko daw kayo."
"Thanks, Hyne's here. I told her about your wedding." Balita nito sa kapatid. Napabaling naman ang atensyon ni Rojan sa kanya, he smile at her.
"That's good. Buti bumalik ka na, our close friends needs to witness our wedding." Masayang balita nito sa kanya, pero hindi niya magawang maging masaya sa kasiyahan nito. pilit niyang binabasa ang mata nito, sigurado na ba ito? Mahal ba talaga nito si SM? And how did it happened na nabuntis nito si SM? How old is the baby in SM's womb? She needs to know. This can't be!
"I'll go ahead ate, may ihahatid din ako kay SM." Paalam nito sa kapatid.
"Stay for a while, dito ka na mag lunch." Yaya ng ate nito.
"I can't alam mong buntis yung isa. She needs to see me always para ako ang mapaglihian." Natatawang excuse nito.
"Whatever, ganyan din ako kay Yuan. Sige ingat ka." Nagpaalam din sa kanya si Rojan, she get her bad and excuse herself from Ran.
"I'll go ahead."
"Hindi mo na hihintayin si Precious and Yuan?" nagtatakang sabi nito.
"Hindi na, may pupuntahan pa pala ako." Hindi niya na hinintay na sumagot ito. Nakalabas na sa gate ang sasakyan ni Rojan, mabilis siyang sumakay sa kanyang kotse para maabutan ito. She wants to talk to him. Nararamdaman niya ang pag-iwas nito kahit ngumingiti ito sa kanya. Binusinahan niya ito ng paulit-ulit, kaya lamang ay hindi ito tumitigil, kaya naman binilisan niya ang patakbo para mapunta sa harapan nito ang kanyang kotse. Hinarang niya ang kotse sa daan nito para mawalan ito ng choice kung hindi ang huminto.
Ang lakas kanyang kaba dahil sa totoo lamang sobrang delikado ng kanyang ginawa, ilang sandali pa ay lumalapit na ang galit na si Rojan, kinatok nito ang kanyang bintana. Huminga muna siya ng malalim, tinanggal ang kanyang seatbelt bago lumabas.
"Are you insane? Magpapakamatay ka ba?" he was boiling with anger.
"Ayaw mong tumigil. Binubusinahan kita, hindi mo narinig?" she asked back.
Tumingin ito sa paligid, he sighed deeply before he turn his back at her. Hinablot niya ang braso nito.
"What do you want?" pagalit na sabi nito. She's right, peke ang ngiti na binigay nito sa kanya. Does it mean he's still not yet over her?
"Mag-usap tayo."
"Wala naman tayong pag-uusapan." He's as cold as ice, pero sino nga ba ang dahilan? Walang ibang dapat sisihin kung hindi siya. "Someone's waiting for me, mauuna na ako and don't pull that stunt again. O kung gusto mong magpakamatay, huwag mo akong idamay." Sabi nito saka tuluyang tumalikod.
Pero hindi pa siya tapos.
Nag-uusap pa sila kaya naman sinabi niya ang bagay na magpapahinto dito.
"You can't father someone else child." Hindi nya siya nagkamali, napatigil ito sa pagsakay sa nakabukas na kotse. Akala niya matatakot at mababahala ito, pero siya pa ang mas kinilabutan sa sarkastikong pagngiti nito sa kanya.
"Why can't I? It's my choice and I'm starting to like the idea of creating a family with SM. Don't worry you will still be her maid of honor. No one will take that spot, dahil hanggang doon ka na lang sa akin. You'll just be the maid of honor of my bride."
And then he left. Napapahid na lamang siya sa kanyang luha na di niya namalayang tumutulo na pala.
"It's all right. It's your fault, you're stupid and coward. You must pay the price but it's not too late." She told herself.
She went to her car. She took out her phone. She needs to know the location of SM's baby's real father. Kailangan niyang mapauwi ito.

BINABASA MO ANG
Sonic Love
RomansaSome people are stuck in an unrequited love, some are in a painful point of a love triangle, While some are running around inside a messy love square...