SL 18:

4.8K 259 18
                                    

4/15/2018

...


SL 18:

Rojan

"Umalis na po siya sir Rojan." Tumango siya sa guard matapos marinig ang sinabi nito. Hindi naman siya pumasok agad, he waited in their front door. Nang makumpirma na umalis na si Hyne ay saka siya pumasok sa loob. Papaakyat siya sa hagdanan ng makasalubong niya ang kanilang mommy.

"Hi honey." Humalik sya sa pisngi nito, nakangisi ito. "Bakit?"

"What happened? Ang tagal na simula ng tinawag mo ako sa ganyang eandearment." It just slipped, noong mga bata sila honey ang tawag nila sa kanilang mommy, nagaya lamang siya sa kanyang kuya Ren, pero mula ng mag-asawa ito ay natigil na.

"Wala lang." nagkibit lamang siya ng balikat.

"Okay. By the way, how's SM? Okay lang ba ang pagbubuntis niya?"

"She's good and the baby." Masayang balita niya dito.

"That's good to hear, dapat alagaan mo ang mag-ina mo, I know you can do it. Nandito naman kami." Napaka –genuine ng ngiti ng kanyang mommy, wala na siyang kilala na mas mabait pa dito, hindi niya alam kung bakit hindi man lang iyon namana ng kanilang masungit na ate at sutil a bunso. Their mother is one of a kind, kaya naman bantay sarado ang daddy nila dito. Kahit naman kasi nagkakaedad na ay maganda pa rin.

"I know mom, thanks a lot." Kahit may parte sa sarili niya ang nakukunsensya dahil nagsisinungaling siya sa kaniyang pamilya. Hindi naman kasi siya ang ama, kung hindi si Phytos, pero hindi siya nagsisisi na inako niya ang responisibilidad nito. Kagaya nga ng sinabi niya, hindi naman mahirap mahalin si SM, nagkataon lamang na una niyang nakilala si Hyne kaya mas lamang ito.

It was the first date of his ate Ran and Yuan, sinama sila bilang chaperon, he was dressed as detective Conan, weeks after, Hyne gave him Conan action figures, hanggang ngayon nakatabi pa iyon. Naalala niya pa ang sinabi nito na cute daw kaya pinabili nito sa magulang nito.

It created a big impact on him.

"Sige na magpahinga ka na." tumango na lamang siya at tumungo sa kanyang kwarto, inalis niya ang kanyang phone sa kanyang bulsa, nakita niya ang ilang mensahe doon mula kay Hyne. He read her messages, isa lang naman ang sinasabi nito.

Please give me a chance.

"Sir Rojan, nandito po si sir Phytos sa baba." Nagpupunas siya ng kanyang buhok, he just came out from the bathroom.

"Sige bababa na ako." Hindi niya inaasahan ang pagbisita ni Phytos, usually kasi ay nagtetext muna ito o tatawag. Pagkababa niya ay kaharap nito ang kanyang mga magulang sa living room, napakunot ang kanyang noo lalo na ng seryosong bumaling sa kanya ang kanyang daddy. Sinabi na ba nito?

"Rojan." Si Phytos.

"Bakit ka nandito?" he didn't mind sounding rude in front of his parents, kung tutuusin never pa man silang nag-away ni Phytos, lagi silang magkasundo, baka ngayon ang una.

"May away ba kayong dalawa?" it was his dad.

"Tanong nyo po sa kanya." Turo sa kanya ni Phytos, hindi niya tinignan ang kanyang mga magulang ang kanyang mga mata ay nakadirekta kay Phytos, nakangisi ito sa kanya.

"Let's talk outside." Yaya nya dito, bago pa man makaalis ay binilinan pa sila ng kanyang daddy.

"Settle your misunderstanding or whatever that is. Hindi na kayo mga bata, kung kailan kayo tumanda saka kayo mag-aaway."

"Jett, let them be. " nakangiti naman ang kaniyang mommy sa kanila. "Don't kill each other boys." His mother sweetly warned them.

"Of course not tita, no blood will shed mahal na mahal ko kaya si Rojan." He rolled his eyes, nauna kasi siyang naglalakad papunta sa garden, nakasunod naman ito sa kanya.

"What is it?" tanong niya kahit alam naman niya kung ano ang pag-uusapan nila.

"I almost tell them about your lies." sabi nito.

"Bakit hindi mo ginawa? Takot ka rin diba?" hamon niya.

"Rojan let's not argue about this, huwag na nating palakihin pa. Hindi mo kailangang angkinin ang anak ko." Matigas na sinabi nito.

"Hindi ko inaangkin ang anak mo, I'm just taking the responsibility. Aalagaan ko si SM, since anak niya iyon, kasama na iyon. It's a package deal."

"Shut up Rojan, I've heard that line somewhere. Sa tingin mo papayag ako na makuha mo ang anak ko? Ang lukang si SM, kukunin ba naman daw akong ninong?" gusto niyang matawa sa narinig, pero dahil seryoso ang kanilang usapan, hindi niya magawa.

"If she wants to, okay lang sa akin." He cross his arms.

"Baliw ka ba? Bakit ako papayag na maging ninong lang ng sarili kong anak? I will claim my position!" diin nito.

"As a father? But not as SM husband right?" natigilan ito. "Bakit ka bumalik? Hindi ba may Aki ka na? Diba dapat masaya ka na kasi iyan ang pangarap mo diba? Nagkatotoo na, she's single and so are you, so bakit kailangan mo pang guluhin si SM?" totoo naman, natigil ito sa kanyang sinabi, alam naman kasi niya ang nangyayari dito. Hindi naman siya tanga at bulag.

"Aki can accept my child, in fact she's willing to take the child with us."

"You know what Phytos, gago ka, isa kang malaking gago!" he wants to punch him real hard but Phytos promised to his mother that they will just talk. No blood, kung hindi sana nangako ang ulol. "Paano mo naisip na gawin iyan kay SM?"

"I just thought , so that she can start her life again, tutal magpapakasal naman kami ni Aki." Pero gusto niya talagang makaisa, lumingon siya sa bahay, hindi niya naman natatanaw ang kanyang mga magulang kaya naman sinuntok niya sa mukha si Phytos. Nasapo nito ang kanang pisngi.

"What the hell!"

"Para yan kay SM dahil napakalaking gago mo! You don't deserve her or your baby."

"Okay maybe I deserve that, hindi kita lalabanan dahil nahihiya pa rin ako kay tita." Dumura ito saka muling tumingin sa kanya." Pero hindi ikaw ang magdedesisyon niya, si SM pa rin."

"Hindi na kailangan, alam kong parehas kami ng iniisip, kaya ka nandito dahil hindi mo siya nakumbinsi. The wedding will go as plan, you can go with your life, be with Aki, tutal iyan naman ang gusto mo diba. Let me take the responsibility that you will left behind."

"Paano si Hyne? Hindi ba siya naman ang gusto mo? Hindi ba't ginagamit mo rin si SM para kalimutan siya."

"Wala na kami. Tinapos ko na. Nasagot na ba kita?"

"Pero sa kanya hindi pa tapos, siya ang nagsabi sa akin na bumalik. The woman wants you back, ngayong siya na ang humabol sa'yo diba dapat masaya ka na rin? Leave my SM alone."

"There you go again. Hindi ko alam kung sinadsadya mo or ano. Sometimes you act as if you own her but you say and act otherwise. Ano ka ba talaga? Sort your own feelings dahil mukhang confuse ka rin. O baka lang akala mo si Aki pa rin ang gusto mo? Let me asked you again, bakit mo kami sinundan ni SM noong gabing iyon?" natigilan ito.

"Were you just curious or you're just fucking jealous." Nasamid ito sa kanyang sinabi, natanong niya ang isang bagay na mukhang hindi rin napapag-isipan nito. Gago nga kasi, siraulo pa.

"Bumalik ka sa akin kapag napag-isipan mo na." Sabi niya bago ito iniwan, alam naman nito ang daan palabas.

Sonic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon