...
SL 4:
Rojan
"Really? May boyfriend na ako? Hindi ko yata alam iyon." Naisip niya tuloy kung pinaglalaruan siya nito. Malinaw na sabi iyon ng asawa ng kanyang ate Ran, sinagot na daw ni Hyne si Patrick. Mukha naman itong nagsasabi ng totoo, she never mention that she likes Patrick or anything. Hindi naman din kasi iyon gwapo at saka mukhang nagpapanggap lamang ang pagiging mabait. Hindi sila bagay ni Hyne.
"I better go, bawal third wheel sa date ninyo ng girlfriend mo." Is she jealous, he just hopes that she is? That's that reaction that he wanted.
Tumingin ito sa relo saka akmang tatayo, bago pa man makaalis ay nahablot niya na ang braso nito, she can't leave just like that.
"I'll end my relationship immediately." Napakunot ang noo nito, mukhang hindi yata naintindihan ang sinabi niya. "The moment Elizabeth return, makikipag break na ako sa kanya,date me instead." Nakaawang pa rin ang bibig nito, dumating na nga si Elizabeth , mukhang masaya pa ito pero sorry na lamang, nainis lamang talaga siya kaya naman ginawa niya itong girlfriend, iyon lamang talaga ang kanyang dahilan.
"Rojan." Kunot ang noo ng kanyang soon to be ex- girlfriend nang makitang nakahawak siya sa braso ni Hyne.
"Let's end our relationship Elizabeth." Bumaling siya kay Elizabeth para sabihin iyon, ni walang bakas ng pagsisisi o simpatya sa kanyang boses.
"Why? Kakasagot ko lamang sa'yo, bakit tayo maghihiwalay na agad?" saka naman ito bumaling kay Hyne." Dahil ba sa kanya? Sandali lamang akong nawala, nilandi ka na niya!" dinuro pa nito si Hyne, si Hyne naman ay halata na ang iritasyon, pero iba rin magalit ito, saksi rin siya sa kamalditahan nito.
"Elizabeth, tapos na tayo, it's that hard to understand, I know I'm handsome and all but you're really not my type, si Hyne talaga ang gusto ko." Nilingon niya pa si Hyne para kindatan. That action pissed Elizabeth more.
"You know what Rojan? Nababaliw ka na." tinapunan lamang siya ni Hyne ng masamang tingin saka inirapan ang kanyang nagwawalang ex bago umalis. Hinayaan niya na ito baka ano pa ang magawa nito sa babaeng katabi. He paid their bill, he told Elizabeth that he will never see her again, kahit na hindi ito naniniwala sa kanyang sinabi na tapos na sila.
---
Phytos
"Hoy, teka lang." tawag niya kay SM, napakabilis kasi maglakad, inis na inis ito dahil may girlfriend na si Rojan, dahil sa sobrang inis nito, mas natutukso pa tuloy siyang inisin ito. Nakakaloko lamang talaga dahil enjoy na enjoy siya sa kamiserablehan nito.
"Bakit mo ba ako sinusundan?" reklamo nito sa kanya, umuusok ang ilong sa galit, sama ng loob at selos.
He just can't help it. Ang cute din kasi ni SM kapag ganito ang histura.
"Baka magpasagasa ka kasi sa sasakyan, aba masakit iyon." sagot niya dito.
"Letse na Rojan yan, ano bang meron sa babae na iyon na wala sa akin? Pangit ba ako Phytos?" himutok nito, walang pakealam kahit nasa daan sila at pinagtitinginan ng mga tao. Ganito talaga si SM, hindi yata marunong ma-concious sa sarili.
"Buti alam mong pangit ka." Sa sinabi niyang iyon ay nakatikim siya ng sipa sa tuhod, masakit, napayuko siya sa sakit, ang kasama niya naman ay naupo at nag-iiyak. Imbes na maawa ay natatawa siya dito. Hinihimas niya ang ulo nito habang sinasabi na magiging okay lamang ang lahat, pero kasabay noon ang pagpipigil niya sa kanyang tawa.
Okay lamang na heartbroken si SM , basta ang mahalaga kasama niya ito ngayon, mayroon siyang laruan na magpapagaan sa kanyang pakiramdam, kapag kasama niya si SM, nakakalimutan niya ang kanyang first love at kung gaano kasakit ang sugat na dinulot niyon.
Malungkot kasi isipan na akala mo pwede na kayo, asang-asa kana dahil parehas kayo ng nararamdaman, pero sa huli iba pa rin pala ang pipiliin, mas mahalaga pa rin pala ang sasabihin ng iba. Mas iniintindi nito ang edad na naghihiwalay sa kanilang dalawa. Para sa taong iyon, isa lamang siyang bata, hindi siya nito pinaniniwalaan na kaya niyang gawin lahat para dito.
"Tumahan ka na." haplos niya pa rin ang buhok ni SM, tumingala ito sa kanya, mugtong mugto ang mga mata nito, ang luha ay tumutulo sa magkabilang pisngi. Hinawakan niya iyon para pahirin.
"Kukulamin ko yung pekpek noong girlfriend niya para mabaho para iwan siya ni Rojan." Banta pa nito.
"Oo na pakulam na natin, sama na rin natin yung kay Rojan." Sulsol niya pa dito.
"Huwag kay Rojan, mahal ko pa rin ang baliw na iyon." sagot nito bago pahirin ng dalawang kamay ang mukha, matapos kumalma ay tumayo na ito. Doon na nakaramdam ng hiya ng makitang pinagtitinginan sila. Napayuko tuloy ito habang nakatakip ang mga kamay sa mukha. Mabilis itong naglalakad, napatakbo tuloy siya para sundan ito.
"Bakit ka nagmamadali?" nakakaloko niyang tanong dito.
"Shocks! Nakakahiya I made a scene." Natatawa na lamang siyang umakbay dito, sa una ay siniko siya nito pero sa huli ay hinayaan lamang siya nitong naka-akbay sa kanya.
Panandalian lamang pala ang saya na iyon, ilang oras kasi ay tumawag si Rojan, nag- break na raw sila ni Elizabeth. Hindi niya alam kung ano ang drama ni Rojan sa buhay, pwede namang hanggang landian lamang pero nagpapaasa pa ng mga babae, pero nalinawan na rin siya noong mag-usap sila kinagabihan, nagkita sila sa kanilang paboritong tambayan, kasama ang ibang mga kaibigan nila.
"I really like Hyne." Lumingon ito sa kanya." Hindi mo naman siya gusto diba?" dugtong nito, saan naman nito nakuha ang ideya na iyon? Dahil ba sa may mahal siyang matanda rin sa kanya ang edad?
"Hindi syempre, sa 'yo siya kung ganoon." Ayaw niyang maging hidwaan nila ang isang babae. Hindi sila darating sa ganoong punto.
"Good." Mabuti naman at si Hyne ang gusto nito, wala itong gusto sa kanyang pet. Lihim siyang napatawa doon. Pero kahit sinabi na ni Rojan na gusto nito si Hyne, hindi pa rin naman ito nagbago sa pagiging babaero.
Kinabukasan ay Biyernes santo pa rin si SM, kasama niya kasi ito manood ng sine, hindi kasi libre si Rojan dahil may family gathering ito kaya si SM ang hinila niya para sa isang movie date. Para namang ganahan ay nilibre niya ito maging sa arcade, nakakatuwa dahil nasasabayan nito ang kanyang pagiging isip bata, namimiss niya ang ate Phin niya na nag-aaral sa ibang bansa, pero kapag kasama niya si SM natutuwa rin siya. Siguro isang bagay din iyon kung bakit masaya siya sa presensya nito.
Isa iyon sa mga masasayang ala-ala nila ni SM, kaya naman noon pumasok ito sa army para tuparin ang gusto nito na maging sundalo ay nalungkot siya.Mahirap mawalan ng isang kaibigan na tinuturing mo rin na isang alaga, na nagbibigay ng aliw sa iyon sa pamamagitan ng pang-aalaska. Isinantabi muna ni SM ang unang kurso nito, ang ama kasi nito ay isang sundalo, nasa angkan na nila ang sundalo. Naging babae nga lamang siya ng ipanganak, para hindi mabigo ang kanyang ama ay ginusto nito na maging sundalo. Siya pa ang naggupit ng siyete sa buhok nito, pero katakot takot na away muna ang nangyari sa kanila bago ito pumayag na magpagupit sa kanya, paano raw ay wala itong tiwala sa kanya. Pero sa bandang huli, nagkasundo sila sa isang kondisyon, babantayan niya raw si Rojan. Napailing na lamang siya, malaki na ang gago bakit kailangan niyang i-babay sit?
Pero para mapakalma ang kanyang pet ay sumang-ayon na siya, kapalit naman noon ay gugupitan niya ito.
Pero si Phytos nga naman talaga siya...hindi makukuntento kung hindi maasar si SM sa kanya, kaya imbes na gawing syete ang gupit, ginawa niyang numero otso.
Kaya wala itong choice kung hindi magpakalbo.
Kaya mula noon, nag-iingat na siya kapag nagkikita sila nito. Baka mapatay kasi siya, sayang naman ang lahi ng kanilang pamilya, pero tama na rin iyon, para walang maka-agaw rito habang nasa training.
BINABASA MO ANG
Sonic Love
RomanceSome people are stuck in an unrequited love, some are in a painful point of a love triangle, While some are running around inside a messy love square...