SL 8:

4.4K 233 16
                                    

HAPPY NEW YEAR!

...

SL 8:

Hyne

She felt lucky that she met Phytos inside the mall, may bibilhin lamang siyang accessories saka naman siya mag-gogrocery. Hindi niya akalain na nadoon din si Phytos, ang nakakatuwa dito ay niyaya siya nito, nang sinabi niya na dadaan pa siya sa grocery ay nag volunteer pa ito na sumama.

But her happiness only lasted for an hour, nagdesisyon silang kumain sa pizza parlor, akala niya silang dalawa lamang pero nakita niyang dumarating si Rojan kasama ang triplets na anak ng kuya Ren nito. She wouldn't mind being with those kids, ang ikanaiilang niya ay ang presence ni Rojan. Buhat nang dumating ito ay masama na ang tingin nito sa kanya, like she did a non bail able crime. Napaka judgmental nito kung makatingin. Parang plinano nila ang pagkikita nila ni Phytos, and why does she sounded so guilty? Wala naman na sila ni Rojan. Hindi naman masama kung makita siya nitong kasama niya si Phytos o kahit sino pa mang lalake.

Stay calm Hyne, mas matanda ka sa kanila, you knew better than them.

"Tita, you are so pretty, maalam ka ba sa magic trick?" lumingon siya sa kanyang gilid, nakangiti ang batang si Robin sa kanya.

"Magic trick, wala, mayroon kang alam na trick ?"

"Yes, I have one." Masayang ngumiti ito, pinagsiklop nito ang kamay, nilalaro –laro, bukas sara nilagay sa likod, saka nilagay sa gilid ng kanyang mukha, matapos ay nilagay sa tapat ng kanyang mukha ang nakakuyom nitong palad.

"Blow it." Utos nito sa kanya, sumunod naman siya sa sinabi nito, hinipan niya iyon, bumukas at mayroong pulang bulaklak. Nagpanggap siyang nasorpresa kahit nakita niya naman na may inabot ang isa nitong kapatid habang nasa likod ang kamay nito kanina.

"Wow ang galing mo naman." She acted amazed, alam niyang gusto lamang siyang i-entertain ng mga ito.

"Maliit na bagay." Mayabang na sabi nito, may pinagmanahan...manang -mana doon sa tito nito na nasa telepono, hiniling kasi ng tatlo na isama ang pinsan ng mga ito na si Miya. Gusto niya rin na makasama ang anak ni Yuan na lumalabas na kanyang apo sa dugo para naman hindi siya nag-iisang babae dito. If only SM is here. She wouldn't feel this lonely.

Speaking of that woman, alam niyang malapit na itong magbakasyong muli, hindi dapat nito malaman ang tungkol sa kanila ni Rojan habang nasa army ito. The last time they talked, she's still into him. Determinado pa rin itong mapansin ni Rojan and knowing SM after fulfilling her dad's dream , it's her time for her to chase her own. Buti na lamang talaga at naghiwalay na sila ni Rojan bago pa man makalabas si SM. Kung nagkataon, masisira ang kanilang pinagsamahan.

"Sorry boys, Miya can't come, may konting lagnat daw sabi ni ate." Balita nito sa mga pamangkin habang nauupo sa upuan na nagkataong katapat niya.

"Oh, is she okay Tito?" si Raven.

"Can we visit her after?" suhestyon pa ng isa.

"Huwag na raw baka mahawa kayo, we will visit her once she fully recovered." Ngumiti ito sa mga pamangkin na si Miya pa rin ang pinag-uusapan. Hindi niya napansin na matagal pala siyang nakatitig dito, nang mag-angat ito ng tingin ay nagtama ang kanilang mga mata. He smirked at her. Napalunok siya doon, bumaling siya kay Phytos na abala naman sa cellophone nito.

"Tito, bathroom." Paalam ni Robin na nasa kanyang tabi.

"Okay I'll go with you." Tumayo ito sa upuan.

"Tito, I'm a big boy na , I can go alone." Masungit na sabi ng pamangkin nito, napakamot naman ito sa ulo, natawa siya sa naging histura nito. That made Rojan looks at her. nakaangat na naman ang gilid ng labi nito. imbes na maupo sa upuan kanina ay naupo ito sa upuan na inalisan ng pamangkin nito.

"That's not your seat." Masungit niyang sabi dito, nakataas ang kanyang kilay.

"Wala namang pangalan kung kanino ito. I can sit wherever I want." Sagot niya na nilagay pa ang braso sa sandalan ng kanyang bangko.

"I'm sorry guys, I need to go mom called." Tumayo si Phytos, kung pwede lamang na hablutin niya ang kamay nito para pigilan. Nasaan ang pangako nito na sasamahan siya na mag-grocery? Nakalimutan na agad?

"Sorry Hyne." Phytos turned to her. Nakita siguro nito ang kanyang disappointment.

"No, okay lang, you can go." Kahit labag sa kanyang loob ay pinayagan niya ito.

"Don't worry, nandito naman kami, we will entertain her, diba boys?" the two boys nodded. Wala na siyang nagawa nang umalis si Phytos ng tuluyan, pero ano nga pa ba ang dahilan niya para maiwan?

"Aalis na rin ako." Kinuha niya ang kanyang bag, kaya lamang ay nahawakan na siya agad sa braso ni Rojan.

"Walang aalis, iiwan mo ba ang asawa at mga anak mo para sumama sa lalake mo?" she knew it was just a joke, she was ready to slap Rojan's face with her leather bag, kaya lamang ay may humihila sa kanyang damit sa gilid.

"Mommy, huwag mo kaming iwan, huwag mo kaming ipagpalit sa iba." It was Robin crying for god sake, ang dalawang bata ay malungkot din na nakatingin sa kanya.

"What is happening?" naguguluhan niyang tanong, nakakaagaw na sila ng atensyon.

"Umupo ka na lang kasi. Just be with us, akala mo naman kakainin kita, hindi pa naman." It was an irritating joke kaya naman hinampas niya sa braso si Rojan. Tumawa naman ang mga bata dahil mukhang nasaktan ang kanilang bastos na tito. Wala na nga siyang choice, bahala na sa mangyayari sa araw, sana lamang huwag itong malaman ni SM, pero mahirap palang maging instant mommy ng makukulit na triplets idagdag pa ang mapantsansing nitong tito.

"Yung kamay mo." She glared at him.

"What? Nakiki-akbay lang naman, baka mawala ka kasi, lagi ka na lang nawawala. Kung hindi ka naman nawawala , pinapamigay mo naman ako sa iba." Malungkot ang boses nito, sa kabilang banda tama naman talaga ito. Dahil hindi naman talaga sila bagay. She like Phytos, but Phytos likes another woman, and SM love Rojan. Yung pagmamahal niya na pangkaibigan lang na nakalaan para kay Rojan ay walang wala sa pag-ibig ni SM para dito.

"Rojan, let's just be friends. Let's just stay that way." Binaba nito ang kamay.

"Ayaw kitang maging kaibigan, but if friends with benefits ang inaalok mo , sige payag ako." Sa inis niya ay umigkas ang kanyang kamay para sampalin ito, buti na lamang at abala ang mga bata sa paglalaro ng mga arcde games.

"See, hindi mo kaya, hindi pwede, kaya huwag mo akong aalukin na maging kaibigan lang. Ayoko ng simpleng kaibigan lang, gusto ko may add-ons, alukin mo ako ulit kapag pwede ka na sa hinihiling ko na add –ons." And he left her in rage. Gago talaga.

Sonic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon