3/25/2018
...
SL 15:
PHYTOS
"Let me carry that." Kinuha niya ang shoulder bag na dala ni Aki, nagpoprotesta pa ito kaya lamang ay mas makulit siya.
"What will I carry then?" nakalabi na tanong nito sa kanya, gustong gusto niya tuloy halikan ito kahit pa maraming tao sa paligid. Kasi naman, finally, after long years of waiting, hindi na siya kailangang itago ni Aki. He went to Japan month ago just to be with her. Sa wakas na aprubahan na ang pagsasawalang bisa ng kasal nito sa asawa nitong purong Hapon, mali pala, dating asawa. Ngayon hindi na siya makapaghintay na maikasal dito. Gusto niyang sa Pilipinas sila ikasal para walang diborsyo, iyon ay kung hindi ito maipapasa sa Senado para maging batas, pero gagawa siya ng paraan para hindi sila magkahiwalay ni Aki. He will be the best husband for her. Iyon ang naman ang role na gusto niyang gampanan simula ng magkamalay. Aki is his first in everything, first crush that turned ito love, first kiss, and first experience in bed, his first heartbreak. Ang laki ng sinugal ng puso niya para sa babaeng ito. Ngayong hawak niya na ito, hindi niya na ito papakawalan pa.
"Just hold my hand and never ever let go." He said sweetly that makes her blush. Hindi naman mapapansin na mas matanda ito sa kaniya, dahil unang una matangkad siya kumpara dito. People around them might think that they're on the same age. Sa side lang naman ni Aki big issue iyon, his family, alam na alam ng mga ito kung gaano niya kagusto si Aki simula pagkabata. Hinalikan niya pa ito sa labi, dahilan para takpan nito ang mukha sa sobrang kahihiyan. He can't help it, he can be this clingy and affectionate.
"They are staring." Saway nito sa kanya na sinamahan ng mahinang hampas sa braso.
"Kawai" that means cute, balik tukso nya dito.
Dala ang kanilang mga gamit ay lumabas na sila ng airport, nakita niya agad ang kanyang secretary na si Joseph na nag-aabang.
"Good morning sir, ma'am." Masayang bati nito sa kanya, pero walang mas sasaya pa sa kanya. Sa sobrang tuwa ay nayakap niya pa ang kanyang secretary, bagay na hindi naman nya talaga ginagawa. Tinulungan niya pa nga ito sa pagpasok ng kanilang mga maleta sa compartment ng kotse nito.
"Mauna muna tayo sa condo ko ni Aki sa Makati, bago tayo umuwi sa bahay." Utos niya dito.
"You okay, you look tensed, don't worry mom and dad will not eat you alive. They understand, they always understand." He said to calm her girlfriend, sila na ulit at hindi na siya makapaghintay na ibalita iyon sa kanyang mga magulang.
"Don't you think it's too early to tell them? You see, ka –didivorce ko lang." narinig niya na naman ang hesitation sa boses nito. Ito ang pinaka-ayaw niya kay Aki, one moment she's ready pero kapag malapit na bigla itong umuurong. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito.
"Ipagkakait mo ba sa akin ulit ang oras na makasama ka? How long will you do this to me?" hindi niya inaalis ang tampo sa kanyang boses. She needs to know, para alam nito kung gaano siya nasasaktan.
"I'm sorry, I'm just nervous."
"Don't worry, I'll handle everything. Just stay by my side." Nilagay niya ang kamay sa balikat nito para hapitin pabalik.
This is it.
Pagpasok sa unit ni Aki ay nagpaalam ito na maliligo muna. He can tell that she's extra nervous to face his parents. Hindi naman kailangang matakot dahil magkaibigan ang mga pamilya nila. Sabi niya nga, maiintindihan ng kanyang mga magulang ang kanyang mga choices sa buhay, especially his mom.
"Sir Phytos, Ms. Hyne Uytingco left a message for you. Sabi niya tawagan nyo sa kapag nakabalik na kayo ng Pilipinas." Sabi ng kanyang sekrtarya matapos ibaba ang huling maleta nila ni Aki. He's planning to stay in her condo, pero manghihingi muna siya ng permiso dito syempre.
"Okay, thanks Joseph." Kinuha niya ang kanyang phone sa kanyang backpack. He wonder why Hyne asked his secretary to give her a call. Dalawang ring pa lang ay nasagot na nito.
"Hello, you're in the country?" bungad nito sa kanya.
"Hello too, yes I am. What's up?" tanong nya na parang magkaharap lamang sila. Sandali itong natahimik sa kabilang linya, narinig nya ang paghinnga nito ng malalim bago muling nagsalita.
"Rojan's getting married." Anunsyo nito, gulat man dahil inunahan siya ng bestfriend niya pero masaya siya para dito. At least, malalagay na ito sa tahimik kasama ang babaeng mahal nito. Magkaibigan nga talaga sila, parehas kasi silang nagkagusto sa babaeng mas matanda sa kanila, pero hindi nila minsan tinignan na hadlang iyon. Now their long time dream comes to reality. Inunahan lamang siya ng loko.
"Wow, that's great. Congrats to the both of you. Kailan ang kasal nyo? Saan? Mabuti at bumalik na kami." Masayang bati niya kay Hyne. Finally kasi natauhan na rin ito na wala ng ibang mas karapat-dapat na lalaki para dito kung hindi si Rojan lang.
"Phytos, he's not getting married with me." Natahimik siya sa sinabi nito. Nagulat, kaya naman pinapakiramdaman niya ang tono ng boses ng nasa kabilang linya.
"Hindi sa'yo? Then kanino?" he asked again, although may hinala na siya kung kanino. Sana nga lamang hindi tama ang kanyang hinala.
"Will you still find it great if I tell you that his bride is SM?" dahan-dahan na sinabi nito.
"Ha? Talaga? Oo naman, ka-kailan ang kasal nila?" tanong niya pabalik, pinoproseso sa kanyang isipan ang narinig, kung totoo nga ba talaga o joke lamang ito ni Hyne. Pero hindi nya dapat makalimutan na si Hyne ito, at hindi ito marunong magbiro.
"Magpapakasal sila a month from now."
"Ang bilis naman yata? May hinahabol?" sobrang bilis naman kasi. Hindi pwedeng mauna silang ikasal kaysa sa kanya. "Are you okay with it?" Hindi niya mabasa kung ano ang nararamdaman ni Hyne, pero sa boses nito ngayon, alam niyang nanghihinayang ito. He can feel it. They are friends for years.
Hindi nga siya nagkamali. Nakakarinig siya ng munting paghikbi sa kabilang linya.
"And one more thing Phytos. I think this is the sole reason why they're rushing their marriage. "
"What is that?"
"SM is pregnant." Napahawak siya sa kanyang ulo sa kanyang narinig. "Now I want an honest answer Phytos, noong gabing iyon na kasama ni SM si Rojan, nakita din kita, you were following them. Now tell me, si Rojan ba o ikaw ang ama ng pinagbubuntis niya?"
"Phytos , I'm ready." Narinig niya ang boses ni Aki sa kanyang likod, nakapagbihis na ito. wala sa sarili na pinatay niya ang tawag kay Hyne. Hindi niya na ito nasagot.
Hindi niya kayang sagutin.
"Are you all right? Bakit parang namumutla ka?" lumapit si Aki para haplusin ang kanyang mukha. He should be calm that way, pero hindi niya magawa , ang isip niya ay lumilipad doon sa pasaway at tatanga tangang babae na iyon.
BINABASA MO ANG
Sonic Love
RomansaSome people are stuck in an unrequited love, some are in a painful point of a love triangle, While some are running around inside a messy love square...