5/6/2018
A/N: last chapter na po, epilogue next..
...
SL 21:
Phytos
Kailangan niyang mamili. Tinamaan siya sa sinabi ng kanyang bayaw, hindi niya kailangang mang-angkin dahil may sarili siya. Isa pa, hindi niya na kayang magsinungaling kay Aki, ito ang siyang kasama niya pero ang isip niya nasa ibang tao. Hindi na siya ito. Hindi na siya ang Phytos na kinilig sa kanyang first love, nawala ang spark ng hindi niya namamalayan. Ang natira na lamang ay ala-ala na akala niya iyon pa rin. Hindi na pala.
"SM is pregnant." Umpisa siya sa kanyang pagtatapat.
"I knew about that." huminga ito ng malalim, sobrang seryoso ng kanilang usapan, maging ang ulan sa labas ay nakikiayon. Ipanapaala niya sa kanyang sarili na kailangan niyang mamili. Wala siyang karapatang lumapit sa isa hangga't hawak niya ang isa. Naging gago na siya ng napakatagal na panahon, gusto niya na iyong tapusin. Ayaw niya ng mahilera sa mga gago sa mundo.
"And I am the father, I'm sorry Aki." Nag-iwas ito ng tingin, pinunas nito ang mata. Kagagaling lamang nito sa isang failed relationship pero heto siya at dahilan ng muling kalungkutan nito. Hindi niya sinasadya. Minahal niya naman talaga ito, kaya lang sobrang tagal nilang naghahabulan, sobrang tagal niyang humahabol napahinto siya sa kalagitnaan. Sinundo siya nito , pero siya , ang puso niya, wala na palang balak tumakbo pa, dahil ang kailangan niya ay nakita niya na doon sa bandang gitna kung saan siya tumigil. Si SM.
"You don't have to. Hindi ko rin naman iyon kayang ibigay sa'yo."Tumayo siya para yakapin ito, umiyak ito sa kanyang dibdib. He just wish that she can find her happiness soon, hindi man sa piling niya.
"So ikaw ang ama ng baby ni SM?" hindi makapaniwalang tanong muli ng kanyang mommy, ipinaliwanag niya ang lahat sa kanyang mga magulang. Sa mansyon sa tumulou matapos niya ihatid si Aki sa airport, bumalik na ito sa Japan para mag-umpisa muli. Siya naman ay aayusin ang kanyang gulo.
"Yes, mommy." Nasa library sila, kakausapin niya muna ang kanyang mga magulang para matulungan siyang kausapin ang parents ni SM. Iniiwasan siya ng huli, ayaw siyang harapin.
"Paano nangyari iyon? I mean, para kayong aso't pusa and ikakasal na siya kay Rojan. We thought si Rojan ang anak ng baby? Feeling nyo ba naglalaro pa rin kayo?"
"Sorry mommy." Tumingin siya sa seryosong ama, tahimik lamang ito wari'y tinitimbang ang problema.
"I want to fix this mess, can you both help me? Hindi ako hinaharap ni SM, hindi ko maka-usap ang parents niya. I want them to know the truth, SM's hardheaded, ayaw niya akong kausapin kahit sa telepono." Paliwanag niya.
"Luke?" baling ng kanyang mommy sa kaniyang ama.
"I can talk to her father." Napangiti siya doon,magpapasalamat na sana siya kaya lamang ay may dinugtong ito." I should ask him not to kill you, I mean I will give him permission to hurt you but not to kill you, that's the least that I can do." Tumayo ito para pumunta sa pinto.
"Dad!" he called frustrated, tumigil naman ito sa kanyang tapat. Napaatras siya sa galit sa mga mata nito.
"I'm holding my temper so do not push my button." Warning nito bago lumabas, hindi nito pinansin ang tawag ng kanyang mommy.
"He's seeing himself on you, huwag kang mag-alala susuportahan kita." His mother tapped his back bago lumabas, as usual nakasunod ito para amuhin ang kanyang daddy. Wala siyang magagawa kung hindi harapin ang mga consequences ng mga ginawa niya.
Sana lamang bago siya ipa-salvage ng daddy ni SM ay makita niya muna ang kanyang anak.
Halos araw –araw yata ay nasa tapat siya ng bahay nina SM, hinihintay niya na lumabas ito, mabuti ngayon , napag-alaman niya na may check –up ito sa OB. Salamat sa mommy niya na gumawa ng paraan. Nakakabwisit dahil sinundo pa ito ni Rojan.
Naurong ang kasal ng dalawa, ang akala niya , hindi na tuloy, pero tuloy pa rin daw , naurong lamang. Iniisip niya kung papasok ba siya sa bahay nina SM para magtapat, baka kasi hindi na siya makalabas ng buhay. O di kaya, magtitiis na lamang siya hanggang sa makapanganak ito.
Bahala na.
Nakabuntot ang sasakyan niya sa sinasakyan ng dalawa. Huminto ito sa private hospital, bumaba si Rojan at inalalayan si SM.
"Napaka –gentleman mo naman?" kausap niya sa kanyang sarili, nagpark na rin sya at sumunod sa mga ito. Nakamasid lamang siya sa malayo habang tinitignan ang dalawa na masayang nag-uusap.
Naiinggit siya, siya dapat iyon! Pero dahil maepal si Rojan, inagawan siya ng pwesto.
"Ms. San Miguel." Tinawag na ang pangalan ng nurse, maging sa pagtayo ay nakaalalay si Rojan.
"Bakit hindi ka pumunta? Ikaw naman ang may karapatan." Napahawak siya sa kanyang puso ng magulat sa nagsalita sa kaniyang gilid. It was Hyne, katulad niya ay nakatingin din ito sa dalawa na pumasok sa isang clinic ng OB.
"Ayokong umeksena, ayokong mapahiya ang mag-ina ko." Inirapan naman siya nito.
"Anong ginagawa mo dito? Nakasunod ka rin?"
"Dito na ako nag-wowork. Mag-usap tayo." Yaya sa kanya nito, ayaw niya pa sanang umalis kaya lang wala na siyang nagawa nang hilahin siya ni Hyne.
"Thanks." Inabot niya ang coffee mula rito, nasa labas sila ng hospital nakaupo sa bench na nakaharap sa garden kung saan may mga pasyenteng nagpapahinga, ang iba'y sabik lamang sa sinag ng araw.
"Wala ka namang ginagawa." Irap nito sa kanya.
"Bakit ikaw mayroon ba?"
"Nanunuyo ng napakailap na ibon." Natawa naman siya doon, sa dami ng hayop na pagkukumparahan talagang ibon? Porke't ba may ibon sila ni Rojan.
"Alam mo medyo bastos ka." Natatawang sabi niya dito, una'y hindi nito na gets, kalaunan ay napatawa naman din ito. How ironic, nagsama ang dalawang bigo.
"Hindi malabo na magkagustuhan naman talaga sila, mabait si Rojan, hindi mahirap mahalin si SM." Komento pa nito kahit alam niyang nasasaktan, hindi naman siya nag-didisagree doon pero hindi niya tanggap.
"Come to think of it...si SM gusto si Rojan, si Rojan ako ang gusto, Ako ikaw ang gusto ko noon..."
"Gusto mo ako?" napaturo siya sa kanyang sarili, hindi niya alam iyon.
"Ang manhid mo naman, nakaka-asar ka, hindi mo nakita ang mga pagpapansin at pagseselos ko noon sa tuwing malapit ka kay SM..."
"Ganoon ba , sorry gusto ka kasi ni Rojan kaya hindi ko nakita, saka isa pa masarap asarin si SM." Natatawa siya sa kanyang sarili, lalo na't bumabalik sa ala-ala niya ang mga asaran nilan ni SM noon. Ang pag-usok ng ilong nito sa sobrang galit sa kanya, ang pag pingot nito sa kanyang tainga, pati ang pagsipa nito sa kanyang pagkalalake.
"Gusto mo rin siya, hindi mo lang maamin." Natahimik siya doon." Ayaw mong may lumalapit sa kanyang iba, naiinis ka kapag ang atensyon nya na kay Rojan, kapag nalulungkot naman siya ikaw ang unang pumupunta, sabihin mo nga, kung hindi pag-ibig iyon, ano iyon?"
"Katangahan." Ininom nya ang kanyang kami, "Katangahan dahil hindi natin alam na mahalaga hangga't hindi nawala. Katangahan dahil umabot pa tayo sa ganito."
"Kung kailan sila nawala , kung kailan hindi na tayo ang nakikita nila saka tayo namumulat sa katotohanan na sila pala ang kailangan natin, katangahan nga talaga. Ilang beses lumapit si Rojan sa akin, ang dami kong sinayang na pagkakataon, kung sana hindi ako naging duwag, ako sana iyon e." pinipigil ni Hyne ang maiyak. Hindi niya naman alam kung paano pagaain ang loob nito.
"Ang bagal kasi natin."
"Right."
"Tama na sa pagiging tanga." Natatawang sabi niya dito, para pagaain ang sitwasyon, ngumisi naman ito sa kanya.
"Hindi rin, gagawa ako ng huling katangahan pero hinding hindi ko pagsisihan." Pinagkibit balikat niya lamang iyon.
Hindi niya alam na ipagpapasalamat nya ang huling katangahan ni Hyne.

BINABASA MO ANG
Sonic Love
RomanceSome people are stuck in an unrequited love, some are in a painful point of a love triangle, While some are running around inside a messy love square...