SL 19:

4.6K 221 20
                                    

5/5/2018

...

SL 19

Phytos

Nagpalipas pa siya ng oras sa isang bar. Nilunod niya ang sarili sa alak. Hindi niya magawang sagutin ang tawag mula kay Aki dahil tumatak sa kanya ang sinabi ni Rojan. Ang bawat panunumbat nito sa kanya, kung paano niya angkinin si SM sa bawat salita na hindi niya namamalayan habang sinisigaw ng pagkatao niya na si Aki ang mahal niya, minahal at minamahal pa rin.

Isa nga siyang gago, paano'y gusto niyang makuha ang bata at papalakihin nila ni Aki. Hindi kailan man sila magkakaroon ni Aki ng anak dahil sa kondisyon nito at ang anak nila ni SM ang siyang bubuo sa kanilang pamilya. Nunkang ibigay ito ni SM sa kanya, pero iniisip niya lang naman ang magiging kalagayan ng kanyang anak, kung matutuloy ang kasal nina SM at Rojan, tiyak na magkakaroon ng sariling anak ang dalawa, ayaw niyang maiwan lamang sa gilid ang kanyang anak. Ayaw niyang manglilimos lamang ito ng pagmamahal. Kung sa kanila lalaki ang bata, sisiguraduhin niyang mamahalin niya ito ng sobra-sobra.

"Give me another shot." Utos niya sa kaibigang bartender.

"That's enough Phytos, lasing ka na. Paano ka makakuwi niyan?"

"Dating gawi." Sagot niya na lamang dito bago muling pinilit na bigyan siya ng vodka. Wala naman itong nagawa.

Maghahatig gabi ng maihatid siya ng driver ng kaibigan sa kanyang unit. Tulog na si Aki, lahat ng kanilang plano ay nasira, imbes na mamamasyal sila sa Palawan ay na-stock sila sa problema. Pagbukas ng kaniyang silid ay tulog na tulog na nga si Aki sa kanilang kama. Dahan –dahan siyang umupo sa tabi ni, sinikap niyang huwag gumawa ng ingay para hindi ito magising. Nakatitig siya sa maamo nitong mukha. Ito ang babae na pingarap niya buong buhay niya simula ng makilala niya ito. Pero bakit may kulang pa rin? Bakit kahit ngumingiti siya kapag kasama ito parang hindi pa rin siya buo?

Nababaliw na siya sa kaiisip. Kinuha niya ang unan at lumabas sa kwarto. Nagtungo siya sa couch at doon nahiga. May kasalanan siya, hindi niya kayang tumabi kay Aki ng ganito siya nalilito. Binabagabag siya ng mga binitawang salita ni Rojan, hindi dapat dalawa, baka lamang nakakapit siya sa isang tao sa maling dahilan.

Pero hindi pa rin siya papayag na maging ninong ng kanyang anak.

Kahit pa araw araw silang mag-away ni SM.

"Good morning." Paggising niya an gang mukha ni Aki ang siyang bumungad sa kanya, napakusot siya sa kanyang mata. Tirik na ang araw, sumasakit din ang kanyang ulo.

"Bakit dito ka natulog?" nagtatakang tanong nito.

"I was too drunk to even clean myself. Nahiya akong tumabi." Alibi niya, tumango naman ito. Hindi niya alam kung tinanggap nito ang kaniyang dahilan o sadyang pinagwalang bahala lamang nito.

"Come, I cooked our breakfast." Hinawakan nito ang kanyang braso. He gently took that away.

"You go first. I'll just wash." He excuse himself, tumayo na siya , hindi na hinintay ang pagsagot nito. nakunsensya naman siya bigla kaya hindi siya nagtagal sa banyo. Nadatnan niyang malalim ang iniisip nito habang nakatitig sa kape nito. He feels so guilty. May nagbago sa kanya at hindi niya alam kung paano niya iyon sasabihin kay Aki.

"Good morning ulit, kain na tayo." Hinawakan niya ito sa balikat saka hinalikan sa pisngi. Humila na rin siya ng upuan sa tapat nito. Ngumiti naman na si Aki saka nilagyan ng bacon ang kanyang plato.

"You should eat too." Paano'y kulang na lang ay subuan siya nito. Matagal niya itong pinangarap.

"I'm fine." Ngiti nito sa kanya." Pupunta pala ako sa ate mo, nalaman niya na nandito ako." Magbestfriend ito at ang kanyang ate. "Maybe she could help us." Tukoy nito sa kanyang mga magulang, kung noon ay malakas ang kanyang loob, ngayon pag nalaman ng mga ito na nakabuntis siya ng iba ay hindi na niya alam kung ano nag magiging reaksyon ng kanyang mga magulang.

"Ihahatid kita." He suggested. Tahimik ang kanilang agahan, hindi katulad nang mga nagdaang araw, puno ng kulay at asaran saka lambingan. Alam niyang nararamdaman ito ni Aki, nahihiya lamang itong magtanong. Ang yabang niyang sabihin kay SM na matatanggap ni Aki ang kanilang anak, pero sa totoo lamang, nahihirapan siya kung paano niya iyon sasabihin.

Nagdadrive siya papunta sa bahay ng kanyang ate ng magring ang kanyang phone, si Hyne ito, imbes na sagutin ay ni-cancel niya ang tawag.

"Why did you cancel it?"

"I'm driving." Alibi niya.

"You can put her on loud speaker."

"I don't want distraction."

"Okay." Tahimik lamang ang kanilang byahe. Kinuha nila ang mga regalo sa mga anak ng kanyang ate. Libangan kasi nito ang manganak halos taon na taon kaya marami rami ang binili nilang pasalubong kahit hindi naman naghihilian ang mga anak nito.

"Phin!"

"Aki!" nagyakapan ang dalawa, akala mo ilang dekada na hindi nagkita. Nanumbat pa ang kanyang ate, isang tingin lamang nito at alam na ang tungkol sa kanilang dalawa ni Aki. Ito higit sa lahat ang siyang nakakaalam sa kabaliwan niya.

"Ang gwapo ng mga boys mo." Puri ni Aki, bakas sa boses nito ang pagkainggit.

"Kanino pa ba magmamana?" natatawang sagot ng kanyang ate, hindi man lamang pinagmalaki ang kanilang lahi."Kayo kailan ba? Wala pa rin?" tudyo nito. It was a sensitive topic for Aki, he was surprise na hindi alam ng kanyang ate ang kondisyon ni Aki. " Excited na rin sina mommy and daddy na magkaroon ng apo kay Phytos."

"Enjoy muna namin ang isat-isa." Sumagot siya para hindi maipit sa sitwasyon si Aki, nalipat ang usapan ng dalawa sa carreer ng kanyang ate. Kahit naman nanganak ay hindi napabayaan ang figure nito, maalaga sa katawan. Siya naman ay kinukulit ng dalawa nitong anak, busy siya sa pakikipaglaro.

"Dad!" sigaw ni Pio, panganay ng kanyang ate, mula sa taas ay bumaba ang kanyang bayaw. May inaaral daw itong malaking kaso sa office sa taas kaya ngayon lamang nakababa.

"Babe, di na kita inabala." Lumapit naman si Ron sa kanyang ate at umupo sa tabi nito, ang dalawang bata na nasa kanyang tabi ay mabilis na lumipat at pumulupot sa ama, nakalimutan siya bigla.

"Kids, tampo na ako." Kunwari'y nagtatampo siyang sabi.

"Mas love namin si Daddy." Sabi ng pangalawang anak ng kanyang ate saka dumila sa kanya.

"You should take your own, huwag mong ipaangkin sa iba." Natigil siya sa sinabi nito, namutla, buti na lamang at abala si Aki at ang kanyang ate sa sariling topic ng mga ito. Nang magkaroon ng pagkakataon ay nag-usap sila ng kanyang bayaw.

"Sinong nagsabi sa'yo kuya? Now that you knew, can you stop Rojan, huwag niyang pakasalan si SM at angkinin ang anak ko."

Kunot noo siyang binalingan ng kanyang bayaw.

"Why would I do that? At least my brother have some balls, unlike someone who's standing in front of me, claiming that he's in love with someone else but his eyes says otherwise." Tinapik siya nito saka iniwan.

Kung hindi lamang ito mahal ng ate niya, makakatikim ito.

Magkapatid niya sila ni Rojan, parehas magaling makialam.

Sonic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon