SL 9:

4.5K 228 6
                                    

1/7/2018

....

SL 9:

PHYTOS

Tinatawagan niya muli ang kanyang mommy para liwanagin ang pinag-uutos nito, pero nang sumagot ito ay humingi ng pasensya sa pag-abala sa kanya, okay na daw at hindi na siya kailangan.

Ngayon tuloy ay nag-iisip siya kung babalik ba siya kina Rojan o uuwi na lamang. Pero sayang naman ang moment ni Rojan at ni Hyne kung babalik siya, makikigulo lamang siya doon. Naglalaro pa naman ang mga iyon ng bahay-bahayan, napakunot naman ang kanyang noo ng mapatingin siya sa isang shop. Ang kunot ng kanyang noo ay napalitan ng malaking ngisi nang makilala ang pamilyar na babae na nasa lingerie shop. Bagama't naka-cap ito ng itim at naka shades ay kilalang kilala niya ito. Bahala si Hyne at Rojan kasama ang tatlong pamangkin nito. He will enjoy himself. Buong akala niya sa isang linggo pa ang balik nito? Bakit napaaga yata? At silang mga kaibigan nito ay walang kaalam-alam? He smell something fishy, maybe this crazy woman is up to something crazy again. Kailangan niyang malaman kung ano iyon, or else, curiosity will just kill him. Palihim niyang pinagmamasdan ito habang namimili ng mga underwears. Kung tutuusin hindi naman ito ang tipo ni SM, unless may masamang binabalak.

"Sir?" may lumapit na sales lady sa kanya, napatingin kasi sa direksyon niya si SM kaya naman agad siyang kumuha ng pares ng undergarments na tinakip niya sa kanyang mukha, doon siya nilapitan ng sales lady ng shop. "Para sa special someone nyo po ba?" mabait na tanong pa nito. Nginitian niya ito, wala naman siyang balak mamili, may pinapanood lamang siya, pero para hindi siya mukhang kahinahinala ay namili –mili na lamang siya, kunwari.

"Ano pong size sir?" Inisip niya ang size ng babaeng huling naka-fling niya, iyon ang sinabi niya sa sales-lady, magiliw naman itong nag-suggest sa kanya ng mga items, paglingon nya sa pwesto ni SM kanina ay nawala na ito. pag-ikot niya ay laking gulat niya at nasa likod niya na ito.

"Uy, hello?" bati niya dito nang nakataas ang kamay.

"Sabi ko na nga ba may masamang espiritu sa paligid, kinakilabutan kasi ako.Hindi nga ako nagkamali, nandito ka." Akusa nito sa kanya. Nakasuot ito ng denim polo, nakabukas iyon, naka white v neck shirt ito , nakasu-out din ng dog tag. Naka ripped shorts ito partnered with her army boots. She's cute in her outfit. Na miss niya rin talaga ang babae na ito.

"Baka kinikilig ang ibig mong sabihin." SM snort at his reply. Napansin niya ang paper bag na binili nito. " Ano yang binili mo? Para kanino iyan?"

Tinago nito ang hawak na paper bag sa likod.

"Pwedeng pwedeng sa'yo, imposible namang regalo mo iyan sa mommy mo diba?"

"Alam mo ang pakealamero mo pa rin?" tinalikuran na siya nito. Kung noong dati ay makikipagtalo ito sa kanya, bakit ngayon hindi na? Bakit hindi na humahaba ang kanilang argument? Hindi dapat ganoon! Sinundan niya ito palabas ng shop, mabuti na lamang at ibang direksyon ang tinatahak nito, malayo sa kung nasaan sina Rojan. Mababaliw na naman ito kapag nakita ang long time pag-ibig.

"Saan ka pupunta? Bakit bumili ka niyan? Para kanino iyan?" tumakbo siya para maka-abot sa bilis ng paglalakad nito. Ibang –iba na nga ang naging aura nito ngayon, hindi katulad ng dating SM na nasisindak sa kanya, bakit ngayon nagkabaliktad yata? Siya ang nakakaramdam ng pagkasindak, pakiramdaman niya susuntukin siya nito e.

"Dami mong tanong, huwag mo nga akong sundan!" inis na wika nito sa kanya, tumingin ito sa relong pambisig.

"Hindi kita sinusundan, nagkataon lang na dito rin ako papunta." Dahilan niya, naupo ito sa bench kaya sumunod din siya. "Kailan ka bumalik? Bakit hindi ka nagsabi sa akin?" samantalang kailan lamang ay magka-usap sila. He felt betrayed because they are friends.

"Bakit , lalatagan mo ba ako ng red carpet kung sinabi ko sa'yo?" sarkastikong sabi nito.

"Kung iyon ang hiling mo bakit hindi?" imbes na matuwa ay lalo pa itong sumimangot, akala siguro hindi niya gagawin iyon. "Kailan ka nga bumalik , nasaan ang pasalubong ko." Parang batang pangungulit niya dito. Hindi naman ito nakatingin sa kanya, tinanggal nito ang suot na cap, lumadlad ang lampas balikat nitong buhok, inalis din nito ang shades saka nilagay sa sling bag na dala nito. Hindi niya alam kung paanong napako lamang ang kanyang mata sa mga ginagawa nito hanggang sa malilit na detalye na paghawi nito sa buhok.

"Commander Garcia dito!" bigla itong ngumiti ng may tinawag, tumingin siya sa harapan, nakita niya ang isang lalaking matangkad din at may malaking pangangatawan. Nakangiting lumapit it okay SM, tumayo naman si SM para salubungin ito, magsasa-lute si SM ng pigilin nito ang kamay.

"Parehas tayong sibilyan ngayon, hindi mo kailangang gawin iyan, saka huwag nang Commander Garcia, Gin na lamang ang itawag mo sa akin SanMi." Halata ang adorasyon sa mukha nito, alam ni Phytos na may iba iyong intensyon. Nakita lamang ito ni SM nakalimutan na siya.

"San Mi?" sabat niya sa dalawa," San Miguel ang buo niyang pangalan , tapos Gin ka naman, aba hindi kayo pwedeng magkasama parehas kayong nakakalasing alam mo iyon? Saka dapat magkalaban kayo, sa PBA diba rival ang team nyo?"

"Phytos , walang nanghihingi ng opinyon mo. Let's go Gin." Hinila nito sa braso ang kasama, buo talaga ang loob ni SM na iwan siya doon dahil sa dumating na lalake na hindi man nag-abalan ipakilala sa kanya? Ano bang nangyari dito? nanlalake lang ba ito sa pinuntahan kuno? Nakalimutan na nito si Rojan? Pero bakit hindi pa rin siya natutuwa?

"Para sa kanya ba iyong binili mo? Wow, talaga ha, hindi ko akalain na magkakaganyan ka matapos ang ilang taon. Wow lang." Pahabol niya dito, tumigil naman ito sa paglalakad at asar na bumaling sa kanya.

"Alam mo Phytos, wala akong pakealam sa gagong kagaya mo!" binigyan pa siya nito ng middle finger. Napangaga talaga siya sa ginawa nito. Si SM ba talaga iyon, umalis na ito kasama ang lalakeng iyon. Napamura tuloy siya.

"Kung ako naman doon sa ex girlfriend mo talagang mas pipiliin ko iyong kasama niyang lalake kaysa sa'yo." Napabaling siya sa matandang babae sa kanyang gilid.

"Lola, hindi ko po siya ex girlfriend, kasi hindi ko naman siya naging girlfriend." Naiinis na paliwanag niya dito, pero bakit nga ba siya nag-abalang magpaliwanag pa?

"Talaga ba? Bakit mukhang selos na selos ka?" nakangising balik tanong nito.

"Hindi po ako nagseselos!"

"Okay, sabi mo e. Mabuti pala kung ganoon, tiyak na may mangyayari sa kanila ngayon tapos madagdagan ang populasyon ng bansa natin, bilang ka siyam na buwan mula ngayon."

Tinuruan siya ng kanyang mga magulang na huwag pumatol sa matatanda kaya naman imbes na sumabog dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi nito, umalis na lamang siya para sundan kung saan nagpunta si SM.

Dagdag sa populasyon? Siyam na buwan mula ngayon? Tsk. Kokontrahin niya ang masamang hula nito.

Sonic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon