SL 7:
Rojan
Daig pa ang mga magugulong palaka ang naging reaskyon ng kanyang mga mababait na pamangkin pagkakita sa kanya.
"Tito Rojan!" si Robin iyon, sa totoo lang natatakot siya kapag magsyadong nakangiti ito. Nandoon iyong pag-iisip na parang may iniisip itong kalokohan palagi. Hindi niya ba't takot lamang siya sa kanyang sariling multo? Pero behave naman siya noong bata, unlike sa ama nito kung saan talaga namana nito ang ganoong ugali.
"Hello boyz!" bati niya saka ginugulo ang buhok ng tatlo. Aalis kasi ang kuya niya at ate Candice, pupunta sa Turkey, business matters as usual, pero sasamahan na rin ng bakasyon ng dalawa malayo sa anino nang tatlong itlog. Kaya siya bilang mabuting kapatid at tito ang siyang maiiwan sa tatlo.
"Ren, Rojan's here." Sigaw ng kanyang ate Candice, lumapit ito sa kanya at yumakap. Hindi pa rin natatapos ang pagbibilin nito tungkol sa mga bagay bagay.
"Akong bahala sa kanila ate, kuya." He assured. Kung ang mukha ng ate Candice niya ay namomroblema, iba naman sa kanyang kuya. Hindi maitago ang kasiyahan sa mukha nito, kulang na lamang may nakalagay sa mukha nito na "SALAMAT MASOSOLO KO NA ANG ASAWA KO." sa sobrang kasiyahan niya nito ay niyakap pa siya.
"Hulog ka talaga nang langit, paano na lamang kung wala ka sa buhay ko?"
"Nakakakilabot ka kuya, parang kailan lang hate na hate mo ako." Pang-aasar niya dito.
"Let's forget about that!" sinamahan pa nito ng nakakalokong tawa na may bonus na paghampas sa kanyang likod. Medyo masakit iyon.
"Umalis na nga kayo, mag-ingat kayo sa byahe." Pagtataboy niya sa mga ito, nagpaalam muli sa triplets ang mga ito bago sumakay sa kotse na magdadala sa airport.
Kung kanina lamang ay ang sasaya ng tatlo ngayon naman ay mukhang mga Biyernes santo, nakalabi ang mga ito, parang nalugi, habang nakaupo sa mahabang couch.
"Kailan sila babalik?" asked Raven.
"Next Friday." Si Ravin ang sumagot.
"That's five days from now." he wants to lighten the mood, ano naman ang pwedeng gawin kasama ang tatlo? Nag-aalala naman siyang dalhin ito sa kanyang pet shop, noong huling pumunta ang tatlo, limang alagang hayop ang pinakawalan ng mga ito. He wouldn't risk that.
Bago pa man siya makasagot at tumunog ang kanyang cellphone.
"Ano okay ka na?" si Phytos ang nasa kabilang linya.
"Noong isang araw pa iyon, of course I'm okay." Tukoy nito sa kanyang pagkalasing. Hindi niya na-kontrol ang sarili noon. He's more than sober now.
"Good, nandito ako sa mall, I'm with her."
"What? Paanong nagkasama kayo?" kunot ang kanyang noo, kumikilos ito nang hindi niya alam.
"Kaya nga tinatawagan kita, punta ka rito. " napatingin siya sa tatlo, hindi naman niya pwedeng iwan ang tatlo, hindi niya rin naman pwedeng hayaan si Phytos at si Hyne lamang, bahala na.
"Okay, we will be there." Hindi niya na ito hinintay na sumagot, pinatayan niya na ng telepono saka inutusan ang tatlo na magpalit ng damit.
"Where are we going tito?"
"Who wants to skate?"
Pagkabihis ay bumaba na ang tatlo, kanya kanya rin talaga nang style ang mga ito. Hate na hate ng mga ito na dinidiktahan sa mga sinusuot kaya naman noong five years old pa lang ay hinahayaan na ng kanyang ate at kuya na pumili ng sariling damit. Magkakaiba rin talaga ng hilig. Si Ravin na panganay ay naka polo shirt at pants, si Raven naman ay naka short at plain na shirt, si Robin naman ay naka pants at sando na black saka cap na black, pananamit lamang talaga makikita mo ang ugali ng bawat isa.
"Hindi ka ba malalamigan kahit na mag-skate tayo?" hindi niya mapigilang tanong.
"Don't worry about him kuya, sabi ni mommy balat kalabaw daw siya, hindi siya nilalamig, kasi kahit full blast na iyong aircon nipapawisan pa siya. " paliwanag ni Raven.
"Ang badboy mo dyan." Hindi niya mapigil na komento, nag pogi pose pa ang loko, iyong ginagawa kapag nagapapa cute.
Habang nasa byahe ay aliw na aliw siya sa kwento ng tatlo, kesyo may nililigawan na raw sa school , samantalang siya, alagang hayop at anime lamang ang pinagkaka-abalahan niya noon. Lokong loko nga siya kay Detective Conan kaya kahit pananamit nga noon ay ginagaya nya, iyon din ang unang pagkakataon na nakilala niya si Hyne, sobrang sungit pa noon tapos may dalang pusa.
"Bakit ka nangingiti tito, nababaliw ka na ba?" si Robin iyon na nakadungaw sa kanyang gilid, si Raven naman na nasa kanyang tabi ay napatingin.
"May na-alala lamang ako." Sagot niya saka inutusan itong maupo ng maayos.
Sa pizza parlor sila pumunta kung nasaan nandoon si Phytos , nang makita siya ni Hyne ay nawala ang ngiti nito habang kausap si Phytos.
"Oh, ang dami mong kasama?" komento ni Phytos nang mapansin ang tatlong bata na humila na rin ng sarili nitong mga bangko. Hindi na hinintay na paupuin sila.
"Hello po." Bati ni Raven sa mga ito.
"Oo, ako ang mag-aalaga ngayon sa kanila until Friday, umalis sina kuya."
"Oh, paghahanda na ba iyan para sa fatherhood mo?" komento ni Phytos, siya naman ay napatingin kay Hyne na nag-iwas ng tingin.
"Dapat nandito rin si Miya, tito let's call her phone so that she can be with us." Si Ravin.
"It's a good idea, tatawagan ko si ate." Habang tinatawagan niya si Ran ay nag-oorder naman si Phytos, ang mata niya ay nakay Hyne na siyang kinaki-usap ni Robin, hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa pero tawa ng tawa si Hyne. At ang kanyang walanghiyang pamangkin ay nagpapacute pa. Malapit na siyang maniwala sa sinasabi ng mga kapatid nito na nanliligaw na raw ito sa school, at balak pa yata siyang agawan.
"Mukhang maniniris ka ng pamangkin ah," tudyo sa kanya ni Phytos, nasa gilid niya na pala ito. Hindi kasi sumasagot ang kanyang ate.
"Ano sa tingin mo?"
"Sa tingin ko? Bilis bilisan mo, bawal ang mabagal ngayon." Kung magsalita ito sa kanya akala mo hindi rin ubod ng kabagalan. Parehas lamang sila, kaya siguro magkaibigan sila.
"Kinontact nga pala ako ulit ni Aki." Napatingin siya dito. Iyon pa rin ba? Dating kwento? Kailan ba ito makakaahon sa babaeng kinakabaliwan nito na hindi naman siya pinipili? Kung tutuusin maraming beses na nagsakripisyo si Phytos para sa kanilang dalawa, pero ang tingin ni Aki, mali pa rin na maging sila kaya hindi matuloy tuloy. Wala namang problema sa kanyang kaibigan , nandoon sa babaeng Haponesa ang problema.
"Tapos, ano gagapang ka na naman pabalik sa kandungan niya?" napabuntunghininga ito.
"Hindi ko alam, hiwalay na daw sila e, sabi nya. Gusto niyang makipagkita." Sa hitsura nito mukhang mahirap ngang pigilin dahil kahit sabihin niyang huwag na itong magpakabaliw at magpakatanga sa babaeng iyon, sa bandang huli nandito pa rin ang desisyon.
"Paano si SM?" tanong niya. He looked so confuse.
"What about her?" napapailing na lamang siya.
Kawawa ang isang iyon kapag may balikan na naganap.
BINABASA MO ANG
Sonic Love
RomanceSome people are stuck in an unrequited love, some are in a painful point of a love triangle, While some are running around inside a messy love square...
