SL 6:
Phytos
Nagpasalamat siya sa kaibigan na tumulong sa kanya para maisakay sa kanyang sasakyan si Rojan, uminom na naman kasi ng napakarami hindi naman kaya. Bilang isang mabuting kaibigan nito , siya ang siyang maghahatid dito pauwi. Ibinilin niya na lamang ang sariling sasakyan sa kaibigan nila na may-ari ng bar.
"Sa condo ako." Pahabol ni Rojan sa kanya nang maisakay niya ito sa backseat, ngayon ay pikit na pikit na ang loko.
"Opo kamahalan." Biro niya kahit hindi naman nito naririnig, sa estado nito ngayon, parang hindi ito ang Rojan na nakasama niyang lumaki. Gone that candid and playful Rojan, isang babae lamang pala ang magpapabagsak sa ugali nito. Ang hindi lamang nagbabago ay ang hilig nito sa mga hayop.
"Hay, pahirap ka rin talaga minsan ano? Sisingilin kita kapag matino ka na." bulong niya sa sarili habang inaakay ito papasok sa R3 Towers, mayroon din siyang unit doon pero madalas naman sa bahay siya umuuwi dahil kung hindi bubulabugin siya ng kanyang mommy Pyne.
Nang maihiga niya sa kama si Rojay ay napahiga na rin siya. Ang bigat din kasi , hindi biro ang ginawa niyang pagbuhat , idagdag pa na napagod siya sa pagsayaw kanina.
"Roj, uwi na ako." Tinaas nito ang kamay, may wisyo pa ang loko, napapailing na lamang siya. Kinapa niya ang kanyanng cellphone, alas onse pa lamang ng gabi. Tiyak niyang gising pa rin si SM, matagal iyon matulog, may pagka kuwago kasi ang isang iyon. Sa unit niya na lamang siya matutulog, tinatamad siyang umuwi.
Naligo muna siya, boxers lamang ang suot niya kapag natutulog para mas komportable. Minsan nga wala pa. Kinuha niya ang kanyang cellphone, pinindot ang number 3 para sa number ni SM, ilang beses pa nag-ring bago nito sagutin ng pagalit.
"Problema mo? Tawag ka ba ng tawag?" reklamo nito sa kabilang linya.
Hindi niya naman mapigilan ang matawa.
"Gabi na ang init pa rin ng ulo mo? Siguro walang gwapo diyan no? High blood ka e." tukso niya dito.
"Excuse me, ang daming gwapo dito sa barracks , hindi lamang gwapo malalaki rin ang katawan, marami akong pandesal sa umaga hindi ako nagugutom." Dagdag pa nito. Typical SM, gaganti pa rin ng asar hindi papatalo, buti na lamang kilalang kilala niya ito.
"Gabi na kaya, wala na iyong mga pandesal, mayroon naman ako, hindi mo lang makikita , mahahawakan mo pa kung uuwi ka rito."
"Duh, iyo na lang, kahit gabi na, pwede akong makakita ng pandesal, manggagapang lamang ako."
"Sumbong kaya kita sa daddy mo?"
"Isumbong mo, kinukulit naman ako noon mag –asawa pabor doon."
"Talaga?" napaayos siya ng upo, sumandal siya sa headboard ng kanyang kama." Dapat pala umuwi ka na, ready na rin ako, quota na ako maglaro, magpakasal na tayo." Hindi nya na kailangang magbilang tatlo dahil isa pa lamang ay sumasabog na ito, sumigaw pa sa kabilang linya, feeling niya talaga nambubulahaw ito ng mga kasama. Pigil niya tuloy ang kanyang tawa.
"Gago ka ba? Kapal nito kala mo papatulan kita? Barilin ko yang ano mo e!"
"Anong ano?" tukso niya muli. Sadyang hindi talaga makukumpleto ang araw niya kapag hindi niya ito makaka-usap.
"Ewan ko sa'yo , matulog ka na , iniilusyon mo na naman ako. Alam mong wala ka nang pag-asa sa akin, si Rojan lamang ang paglalaanan ko ng sarili ko. Managinip ka!"
"Talaga lang ha, paano ba iyan bumalik na si Hyne, baka pag ikaw naman ang umuwi wala ka ng Rojan na aabutan. Sagot ko na iyong tissue mo, akin na ang one year supply." Natahimik naman ang nasa kabilang linya, he smirk at that. Alam niyang hindi ito makakatiis, ito pa ba? Ito lagi ang kanyang pang-akit dito, basta si Rojan, basta tungkol kay Rojan lampa.
"So kailan ka babalik?" Tanong niyang muli.
"Goodnight, mag be-beauty rest pa ako. Abala ka." Sabi nito saka pinatay ang cellphone. Pinatayan na talaga siya.
Natatawa na lamang siyang naiiling, napawi lamang ang kanyang ngiti ng makita ang nag –pop out sa kanyang screen. Matagal na panahon na rin simula ng makita niya ang pangalan na iyon na lumabas sa kanyang notification. Bubuksan niya ba? O hindi, sa huli binuksan niya na rin iyon.
Hi.
Isang salita lamang, ni hindi nga payak baka nagkamali lamang pero kayang kayang ibalik lahat ng sakit ng unang pagkabigo. Masakit pa rin pala talaga.
...
SM
"Okay ka lang?" tanong sa kanya ng doctora na kasama nila sa army. Napansin nito ang kanyang pagiging tulala at wala sa sarili. Siguro napansin nito ang hindi niya maayos na pag-aarange sa mga bagong deliver na gamot.
"Hindi ko alam."
"Paanong hindi mo alam?" tumabi na ito sa kanya, kumuha siya ng upuan saka sinapo ang kanyang ulo. Naguguluhan siya, misyon o puso.
"Kasi bumalik na iyong babaeng gusto ng taong gusto ko, baka magbago ang isip niya, baka hindi niya na tuparin ang pinangako niya sa akin."
"Teka, naguguluhan ako." Kaya naman kinuwento niya dito ang kanilang magulong set- up, hindi nya na sinama si Phytosm hindi naman kasali ang panggulo na iyon.
"Gwapo ba si Rojan? Mas gwapo pa kay Commander Garcia?" sinali na naman nito ang kasamahan nila na nagpapalipad hangin sa kanya. Dito siya madalas tinutukso ng kanilang mga kasamahan, basta may libreng oras sila ang magiging tampulan ng asaran. Kilala rin ng kanyang daddy ang nasabing commander at kung may mapupusuan daw siya unang kandidato si Commander Garcia, paano naman mangyayari iyon kung beterinaryo ang gusto niyang mapangasawa? Kaya nga nagsundalo siya para hindi na siya hanapan ng mapapangasawang sundalo, labo kasi na gawin iyon ni Rojan. Pumatay nga ng langaw at ipis iiyakan noon.
"Sobra pa sa gwapo si Rojan, walang pangit sa angkan nila." Pagmamalaki niya, kaya naman nakikita niya na ang kanyang mga future chikiting, hindi talaga mahihiya na maihanay sa mga dugong Romualdez. Winner kasi ang family picture ng pamilya na iyon, maganda rin naman siya so wala siyang dapat na ikahiya.
"So, babalik ka na? Hindi ka na tutuloy sa Mindanao?" pinag-iisipan niya pa rin. Siguro sapat na ang taon na tinupad niya ang makapagpapasaya sa daddy niya at sa pamilya niya. Panahon naman na para puso niya ang kanyang sundin, hindi na rin masama, lalo na at bumalik na si Hyne. Kahit kaibigan niya ito, iba kasi kapag usaping puso na, walang kaibigan –kaibigan, kaya dapat hindi na siya magpapatumpik tumpik pa, bibilisan niya baka may mauna pa sa kanya.
"Iyong pulang libro na pinapahiram mo sa akin, pwede ko bang dalhin?" bulong niya sa doctora, natawa naman ito.
"Oo ba , dalawa naman iyon na binigay ng pinsan ko galing India, sa'yo ko na ibibigay ang isa. Basta husayan mo. Ninang ako sa unang anak nyo." Sabi pa nito, mabilis naman siyang tumango, ito ang gusto niya sa kaibigan niya na ito, super supportive at saka naiisip na talaga ang future nila ni Rojan.
"Ipakikilala ko na lamang si Rojan sa'yo kapag naging asawa ko na siya. Mahirap na baka maging karibal din kita." Natawa ito sa kanyang sinabi, pero hindi naman siya nagpapatawa , seryoso kaya siya doon.
Pero, excited na siyang makita si Rojan.
![](https://img.wattpad.com/cover/78747134-288-k950828.jpg)
BINABASA MO ANG
Sonic Love
RomanceSome people are stuck in an unrequited love, some are in a painful point of a love triangle, While some are running around inside a messy love square...