SL 10:

4.4K 209 4
                                    


SL 10:

SM

"Sinusundan niya tayo." Bulong sa kanya ni Gin. Alam niya na kung sino ang tinutukoy nito.

"Hayaan mo siya, wala lang magawa ang unggoy na iyon, magsasawa rin yan kapag narealize niya na wala siyang mapapala." Sagot niya, pinagsasawalang bahala ang pagsunod sa kanila ni Phytos.

"Really? Hindi ganoon ang nakikita ko." Napalingon siya kay Gin, a creepy smile plastered in his face.

"You know what? You're just hungry, humanap na tayo ng makakainan kasi gutom na rin ang mga anaconda ko sa tiyan." Natawa naman ito sa sinabi niya. Ano ang dahilan ng pagkikita nila ngayon? It was her father's wish actually. She thinks that her father wanted more from her, pumasok siya sa army para mapasaya ito, ngayon naman hiling nito na magkaroon siya ng asawa na isang opisyal sa katauhan ni Gin, para daw hindi mabali ang tradisyon ng kanilang pamilya. Gin on the other hand is a willing victim. She was aware of the special treatment that she received from him. Gayunpaman, hindi naman siya nagpakita ng kaparehas na pagtingin dito. He was aware that she love someone else.

"Hindi naman siya si Romualdez diba?" komento nito. Nakaupo sila sa isang Chinese restaurant, palihim na sinusulyapan ang kaduda-dudang lalaki sa malayong kanan na itinatago ang mukha sa malaking menu.

"Tss, hindi no. Ang pangit ng isang iyan, mukha pang bakla." She startedbago niya pinagyabang kung ano si Rojan Romualdez at kung ano ang nagustuhan niya rito." He's very nice, sweet and caring, lalo na doon sa ate niya, that's the reason why I fell in love with him the first time we met. And that brute, " nguso niya sa direksyon ni Phytos. " Unang pagkikita niya pa lamang inasar niya na ako." Baon niya pa rin ang sama ng kanyang loob , kahit pa ang pangyayaring iyon ay noong gradeschool pa sila.

"You really hate him huh?"

"Talagang talaga. Hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi niya ako iniinis, saka alam niya namang may gusto ako kay Rojan pero lagi niya pa akong sinisiraan." Dagdag hinaing niya.

"Paano pala kung may gusto lamang siya sa iyo kaya siya ganoon." She doubted it, "Sa sampung sinasabi ni Phytos, labinglima doon ang hindi totoo." Tumawa naman ito sa kanya totoo naman ang sinabi niya. " Saka isa pa, baliw na baliw yan sa isang babaeng mas matanda sa kanya, kulang na nga lang noon na magtanan sila, iyon nga lamang si Girl, na itago na lamang natin sa alyas na haponesa ay hindi siya kayang panindigan sa pamilya nito." tumango tango naman ito sa kanyang sinabi, hindi niya hilig magkwento pero sa tuwing naasar at pikon na pikon siya kay Phytos, iniisip niya na lamang na sobrang lungkot nito dahil kay Aki kaya naman siya ang ginagawang diversion. Wala e, sadyang mabait at maganda lamang siya kahit pa madalas siyang tuksuhing tomboy nito.

"I wanted to meet your Rojan." Sabi ni Gin.

"Huwag kang mag-alala, one of this days ipapakilala kita sa kanya, saka kapag kinasal kami ikaw ang bestman." She assured him.

"Diba , bestfriend niya si Phytos? Malamang iyon ang pipiliin niya."

"Hindi. Before the wedding ipapakidnap ko si Phytos sa'yo , itago mo muna siya, alam mo na baka sirain niya ang espesyal na araw ko."

"Ang brutal mo." Tawa nito sa kanyang ideya.

"Alam ko naman iyon." sabay silang natawa at sabay ding tumigil. Naging seryoso kasi bigla ang histura ni Gin. Suddenly the things get awkward.

"So wala na talaga akong pag-asa?" napatingin ang mata nito sa paper bag na nakalagay sa katabing upuaan. Pinamulahan siya ng mukha, kinuha niya iyon at nilagay sa ilalim, bakit pakiramdam niya ay nakikita nito ang piraso ng damit na nakalagay doon? Hindi niya alam ang kanyang sasabihin, sana hindi na sila nagpalit ng topic, pero kailangan nga siguro ang ganito.

"Sorry, pero matagal ng na kay Rojan ang puso ko e." She joked hoping that it will change the mood. " Saka ang gwapo mo rin kaya, macho, mabait, lumabas ka lang maraming babaeng magkakandarapa sa'yo."

"Okay, panghahawakan ko iyan."

Namasyal lamang sila sandali bago sila nagdesisyon na umuwi na. Nag-alok itong ihahatid siya kaya lamang ay naka motor ito.

"Wow, gusto ko iyon!"

"Talaga? You're lucky I have an extra helmet." Excited siyang kinuha ang helmet na binibigay nito , mabilis niya iyong sinuot sa kanyang ulo, pasampa pa lamang siya sa likuran nito nang may biglang humablot sa kanya.

"That's dangerous." Madilim ang mukha ni Phytos, akala niya tumigil na ito sa pagsunod sa kanila ni Gin, nawala kasi ito sa restaurant kanina. Akala niya umalis na ito. "Ihahatid kita gamit ang kotse ko."

"Pakelam mo? Sana'y na ako sa panganib." Hinila niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito.

"Alam mo ang kulit mo."

"Ikaw ang makulit, gago." Sinipa niya ito sa kanang tuhod kaya naman napayuko ito, masyado yatang napalakas. Mabilis siyang umangkas sa likod ni Gin, inutusan niya ito na paandarin na. Umuusok ang ilong ni Phytos habang nakatingin sa kaniya, hindi pa siya nakuntento dinilaan niya pa ito.

What a way to meet Phytos again, at least siya ang naka-pang asar ngayon at hindi ito. Hindi na siya ang dating SM na laging dehado rito.

"Ang sweet nyong dalawa." Una hindi niya maintindihan ang sinabi ni Gin kaya naman inulit nito, babatukan niya sana kaya lang nakahelmet ito kaya naman kinurot niya na lamang ito sa tagiliran, tawa naman ito nang tawa habang nagda-drive.

"Nasaan ang sweet doon?"

May sinabi itong muli, hindi naman niya naintindihan ng malinaw , ang narinig niya lamang ay mga salitang, bagay, nakikita, nakatingin. Ayaw niya nang mag-isip pa.

Iba naman ang interpretasyon ng daddy niya sa pag-angkas niya sa motor ni Gin, akala tuloy nito nagkakamabutihan na sila.

"Daddy we're just friends nga lang. Ang kulit mo, don't worry bibigyan na kita ng apo para hindi mo na ako kulitin." Sabi niya saka tumungo sa kanyang kwarto. Binalewala niya ang tawag ng kanyang daddy, nagulat marahil sa sinabi niyang apo. Inilabas niya ang biniling lingerie, sinukat niya iyon sa harapan ng salamin.

Tonight her evil plan will take place. She will have Rojan whether he will like it or not. Kung kailangang gamitan ng mga natutunan niya sa army ay gagawin niya. She's might be crazy.

Mali pala.

Baliw na talaga siya at matagal na.

Sonic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon