2-25-2017
SL 3:
Hyne
Umuusok ang ilong ni SM, kaya naman binigyan niya ito ng isang galon ng ube flavored ice cream. Buwisit na buwisit ito kay Phytos, kinuwento nito sa kanya na nagpunta daw ito sa club para hanapin si Rojan, buti na lamang daw at hindi niya sinugod dahil hindi naman pala si Rojan ang nandoon.
"Nakakahiya Hyne, ulol talaga yang si Phytos!" natatawa na lamang siya, mortal talagang mag kaaway ang dalawa. Hindi niya na rin pinapansin kahit walang ate ang tawag nito sa kanya, hindi naman big deal sa kanya ang edad niya sa tatlo, ang pamangkin niyang si Yuan lang naman ang madalas niyang awayin tungkol sa edad, nakakatuwa kasi ang isang iyon, pero ngayon hindi na, takot niya na lamang sa asawa nito.
"What did you do then? Mukhang mas may matindi ka pang galit doon."hawak niya sa kanyang bisig si Elizabeth II, ang original niyang Elizabeth ay namatay na five years ago. That was so sad, para kasing anak na ang turing niya sa pusa na iyon. Glad that Rojan gave this one, kamukha ni Elizabeth kaya naman ganoong pangalan din ang binigay niya. Hindi naman magtatampo ang kanyang unang pusa kung kaparehas nito ng pangalan ang kanyang bago.
"Ano~" napatingin siya kay SM, bigla kasing nagbago ang mukha nito, kanina lamang ay ang daldal nito, mukhang napipi yata? Medyo naiinggit nga siya sa closeness ng dalawa. Gusto niya rin na itnuring siya ni Pythos katulad ng pagtrato nito kay SM, kahit laging iniinis. She wonder kung naka move one na ito sa first love nito? The girl name is Aki, unang kilala niya pa lamang kay Phytos noon, wala itong bukambibig kung hindi ang magandang Filipina Japanese na iyon. She's a lot older than him, kaya hindi naman din siya alangan na magkagusto kay Phytos, di hamak na mas malapit ang edad nila kaysa ito at kay Aki.
"May nangyari ba? May ginawa ka ba?" tanong niyang muli, si SM kasi ay may pagkawar freak..."Ge?" pangungulit niya gamit ang pet name niya para dito.
"Ano, sinipa ko siya sa ano nya."
"What?" tanong niyang muli, hindi niya kasi makuha ang ibis sabihin nito.
"Sa ano, alam mo na yun, sa parte ng katawan ng lalake na pwedeng mabulok kapag napuruhan!" hindi niya alam kung matatawa siya o ano, pero paano na lamang kung nagkatuluyan sila at mahirapan silang mag-kaanak? Hindi maganda iyon, baka masakal niya si SM kapag hindi sila nagkaroon ng mga babies ni Phytos in the future.
"Bakit mo ginawa iyon? Sobra naman yata." Sita niya dito.
"That because he kissed me! Animal siya!" nabigla siya at nasaktan sa narinig, hinalikan ni Phytos si Miguel? Bakit? Anong nakita nito kay Miguel na wala sa kanya?
"Hindi pa ako tapos sa kanya, gigilitin ko pa siya sa leeg!" gigil na sabi nito, habang minumwestra ng dalawang kamay nito kung paano nito pupugutan ng hininga ang leeg ni Phytos. Huminga siya ng malalim , pigil ang kanyang selos, buti talaga galit ang nararamdaman ni SM kay Phytos, dahil kung hindi...hindi niya alam kung ano, pero hindi niya gusto ang tinatakbo ng kanyang imahinasyon at ayaw niyang humantong sila ni SM sa punto na iyon.
"Bored na ako." Nilapag nito ang wala ng laman na galon ng ice cream, hindi siya magtataka kung sipunin ito mamaya. Masyado kasing matakaw sa ice cream ang babaeng ito.
"Samahan mo ako , bibili ako ng food ni Elizabeth." Yaya niya dito, kaysa naman tumambay sila dito sa kanilang bahay. Yayayain niya na lamang manood ng sine si SM, baka sakali mayaya niya rin ang dalawang kabigan na lalaki.
"I'm so tinatamad." Reklamo nito pero hinila niya ito palabas ng bahay, nakahanda na naman sila, kotse niya ang dadalhin, siya ang magmamaneho. Maging sa byahe ay inis pa rin ito, ang alam niya kasi ay out of town ang dalawa, nasa galaan, gustong gusto ngang sumama ni SM kaya lamang iniwan ng dalawa. If she's the same age as them, mas madali sana. Hyne looks at SM, naka extend ang kamay nito sa labas ng bintana, she's a total opposite of her...kung siya ay pino kumilos at babaeng babae, ito naman ay magaslaw at parang lalake kung gumalaw. Maybe that's also the same reason why Phtyos find her personality cute, sinikap niya minsan but she can't be like her. Doing things opposite her personality was a foolish thing to do. Kung ano siya, iyon dapat ang matanggap sa kanya. She just wait for him to overcome his hearbreak.

BINABASA MO ANG
Sonic Love
RomanceSome people are stuck in an unrequited love, some are in a painful point of a love triangle, While some are running around inside a messy love square...