A/N: wow nasa 11 na ako, pasensya na at sobrang tamad ko talaga lately... hindi naman ako kinain ng korean drama, kinain naman ako ng korean music, kasalanan ng SECHSKIES ito e, sabi ko pa naman 2018 magsisipag ako ayun first week ng 2018 nakilala ko ang SECHSKIES, yung sipag ko, naiwan sa 2017...pero bakit ako nag-eexplain, bukod sa sobrang gwapo ni Kang Sung Hoon ( ang original vampire ng K-pop) yung nasa profile ko... who would have thought 38 na siya? Si Jiwon ang leader na sobrang bully...siya lang talaga ang nakita kong leader sa k pop group na walang pakundangan na i bully ang member niya, si Jaejin na higit pa sa pagiging 4 Dimensional (brother in law siya ni YG, ang boss ng Bigbang, Blackpink at 2ne1 atbp.) so big factor iyon kung bakit na sign sila sa company. Basta adik si Jaejin, tapos ang gaganda ng mga songs nila, from 1997-2000, hanggang 2016 kung kailan sila muling nabuo... 16 years silang na disband, although kulang ng isa , okay lang din.
So ano ang point ng pag eexplain ko?
Simple lang....hindi pa rin ako sisipagin sa pagsusulat hahahaha!
Sechskies- three words
...
SL 11:
Rojan
Mabuti ay kahit napipilitan lamang si Hyne sa kanya ay naaliw naman ito sa kanyang mga pamangkin. Magaling din kasing magpakitang gilas ang tatlo kaya wala kang magagawa kundi ang tumawa ng tumawa hanggang sa sumakit ang iyong tiyan.
"Thanks for being with us, kahit napipilitan ka lamang." Inihatid na niya ito sa kotse nito, ang tatlong alaga niya ay bagsak na sa kanyang kotse.
"It's all right, nag-enjoy naman talaga ako, minus ang pagiging bastos mo." Irap nito sa kanya. Napahawak naman siya sa kanyang batok.
"Ouch, sakit noon, parang ang manyak manyak ko naman." He tried to joke pero seryoso pa rin ito talaga. Maybe this is the right time to say this, at least he experience this even for just one day. Pinangarap niya na maging pamilya sila ni Hyne tapos may mga anak sila, the triplets made him experience that selfish wish.
Ilang taon niya na bang hinahabol ito? Hindi niya na mabilang. Marahil nag-ka crush siya noon kay Ali, but that's just it, kay Phin, nagagandahan man , pero ang paghanga niya rito ay mapag-paubaya, he gave way to his kuya Ron. He realized walang wala ang paghanga niya sa pagmamahal ng kanyang kuya.
This girl in front of her? He's been vocal about his feelings yet she's pushing him away, papunta sa isang babae na kapatid lamang ang turing niya para makuha ang kaibigan niya. How ironic right? Na-trapped sila sa isang love square. The only way to break it may isang bibitaw and that will be him.
"Don't worry. " tumingin siya sa kanyang wrist watch, ten minutes before eight in the evening. " At twenty one hundred, I will end my feelings. Panahon na para tumingin naman ako sa iba, yung kayang suklian ang pagmamahal ko, iyong hindi ako ikakahiya dahil sa age gap. I'm letting you go kahit matagal mo na akong binitawan. But we can't be friends yet, fresh pa ang sugat , next time na lamang siguro. Ingat ka." Tinalikuran niya ito. He wishes for her to call his name, patigilin siya, pero hindi , nakasakay na siya sa kotse, nakaalis na siya doon, walang tawag na narinig.
"Tito, are you crying?" pinunas niya ang luha sa kanyang mata. Akala niya tulog na ang isang ito, bakit biglang nagsasalita.
"No, I'm not Robin. Go back to sleep."
"Don't be shy Tito, boy's do cry, lalo na if it's painful." Sabay hikab nito at pikit ng mata. Bahagya niya itong nilingon, hindi niya alam kung saan napulot nito ang bagay na iyon, pero buti na lamang at nakatulog ito.
Nagising naman ang mga ito pag-kauwi nila, nakaabang ang mga kasambahay para linisan ito at palitan ng pantulog. Bago pa man matulog ay tumawag ang parents ng mga ito, sandali lamang nagkwento ang mga bata dahil sa pagod.
"How was it?" tanong ng kanyang ate Candice.
"Okay lang naman." He tried to smile, pero nakita pa rin nito ang lungkot sa kanyang mata.
"You look sad may nangyari ba?" nag-aalala naman na sabi nito, magsasalita sana siya ng magpakita sa screen ang kanyang kuya, umakbay ito sa asawa.
"Kulang lang yan sa babae, huwag mo na nga yang kausapin, halika na masahihin mo ako." Lambing pa ng kanyang kuya.
"Ren nga, umayos ka!" banta ng kanyang ate, may kasama pang pandilat ng mata.
Ngumisi naman ang kanyang kuya ilang sandali pa ay binuhat na ang kanyang ate at tinumba sa kama. Pinatay niya na lamang ang laptop. Hindi niya na masikmura ang susunod na pangyayari. Ang kuya Ren niya pa, spitting image ito ng kanilang daddy pagdating sa kalokohan.
Masaya siya para sa kanyang mga kapatid pero hindi niya maiwasang mainggit para sa kanyang sarili. Bakit ang tagal naman ng para sa kanya? Talaga bang kapag bunso siya ang huli? Hindi dapat ganoon.
Tumunog ang kanyang cellphone, mensahe galing sa kanyang kuya.
Go out if you want. Don't worry about the kids, they are safe. Magpadilig ka ng hindi Biyernes Santo ang mukha mo-Ren
Baliw talaga.
Maybe he's right.
Naligo siya at nagbihis, binilin niya sa mayordoma ang mga bata. He needs something to mend his brokern heart. Hindi niya alam kung bakit sa manhid pa siya nagkagusto, kailangan niya tuloy ng pampamanhid sa kanyang puso ngayon. Hawak niya ang kanyang cellphone, nag-aalangan pa siya kung tatawagan niya si Phytos o hindi. Sa huli, nagdesisyon na lamang siyang lumakad mag-isa, bakit niya nga naman itotorture ang sarili niya, baka sa galit niya mamaya ay pupukpukin niya ng bote ng rhum sa ulo si Phytos.
Nagdrive siya papunta sa isang club, nakita niya naman doon ang mga kaibigan niya noong college. He won't feel alone, present din doon ang mga babaeng nagpapansin sa kanya noon pa. Models, showbiz personalities, professionals, who wouldn't know a Romualdez? Hindi naman sa pinagmamalaki niya ang kanyang apelyido, ngayon nga lamang talaga pumasok sa isip niya. He wanted a simple life that's why he chose a profession that he loves. Hindi naman siya tinutulan ng kanyang magulang, syempre wala ng masasabi si Jett Romualdez kapag may final na desisyon na si Clem Romualdez. Nagiging duwag ang daddy niya sa harap ng mommy niya, noong una hindi niya maintindihan kung bakit ganoon, pero naunawaan niya na rin sa huli. Kaya ngayon, bakit kung kailan handa na siyang maging duwag basta makasama lamang ang babaeng mahal wala namang tumatanggap sa kanya.
"Hi, Rojan, nice to see you again." Isang magandang babae ang nasa kanyang harapan, she has a very long and silky hair, mapula ang kanyang labi, maputi ang kutis. She's wearing a very short and tight white dress. Inabutan siya nito ng drinks, he gladly took it. Inubos niya ito sa isang shot lamang.
"Nice to see you too." Bati niya matapos, mas lalo pa itong lumingkis sa kanya, the girl giggles more when he grabbed her by her waist. Their group of friends cheers some more, inabutan siya ng inumin na siya namang pinaunalakan. Hindi niya muna iisipin na sasakit ang kanyang ulo bukas. He will just enjoy and get wasted tonight. Hinila siya ng kasamang babae sa dance floor, he dance with her. Ito pa nga ang nagbibigay ng instruction sa kanyang kamay kung saan ito hahawakan. This type of girl, he knows what she wants and he will gladly give it to her after. Sa ngayon, eenjoy nya muna ang musika, nakatingala siya habang nakapikit ang kanyang mata.
"Rojan babe." A seductive whisper in his ear made him to open his eyes. Hindi niya alam kung dahil bas a dami ng nainom o sadyang nakikita niya si SM sa kanyang harapan. She's not the usual SM though, naka –make up e.
"What are you doing here?" tanong niya, nakahawak ito sa kanyang balikat. Ang kanyang kamay naman ay nasa beywang nito. Nasaan na ang kanyang kasayaw.
"What do you think?" is it the effect of the alcohol or is she really smiling at him seductively?
"Alis na tayo dito, I'll take care of you." Maybe because of his wounded heart, he find her words soothing. Nagpadala siya sa hila nito.
BINABASA MO ANG
Sonic Love
RomanceSome people are stuck in an unrequited love, some are in a painful point of a love triangle, While some are running around inside a messy love square...