4/01/2018
...
SL 17:
Hyne
Lumingon pang muli si Rojan sa garden kung saan nila iniwan ang dalawa. Lalakad pa sana ito pabalik nang mapansin na mukhang nagkakainitan ang usapan nina SM at Phytos. Bago pa man nito magawa ang gusto ay pinigil niya ang braso nito, noon ito bumaling sa kanya.
"Let them talk, alam mong mayroon silang dapat pag-usapan." Tinignan nito ang kanyang kamay na nakakapit saka inalis, naupo ito sa couch sa may living room, kumuha ito ng magazine na nasa ibabaw at inabala ang sarili sa pagbabasa. Nakatingin lang naman siya sa mga ginagawa nito. She figured that she doesn't want to talk to her. Huminga siya ng malalim saka naupo sa couch na katapat nito. Wala ang bakas ng makulit at palangiting si Rojan sa mukha nito habang tinitignan niya, at siya ang dahilan ng pagbabago nito.
"You don't need to marry SM, you can't marry someone out of pity." Gusto niyang marealize nito ang bagay na iyon, kahit na nakalabas na sa balita na ikakasal na ang dalawa , may oras pa naman para umatras. Hindi pa huli ang lahat, hindi niya hahayaan na magkamali ng desisyon ang dalawa, especially Rojan.
"I will not marry her out of pity if that's what worry you." Hindi pa ito nakatingin sa kanya, patuloy pa rin ito sa pagbobrowse sa hawak na magazine.
"If not, ano pa ang dahilan mo? It's clear to me because of the baby. Pwes, nandito na si Phytos." Nabigla siya ng mabilis na sinara ni Rojan ang magazine at pabagsak na nilagay sa coffee table. Nakaramdan siya ng takot sa matalim na tingin na binibigay nito sa kanya.
"And that's the reason why Phytos is here right? It was you."
"We-well, of course he needs to know. He's the real father." Sagot niya pabalik.
"Ang pagiging kadugo lamang ba ang basehan ng pagiging tunay na ama? I'm sorry but that's not my belief." Sasagot pa sana siya kaya lamang ay napabaling sila sa pinto dahil sa pagdating ng daddy ni SM.
"Nandito pala ang mamanugangin ko, and hello Hyne." Niyakap nito si Rojan, siya naman ay bumati rin pabalik.
Naalarma si Rojan ng marinig nila ang sigawan sa garden, bago pa man ito makapagsalita ay nauna na sa paglabas ang daddy ni SM. Malamang nag-aaway ang dalawang parehas na matigas ang ulo.
"SM?" tanong ng daddy nito, bumaling kay SM, si Rojan naman ay mabalis na lumapit sa tabi nito para alalayan.
"Nag-aaway ba kayong dalawa?" nakatingin it okay Phytos na parang nakagat ang dila, iniinda ang likod dahil sinipa ni SM.
"No dad, konting asaran lang, kilala mo naman si Phytos, pinanganak siyang siraulo." Nakaismid na wika ni SM.
"I think we should all go home, kailangan na magpahinga ng buntis." Si Rojan iyon, nakangiti itong bumaling kay SM, si SM naman ay mabilis na sumang-ayon.
"Okay, make sure na maliit na pagtatalo lamang ito, SM watch your words, buntis ka pa naman at magiging nanay ka na."
"Yes , daddy sorry po." Umalis na rin ang daddy ni SM, naiwan silang apat doon.
"Wow, talagang tatay na tatay na ang ganap mo sa magiging anak ko a?" nang-aasar na sabi ni Phytos kay Rojan.
"At least I have some balls unlike you. I'm willing to take the responsibility." Mayabang na sabi pabalik ni Rojan, bago pa man mauwi sa pagtatalo ay hinila niya na palabas si Phytos. Galit na galit ito habang umaalis sila doon.
"Ang gago ni Rojan, nakita mo?"
"So now that you see it yourself, ano ngayon ang gagawin mo? Paano si Aki?" tukoy niya sa fiancé nito. Nasabunutan ni Phytos ang sarili, naisip yata na may babae pa itong reserba, sarap niyang kutusan ang sarili ngayon. Paano niya nagustuhan ang duwag na lalake na ito. Nababaliw na nga siya.
BINABASA MO ANG
Sonic Love
RomanceSome people are stuck in an unrequited love, some are in a painful point of a love triangle, While some are running around inside a messy love square...