SL 16:

4.4K 221 14
                                    

3/31/2018

...


SL 16:

SM

Naglalaway siya habang nanonood sa nagbabalat ng hilaw na manggang Rojan. Bangong-bango din siya sa amoy ng bagoong na galing pa sa probinsiya ng Bataan. Taga-roon kasi ang isa nilang kasambahay, nagbakasyon ito noong isang araw sa probinsiya , pagbalik ay may dala-dalang mga pagkain katulad ng daing, tinapang bangus, itlog na pula at bagoong. Nagdala rin ng isang kaing na mangga. Nakakahiya man dahil para sana sa lahat iyon pero ayaw niyang mamigay, dahilan niya pa kulang pa iyon sa kanya. Pasalamat sila at naiintindihan siya ni nanay Rita dahil dumaan na din ito sa paglilihi. Hindi naman ito pumayag na bayaran niya ang mga pasalubong nito.

"Matagal pa ba?" naglalaway na sabi niya. Tatawa tawa naman si Rojan sa kanyang harapan. Sunday, sarado ang shop nito kaya naman bisita niya ito sa kanilang bahay.

"Pang-lima mo na ito, hindi pa ba sumasakit ang tiyan mo?" natatawang tanong nito sa kanya.

"Hindi naman, gutom pa si baby na matakaw gagaya pa yata doon sa patay gutom niyang daddy." Bigla siyang nakaramdam ng pagsisisi sa kanyang nasabi, napahinto kasi si Rojan sa pagbabalat nga mangga. Humingi naman siya agad ng paumanhin dito. "Sorry."

"Sabi ko naman sa'yo , ako ang magiging daddy ni baby. Susubukan natin diba?"

Alam niyang ginagamit niya si Rojan para pagtakpan ang kanyang nagawang katangahan. Pinagsasamantalahan niya ang kalungkutan nito kaya naman hindi niya magawang maamin sa lahat kung sino talaga ang tunay na ama ng kanyang anak. Paano nga naman niya sasabihin? Kung ang gagong iyon ay abala sa kinababaliwan nitong babae. Baka nga sa oras na ito ay maligaya na ang siraulo sa kandungan ng Haponesa na iyon.

"Rojan, kapag tinuloy natin ito, paano na si Hyne?" alam niya noon pa na kung may babaeng mahal na mahal si Rojan, iyon ay ang kanilang kaibigan na si Hyne. Kaya nga lamang noong mga panahon na lokong loko siya sa pag-ibig niya kay Rojan ay hindi niya tinatanggap ang ideya na baka mahal din ito ni Hyne. Pero iba na ngayon, iba na kapag ang mga desisyon mo ay hindi na lamang para sa sarili mo, kung hindi para na rin sa buhay na nasa sinapupunan mo.

"Si Hyne? Wala namang kami, kaya wala kang dapat ikabahala." Ramdan niya ang pilit nitong pagngiti. Papayag ba talaga siyang subukan nila? Kapag nangyari iyon, wala ng atrasan. Magiging maayos ba ang lahat o lalong gugulo.

"Rojan."

"Eat, pero last na iyan ha, baka sumakit na ang tiyan mo." Tinulak nito sa kanyang harapan ang plato kung saan nito nilagay ang mga kakahiwang mangga. Wala na siyang nagawa kung hindi bitawan ang topic na iyon. Ayaw talagang pag-usapan ni Rojan ang tungkol kay Hyne.

"Excuse me po, ma'am nandito po sina ma'am Hyne." Napalingon sila sa kasambahay. Napatitig siya kay Rojan, blangko naman ang ekpresyon na binigay nito sa kanya.

"Salamat ate, papuntahin mo na lamang siya dito." Hindi niya na pala dapat iutos pa. Nakita niya ang pagkunot ng noo ng kanyang kaharap, nakatalikod kasi siya sa pinto kung saan papasok ang bisita. Umikot siya para lamang magulat sa taong nasa likod ni Hyne.

"What is he doing here?" tanong niya sa sarili.

"Hi SM, kumusta ang pagbubuntis?" nakangiting bati ni Hyne, may dalai tong prutas na pinatong nito sa mesa. Matapos siyang batiin ay si Rojan naman ang binati nito. " Hello Rojan, it's good to see you here. Inaalagaan mo talaga ang mag-ina." Hindi niya narinig o nakita ang reaksyon ni Rojan dahil nakatingin siya sa siraulong lalake na masamang nakatingin sa kanya. Ito pa ang siyang may ganang magalit.

"Anong ginagawa mo dito? Sinong nagsabing pwede kang pumunta dito?" sumbat niya dito.

"Sa tingin ko, mayroon tayong dapat pag-usapan, na tayong dalawa lang." lumampas ang tingin nito sa kanya, para bang sinasabi nito na umalis muna ang mga hindi kailangan.

"Wala tayong dapat pag-usapan." May diin na sabi niya," Umalis ka na."

"Wow!" napapapalatak pa si Phytos." Hindi naman ganyan yung sinabi mo sa akin noon a, ayaw mo nga akong bitawan noon kahit alam mong hindi siya ako. Kasi ano nasaktan ag ego mo dahil tinanggihan ka?"

"Jerk!" dinampot niya ang buto ng mangga na nasa mesa saka binato kay Phytos, hindi ito umilag kaya naman natamaan ito sa noo. "Lumayas ka na sinabi."

"Phytos, listen to her, hindi masama na ma-stress siya. " si Rojan na nasa kanyang gilid.

"Leave us alone Rojan, I dropped everything just to be here so please leave us alone." Nandoon ang pagbabanta sa boses nito, bago pa man siya makapagsalita ay inunahan na siya ni Hyne, hinawakan nito sa braso si Rojan.

"Let them be Rojan, let's go."

"Sandali lang." before Rojan left with Hyne, he gave her hand a gently squeeze. "I'm just here no matter what." Pagkatapos ay iniwan na silang dalawa ni Phytos.

Kailangan pa ba talagang ipaalala nito? Kung hindi naman ito sumunod sa kanila noong gabi na iyon wala sanang malaking problema. Si Rojan ang nakaplanong pagbigyan niya ng kanyang sarili noong gabing iyon. She's drunk but she was aware of her surroundings. Nandoon na , nasa kama na sila, they were kissing each other, she was half naked and so is Rojan, but he stopped. Saying he couldn't do it with her, she confessed again for the nth time but got rejected. Then Phytos came in the room mocking her for her stupidity, she was too hurt that she vent her anger to this man. One moment they we're shouting at each other until they're down in bed doing wonders with each other's body.

Sa ganoong punto siya dinala ng kanyang katangahan.

"Hindi ka na talaga naawa kay Rojan? Pati ang baby ginagamit mo para matali siya?" mapanghusga na tanong nito sa kanya.

"Wala kang pakealam." Wala naman talaga, sino ba ang biglaang nawala dahil sa isang tawag matapos ang gabi na iyon? Kayang kayang ibasura ni Phytos ang lahat para lamang sa isang tawag mula sa Haponesang iyon. Ano ang karapatan nitong sabihan siya?

"Bakit ka magpapakasal sa kanya? Ako ang daddy ng baby mo, natural may pakealam ako." Galit na sigaw nito sa kanya. Ito pa ang may ganang manigaw, umakyat na yata ang lahat ng kanyang inis sa kanyang ulo. Kung pwede lamang sipain ito ay kanina niya pa ginawa.

"Bakit hindi? Mas mabuti siyang tao kaysa sa'yo, saka ano ang aasahan ko sa'yo , hindi ba nga baliw na baliw ka kay Haponesa?" akusa niya, natigilan ito pagkabanggit niya sa babaeng kinahuhumalingan nito, partida hindi pa iyon ang mismong pangalan noon.

"Basta hindi ako papayag na si Rojan ang maging daddy niya, anak ko yan. Tayo ang gumawa niyan."

"Kapal ng mukha mo, siya naman talaga dapat iyon e, panira ka kasi ng moment. Huwag kang mag-alala kung makakasal ako kay Rojan at siya ang magiging daddy. Kikilalanin ka pa rin ng baby kasi kukunin ka naming ninong!"

"Ninong? Ako? Nababaliw ka na ba? Bakit ako magiging ninong lang ng sarili kong anak?"

"Bakit ka magiging ninong? Kasi walang tayo, kaya pwede ba huwag mo na akong I stress. Bwisit ka! Kung nasa bulsa ko lang ang baril ko nabaril na kita!"

"What is happening here?" kapwa sila natigil ng marinig ang boses ng kanyang daddy, bakit nakabalik na ito kaagad? Narinig kaya nito ang bangayan nila ni Phytos.

Tumingin si Phytos sa kanya saka bumaling sa kanyang daddy.

"Sir." Sinipa niya ito sa likuran bago pa man ito makapagsalita, gulat ang kanyang daddy sa kanyang inasal pero mamaya na lamang siya iisip ng magiging palusot.

The truth is, she's doing him a favor, para makauwi pa ito ng buhay. Magiging ninong pa ito ng anak nila.

15

Sonic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon