SL 5:

4.9K 254 26
                                    


A/N : currently listening to superjunior's -one more chance, may co-ELF ba ako diyan? 

SL 5:

HYNE

She parked her car in front of the Uytingco's mansion, hindi rin naman siya magtatagal, ibibigay niya lamang ang kanyang regalo kay Miya. Yuan and Ran's daughter, her so called granddaughter. Kung noong bata ay tuwang tuwa siya kapag tinatawag siyang tita ni Yuan, ngayon ay baliktad na. She refused to be called lola by Miya, si Yuan ang natutuwa kapag tinatawag siya ng anak nito.

"Hi tita Hyne!" tawag ni Miya sa kanya, nagmano saka humalik ito sa kanyang pisngi, she handed her gift to her. One month din kasi siya sa Thailand.

"Hi Hyne," bati ni Ran, nagbeso silang dalawa, mas lalong gumaganda ang asawa ni Yuan habang tumatagal, no wonder their Yuan fell head over heels.

"Dinala ko lang ang pasalubong ko kay Miya."

"Have lunch with us, tagal mong palaging nawawala." Reklamo nito, she had no choice but to agree, her schedule can wait. After a week, sa Australlia naman kasi siya pupunta. Medyo magtatagal siya roon.

"Okay."

"Oh, you're here, umitim ka." Iyon agad ang bungad sa kanya ni Yuan pagkakita sa kanya, galing ito sa itaas, must be babysitting their youngest son.

"Where's Key?" tanong ni Ran sa asawa, tukoy sa kanilang bunsong anak, their adopted son, hindi na kasi pwedeng magbuntis si Ran. Yuan's okay with it, hinimatay nga ito noong manganak si Ran kay Miya, he said that he can't bear seeing that again, kaya okay lamang na hindi na mabuntis. They just adopted Key para may boys sa kanilang pamilya. Baka nga sa ganoon na lamang din siya mauwi, she's been single since she can't remember, her last relationship, just lasted for two months. Alam niya na kasing hindi magwowork, bakit kasi siya napapayag pa, ngayon tuloy nagsisisi siya dahil nakakaramdam siya ng hiya sa tuwing nagkakasalubong sila ng taong iyon.

"Ang sarap ng niluto ng asawa ko, husgahan mo pa?" pagmamalaki ni Yuan sa luto ni Ran, nakurot tuloy ito.

"Please don't provoke our Dietician, I made sure that these are not only delicious but nutritious too." Dagdag pa ni Ran, nahiya naman siya rito, makikikain na nga siya, she's not here to judge these foods in their table.

"Please, I'm off duty." Pagsakay niya na lamang sa dalawa. Naupo na silang lahat, napansin niya na may dalawang extrang plato sa kanyang tapat. Tatanungin niya sana kung para kanino iyon nang marinig niya ang anunsyo ng kasamabahay nina Ran.

"Nandito na po si sir Rojan at si sir Phytos." Para siyang nabilaukan sa kanyang narinigm napainom tuloy siya bigla ng tubig. Ilang sandali nga lamang ay nasa harapan niya na ang dalawa, dahil laging magkasama ay nagmumukha nang magkamukha ang dalawa. Parehas na matangkad, parehas na nag-mature ang pangangatawan. Magkaiba nga lamang ng propesyon ang dalawa, si Phytos ay sa kumpanya ng pamilya nito habang si Rojan naman ay mayroon ng sariling negosyo, natupad ang kagustuhan nitong maging betirenaryo akya naman doon luminya ang negosyo nito. Hindi na siya nagtatakam eversince she knew him, mahilig na talaga itong mag-alaga ng hayop.

"Hyne's here, dito niya lang siya nahuli no?" komento iyon ni Yuan, hindi niya alam kung para kanino sa dalawa sinabi pero napansin niyang nagtinginan ang dalawa ng makahulugan. Does Yuan knows?

"Hi Hyne, galing magtago ah," si Phytos iyon na lumapit sa kanya saka humalik sa pisngi.

"Anong nagtatago? I wasn't." tanggol niya sa sarili, ilang sandali pa ay si Rojan na ang nasa kanyang harapan, bukod sa ginawang paghalik sa kanyang pisngi ay hinawakan pa siya nito sa beywang. She's smelling his familiar scent, hindi pa rin nagbabago.

"Hindi nga ba talaga?" he seems accusing her. She awkwardly laught at him, buti naman at hindi nagtagal at bumitiw na ito saka pumunta sa upuan sa kanyang gilid. Mas nauna pa itong umupo kaysa sa kanya.

"Phyt, abot mo na lamang yung plate." Nakangising sumunod si Phytos ni Rojan.

"Bakit hindi ka na lamang kasi maupo roon katabi ng bestfriend mo?" tanong niya.

"Bakit ba? I want to sit here." That came so awkward, napatingin siya sa paligid , lahat ay nakatingin sa kanila maliba kay Miya na abala na sa pagkain.

"Si SM na lamang ang kulang kumpleto na ang barkada natin. Baliw kasi ang babae na iyon, ayaw pang lumabas sa military, gusto pang magpa assign sa Mindanao." Reklamo ni Phytos, mukhang na mimiss din talaga si SM, hindi niya maipagkakaila na nakakaramdam siya ng selos, bakit kasi iniisip nito ang taong hindi naman siya ang iniisip habang nasa malayo.

"Kumain ka na, titig ka ng titig baka matunaw iyan." Rojan sounded so bitter, nilalagyan nito ng pagkain ang kanyang plato. She wanted to protest kaya lamang ang reklamo niya ay nalulunod lamang sa gulo na napasok nila.

It was then that she realized that it wasn't just a simple puzzle. It was more than that. Kahit bata at may mahal na iba, she learned to like Phytos, si Phytos naman espesyal ang turing kay SM, kahit pa alam nila na minsan itong nabaliw sa haponesang si Aki, si SM ang nagsilbing happy pill at gamot para kay Phytos. Si SM naman simula umpisa may gusto na kay Rojan , si Rojan naman nakatingin sa kanya, kahit pa hindi ito sigurado sa kung ano ang iisipin ng kanilang pamilya dahil para na silang magkamag-anak. But Rojan insist na hindi naman sila magkadugo. She once tried it with him, hoping that his feelings was just like a phase, knowing that she can't forget Phytos by diverting her attentions.

Pero nakakasakit pala siya. She's hurting her friend SM, kaya naman nang humingi ito sa kanya ng pabor, hindi siya nakahindi.

She looks at Rojan, nakatitig pala ito sa kanya.

"That's too much, just help yourself." Sabi niya dito.

...

ROJAN

"Come on Rojan, let's dance." Kanina pa siya hinihila ng babaeng katabi kaya lamang ay wala siyang gana. Nakatingin siya kay Phytos na masayang nakikipag-sayaw sa dance floor kasama ang babaeng nakilala lamang nila doon. Why can't he be like him?

Ano bang mayroon si Phytos na wala siya? He is his bestfriend kaya lamang minsan talaga hindi niya mapigil ang sarili na mainis dito. Which is not right, ngayon pa rin na bumalik si Hyne though she will not stay long according to her. Ano ang gagawin niya para mapapirmi ito? Hindi lamang ito simpleng pagka-gusto, dahil kung ganoon nga, matagal na itong na nawala sana, pero nandito pa rin.

He dated and bedded so many women but why does his heart still beats for the unreachable? Gwapo naman siya, mayaman, mabait, ano pa ba ang kulang?

"Kung magmumukmok ka diyan, umuwi na lamang tayo." Si Phytos iyon , pagod na naupo sa kanyang gilid, pinaalis nito ang babaeng nangungulit sa kanya.

"Anong mayroon ka na wala ako?" he asked. Napatigil naman ito sa pag-inom ng shot nito, napatingin sa sarili bago sumagot.

"Nevermind." Saway niya dito, mukha kasing kalokohan ang isasagot nito."Bakit yata ang saya mo? You party like there's no tomorrow."

"My pet's coming back. Magiging abala na naman ako sa pagbabantay sa kanya habang humabahol sa'yo." Amuse na sabi nito, tiyak niyang si SM ang tinutukoy nito, wala namang iba. He's not an animal lover.

"And you're okay with that?" sa paghahabol sa kanya ni SM.

"We both know that she's crazy over you, but my friend I will make her get over you soon, watch ka lang." confident na sabi nito. He just sighs. He just wishes that his confident level will be as high as his.

���

Sonic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon