5/6/2018
...
SL 20
Rojan
"Kailan pa siya naging matamlay?" abala siya sa pag eksamin sa poodle, tinatanong niya ang babaeng may-ari na alalang alala sa alaga. Iba talaga kapag masyadong na attach sa alaga, hindi na lamang hayop ang trato mo rito kung hindi para na ring anak.
"Kahapon pa Doc."
Patuloy siya sa pag-eksamin dito, nakahinga na ng matiwasay ang may-ari nang sabihin niya na simple lang naman ag karamdaman ng alaga.
"Sir, may bisita po kayo ulit." Imporma ng kanyang sekretarya. Alam naman niya kung sino iyon, sa nakalipas na apat na araw ay walang palya ang pagdalaw ni Hyne sa kanyang opisina. Kung ano-ano ang mga dala nito, bagay na hindi naman nito ginagawa dito. Pinupuntahan lamang siya nito noon kapag may sakit ang alaga nito.
Matapos ang paggamot niya sa poodle ay pumunta na siya sa kanyang opisina. Biglang tumayo doon si Hyne, napansin niya ang nakapatong na Tupperware sa mesa at bulaklak? Napataas tuloy ang kilay niya dahil doon.
"Hi, I made lunch for you." Panimula nito. Masarap at masustansya itong magluto. No doubt about that. Iyon ang kurso na pinag-aralan nito.
"Nag-abala ka pa."
Umupo siya sa katapat na mesa nito.
"For you." Inabot nito sa kanya ang bulaklak, doon niya na hindi mapigil ang matawa. Nitong mga nakaraan ay pagkain at chocolates, ngayon may kasama ng bulaklak?
"Para kang nanliligaw nito." sabi niya saka nilapag din ang bulaklak sa mesa. Hindi naman niya kailangan ng bulaklak sa opisina, hindi katulad nito.
"I'm courting you naman talaga." Seryosong sagot nito, naramdaman yata nito na awkward ang kanilang sitwasyon kaya naman binuksan na nito ang tatlong baunan na dala. Amoy palang ay masarap na, pero hindi siya makukuha basta basta sa suhol na ito. Marami rin siyang sakit na dinanas dahil sa babaeng kaharap. Hindi ito mapapawi lamang sa simpleng paraan na ito. If she really wanted him, she will do more than this. This simple gesture will not move him , at tanga nga pa rin talaga siya dahil hinihintay niya iyon kahit paano.
"Kailan ka magsasawa?"
Natigil ito saka pilit na ngumiti sa kanya.
"I won't hangga't hindi kita nakukuha. Call me selfish, crazy or whatever. You're mine to begin with." Hyne said with arrogance.
"So cocky."
Magsasalita sana ito ng bumukas ang pinto, nagulat si Hyne nang makita si SM na nakatayo sa pinto, katulad ng huli ay may dala rin itong pagkain. Kaibahan nga lamang ay inorder nito sa isang restaurant.
"May lunch ka na pala, akala ko wala pa?" Bago pa man makapagsalita ng kung ano si SM ay nilapitan niya na ito. He took the paper bag in her hands and guided her in the couch beside him. Si Hyne naman ay pinapanood lamang ang bawat galaw nila.
"Loko ka, pinapunta mo ako at inutusan mo dito dahil nandito siya?" napa aray pa siya sa kurot nito sa kanyang tagiliran. Hindi naman siya masyadong nagpahalata kahit masakit, bagkus nilapit niya ang bibig sa tainga nito para bumulong.
"Just play along. Ngayon lang ako sinuyo nito." inakbayan niya ito saka hinalikan sa pisngi, nakita niya ang pag-asim ng mukha ni Hyne sa kanilang tapat. Pinipigil ang sarili na hindi magsalita. As for SM, wala naman siyang nililihim dito, sinabi niya ang lahat, including Hyne's plan to get him back. He was surprised to see the matured version of SM, ang anak na lang talaga sa sinapupunan nito ang mahalaga.
"Let's see what my fiancé brought me." He was more than excited, sa puntong over acting na, nasiko na naman siya ni SM dahil doon. Nginuso nito si Hyne na mukhang iiyak. He wanted to hurt her but he soften once he sees her in pain. Magulo talaga.
"You can have mine later. Mauna na ako. Bye SM." Kinuha agad ni Hyne ang gamit saka mabilis na lumabas ng kaniyang office, hindi na lumingon pa.
"Hala , pinaiyak mo." Tukso sa kanya ni SM, kinalkal na nito ang pagkain na dala ni Hyne.
"Hey, that's mine!" saway niya dahil nilalantakan na nito ang pagkain na para sa kanya.
"Huwag kang madamot, buntis ako at naglilihi, saka inutusan mo ako na bumili, hindi ka na naawa sa buntis." Sumbat nito sa kanya kahit pera naman niya ang ginagamit nito. Wala na lamang siyang nagawa, nakisalo na lamang siya sa kinakain ni SM kaysa naman hindi siya makatikim dahil dumoble ang katakatawan nito. Sa totoo lamang, gusto niya ang relasyon nila ni SM ngayon, walang awkwardness, mas naging close pa sila dahil sa kanilang mga pagsubok, lalo na ng mag-umpisa sila sa kanilang kalokohan.
"Kailan natin sasabihin na hindi na tuloy ang kasal natin?" tanong ni SM sa kanya sa gitna ng pagsubo nito, inabutan niya pa ng tubig dahil nabilaukan na ito. Sarap na sarap sa luto ni Hyne.
"Ikaw ba? Tatanggapin mo na ba ang ulol na ama ng anak mo?" tudyo niya dito.
"Grabe ha, barilin ko pa siya sa bayag niya. Doon na lamang siya sa Haponesa niya, wala akong pakealam, nag-iisip pa ako, pagsinabi ko kina daddy na hindi tayo ikakasal dahil hindi naman ikaw ang ama ng baby ko, tatanungin niya ako kung sino. Papatayin noon si Phytos."
Kunwari'y hindi nag-aalala pero ayaw naman mapatay ng ama, o gusto lamang nito na siya mismo ang papatay sa ama ng anak niya? Baliw din ang isang ito e. Nakakapang hinayang din na hindi matutuloy ang kasal,exciting gumising na bumanganga ni SM ang mumulatan sa umaga, natatawa kasi siya sa kung ano ang lumalabas sa bibig nito. Hindi niya tuloy masabi kung nagayuma talaga ba siya ni Hyne dahil kung tutuusin madaldal na babae ang ideal girl niya pero sa mahinhin siya talaga tinamaan ng matindi.
"Naghiwalay na daw e." narinig niya lang naman sa kuya Ron niya, nabilaukan naman ito sa sinabi niya.
"Pakealam ko! Bakit mo ba sinasabi sa akin iyan? Wala nga kasi akong pake." Na high-blood naman agad ito, sinabi lang naman niya ang nabalitaan niya, malay niya ba kung totoo.
"I'm worried about your parents." Bigla naman itong na bothered sa maaring isipin ng kanyang mga magulang.
"Don't worry about them, they will understand. Kung hindi mo alam may history ang magulang ko ng ganito, it's just that my dad still chose my mother in the end. Buti na rin , dahil kung hindi wala kami nina kuya Ron. Malalaki na sila kuya at ate ng mag-kaayos sila."
Tumatango tango naman si SM.
"Thanks for giving me an idea, kapag graduate na si Baby ko sa K-12 doon na lang ako makikipag-ayos kay Phytos." Nakangiti pa ang bruha pero alam naman niyang nagbibiro lamang ito.
"Sira ka talaga."
"Hindi ka ba nag-aalala kay Hyne?"
Napangiti naman siya. Bakit siya mag-aalala kung may mata naman siyang nakatingin dito.
Itinaas niya ang kanyag cellphone, ipinakita niya ang tracker kay SM.
"Hay Romualdez, may dugong stalker ka nga talaga."

BINABASA MO ANG
Sonic Love
عاطفيةSome people are stuck in an unrequited love, some are in a painful point of a love triangle, While some are running around inside a messy love square...